Bigla na lamang nagising si Daem sa kalagitnaan ng gabi nang marinig ang ingay na nagmumula sa kanyang pinto. Katok nang katok ang maid na para bang masisira na ang pinto. “What the hell is happening?” pasigaw niya namang sabi at tinignan ang orasan na nasa side table niya. “It's f*****g 5 am!” “Sir, they're finally here. Hinihintay ka na nila sa Open Area.” Nanlaki ang mga mata ni Daem nang mapagtanto na nandito na ang kanyang magulang. Kaagad siyang napabangon at nagmadaling pumasok sa banyo para makapaghilamos at sipilyo, hindi muna siya naligo dahil kailangang niyang magmadali bago pa siya masermonan ng kanyang Ina. Pagkatapos, nagbihis na siya. He was wearing a simple gray sweater and white shorts partnered in black shoes. Nang makababa siya ay dali-dali siyang nagtungo sa garahe.

