Nang magising si Matia lahat ay nagpunta na sa kanyang kwarto. Bumangon naman agad si Matia nang makita sila Amira na pumasok at lumapit pa si Ibbie para alalayan siya. Lahat ay nakapalibot kay Matia habang si Mortem ay nakaupo sa sofa at nakapikit ang mga mata. “Amira, kailangan kong makausap ang ‘yong lolo,” seryosong sabi naman ni Matia. Umiling si Amira. “Sagutin mo muna ako. Anong nangyari?” Napabuntong-hininga naman siya. “Nandito ako para sa isang misyon,” nang marinig ni Mortem ang sinabi ni Matia ay dahan-dahang niyang iminulat ang kanyang mga mata. Nanatili siya sa kanyang kinauupuan at tuluyang nakinig sa sinasabi ni Matia. “Kahit na may sarili na akong Mafia, tumatanggap pa rin ako ng trabaho sa ibang organisasyon para sa…Pera.” “What about that guy? 'Yong lalaking nakita k

