Flashback Dumating na ang pinakahihintay ng lahat. December 30. Ang araw kung saan lahat nang sasabak sa laban ay handa na para sa tronong naghihintay sa kanila. Afternoon. Fire Gang (Mansion) Habang nilalagyan ni Herald ng bala ang kanyang baril ay nilapitan naman siya ni Aya para yakapin siya dahilan upang matigilan si Herald sa kanyang ginagawa. “Aalis kami ng anak mo. Lalayo kami sa magulong mundo na 'to, Herald. Please, sumama ka na sa amin,” pakiusap ni Aya. Hindi naman naiwasang mainis ni Herald. “Iiwan n’yo ako? Ginagawa ko naman 'to para sa inyo! Aya, walang iwanan, hindi ba?” kumalas siya sa pagkakayakap ni Aya. “I'm doing this for our child! Pumayag na rin si Ama at Ina,” halata sa kanyang mga mata na napapagod na siya at nahihirapan dahil sa mga nangyayari, natata

