"Happy birthday, KC!" malakas na sigaw ng mga ito sa kanya when she opened the door of there house. Natawa tuloy siya sa sarili. Maghapon siyang nagtatampo sa mga ito dahil wala man lang nakaalala sa birthday at iyon pala ay may binabalak pala ang mga ito na surprise para sa kanya. Nakapagkit ang mga ngiti sa labi niya nang makita ang mga naroroon, her mother, Gray with his girl, Nick even Rohann was there. Nandoon din sina Marcus at ang asawa nitong si Claire, Amira, and the rest of her old college friends, Daniel, Jake, Michael. Tanging si Nathaniel na lang ang wala roon. Bigla tuloy siyang nakaramdam nang pangungulila sa lalaki. Halos walong buwan na rin mula nang huli niya itong makita and she doesn't have any news of him. Pilit man niyang kinakalimutan ang binata but she never did

