Awang-awa si Loui sa dalaga habang nakatunghay ngayon dito na mahimbing na natutulog dahil na rin siguro sa labis na pag-iyak. Kung noong una niya itong makita ay nahabag na siya, mas dumoble ata ang nararamdaman nitong sakit ngayon. And that’s because of the same person, si Nathaniel Monticello. Ang inaalala niya ay kung ano ang gagawin ng dalaga sa sarili. He saw her ruined herself before and he was afraid that she’ll do it again this time. Hindi niya papayagan na mangyari ulit iyon sa dalaga. Mahal niya ito at mahalaga sa kanya kaya hinding-hindi niya hahayaan na maulit ang nangyari rito noon. She didn’t deserve that pain coming from the same person. Ang ganda pa nang timing ng tadhana, sa mismong engagement party pa nito ginawang magbiro. Pero sana nga nagbibiro lang ang tadhana sa d

