"Wala talaga ako sa masabi sa mga surprises mo love.." Dagdag ng dalaga habang nakahilig sa balikat ng binata at nanonood sila ng movie na..
Pinili na nila ang love story na movie. Mas maganda ang pakiramdam ng dalaga pag nakakulong siya sa mga bisig ng binata. Mas narerelax siya pag nadarama ang init ng katawan nito. Hindi na nya nais matapos ang moment nilang dalawa.
"It's good to be in the arms of your love," piping bulong ng dalaga.
"Love thank you for making me feel important. I was not able to feel this with my past.. It was not a good relationship. I was just blinded that time. Akala ko siya na ang tama para sa akin pero nagkamali ako. Hindi pa naman huli ang lahat.. Makikita ko pa ang lalaking para sa akin. I just wanna thank you for showing what I am missing. I really do appreciate all of this love.." Madamdaming pahayag ng dalaga.
" Shhhhh, "pigil ng binata sa dapat sasabihin pa ng dalaga..
" This is not the right time to talk about your past experience with that ex of yours.. Ang mahalaga ay ang ngayon.. Ang kung anung meron tayo na pinagsasaluhan..
Hindi ako sanay sa mga ganito aaminin ko sayo, I maybe not exceed or exceed your expectation but I assure you I am always here to make you happy love..
We just have to enjoy and forget the past.
I may not be the best but I assure you, you will enjoy my company.. "
" Thank you love.. I will bear that in mind." Nalungkot lang ang dalaga dahil walang sinabi ang binata na mahal siya nito.
Hindi pa siguro handa ang binata na sabihin ang totoong damdamin nito sa dalaga.
"Siguro alam mo naman na ang sinasabi ng ibang tao tungkol sa akin pero I am who I am.. Lahat naman nagbabago, at sana lang hindi ka magsasawang initindihin ako lagi..
Basta promise me ako lang ang paniniwalaan mo ok, I may have short comings but I will assure you that I will make it up to you, to make things right and better.." Dagdag na lang ng binata at ginawaran siya ng magaan na halik sa noo..
Wala na talagang mahihiling pa ang dalaga sa binata.. Maalalahanin ito.. Kung anung meron sila ay ipagpasalamat na lang ng dalaga. Umaasa na rin na Sana si Mateo na ang kapalaran nya.. Emosyonal na isip ng dalaga.
"Love may I have this dance?" Sabi ng binata pagkatapos nilang manood ng movie at nakikinig na lang na music para makapagrelax.
"Sure love, maghanda lang yang paa mo at puro kaliwa paa ko" , biro ng dalaga bago sila pumunta sa gitnang bahagi ng kwarto.
Nagpatugtog ng sweet music ang dalaga para mas lalong maging romantic ang paligid.
"Willing akong masaktan para sayo love," nakangiting saad naman ng binata na nakapagpakilig kay Samantha.
"Wow love, you are so dramatic.. Yan ata pamatay mong linya kaya dumami mga babae mo.. As I heard nakikikapag one night stand ka lang lagi ah.. Totoo kaya yun o tsismis lang?" Tanong naman ng dalaga na kinagulat ng binata..
"You do your research love ha.. But it is somewhat true, pero sabi ko nga sayo lahat nagbabago.. Hindi ko alam kung maniniwala ka pero its up to you love.. Basta ang masasabi ko lang, sobra kong naaapreciate ang mga ganito, ang makasama ka, ang pagpapaiwan mo dito para makasama ako.. Kahit simple lang na panoood ng movie, itong pagsasayaw natin. Salamat sa pagsama sa akin love" at hinalikan nya ang dalaga.
"Gusto kita makilala ng lubusan kaya ako nagpaiwan. Gusto din kita makasama kahit sandali lang." Pag-amin ng dalaga..
Nagkukwentuhan sila ng magring na naman ang telepono ng binata..
Si Stacy na naman ang tumatawag..
"I'll just take this call," at lumabas na naman ang binata para sagutin ang tawag..
Nagtataka na lang palagi ang dalaga bakit pag tumatawag si Stacy ay sa labas talaga ito sinasagot ng binata..
"Stacy bat napatawag ka na naman?" Inis na sagot ng binata dito..
"Easy babe, why are you mad? I was just checking why aren't you here in Manila.. I was just wondering what keep you too long to stay out of town? Is there anything or anyone you are interested in kaya hindi mo na inaasikaso ang business na supposedly itatayo natin?" Sunod na sunod na tanong naman ng dalaga..
"Napakamausisa mo naman, for your info I'm just your business partner ok not more than that, and bear that in mind always" . Naiiritang tugon niyo sa dalaga.
"I have some things to attend at hindi naman siguro ako dapat magpaalam sayo ng mga gagawin ko dibah.. We are not a thing Stacy.." Pagtatama ng binata para tigilan na nito ang pakikialam sa kanya.
"And may I remind you, you have no obligations on me and me also to you so stop being a detective.." Dagdag pa ng binata para iparamdam sa dalaga masyado na itong nakikialam sa kanya.
"I'm sorry, I am just asking your whereabouts.. Nasobrahan lang ako, nag-aalala kasi hindi natuloy ang meeting natin dapat. I'm sorry.." Naiiyak ng sabi ng dalaga na kunyari sumisinghot pa para makonsensya naman si Mateo sa pang-aaway sa kanya.
Nahimigan din iyon ng binata kaya medyo nagtaka din siya sa inaasta sa dalaga..
" Pasensya ka na.. Sumobra na din ata ako.. Hindi ko na din maintindihan kung bat ko yun nasabi.. Magkita na lang tayo sa opisina when I got back.. At please I will call you, don't call me.. Salamat.." At binaba na ng binata ang tawag.
Nagmamadali ng bumalik ang binata sa kwarto at pagdating nya dun nakaayos na yung ginamit nila sa panonood ng movie at hindi nya makita si Samantha.. Nadidinig na lang nya ang lagaslas ng tubig sa banyo na naliligo ang dalaga.. Mukhang outside de kulambo ako nito ah.. Mukhang galit ang mahal nya..
"Mahal nya?" , tanong din ni Mateo sa sarili..
Mahal na nga nya ang dalaga.. Hindi na nya ito maitatanggi.. Hindi lang nya maamin kasi natatakot din siya sa kahihinatnan ng pag amin kung sakali man na aamin siya..