Pagdating ng lima sa Open Area, sinalubong sila ng Silent Gang. Dali-daling tumakbo si Wilder papalapit kay Kane at mahigpit 'tong niyakap na para bang ang tagal nilang hindi nagkita. Bahagya namang natigilan si Wilder nang maramdaman niya ang kutsilyo sa kanyang tagiliran. “Easy, bro!” ani Wilder at lumayo na sa kanya sabay-taas ng dalawang kamay na parang sumusuko. “Isip-bata,” ani Ibbie at napailing na lang. “Mahal mo naman,” sa isipan ni Amira nang marinig ang sinabi ni Ibbie. “Nasaan ang Hari?” tanong naman ni Mortem. Lahat ay napunta ang atensyon kay Mortem. “He's waiting for all of you, follow me,” tugon ni Kane. “About the kids…” singit naman ni Amira. “Malalaman mo mamaya,” ani Fairoze. Nang makarating na silang lahat sa HQ ng Fire Gang ay sinalubong naman sila ni Felipe p

