Hindi na kami dumiretso sa ospital. Sa halip ay inihatid na namin si Lyndon kasama ang mga paninda nila sa bahay dahil naalala niya na baka nakauwi na ang kaniyang Mama mula sa trabaho at nag-aalala na sa kanila. Tama nga siya, umiiyak ang kaniyang Mama nang datnan namin sa kanila. Agad siyang niyakap nito at patuloy sa pag-iyak. “Akala ko iniwan mo na rin ako gaya ng Tatay mo,” wika ng Mama ni Lyndon habang umiiyak. Tila ba may kirot sa puso ang pagkakasabi ng Mama niya ng mga salitang iyon. Inilibot ko ang tingin sa buong bahay at wala ni isang larawan ng pamilya ni Lyndon ang naroon maliban sa kasama nila ang Lola’t Lolo sa litrato. “P’wede ba iyon? Iiwanan ko ang super best Mama sa mundo? Syempre, hindi ‘no!” saad naman ni Lyndon. Ilang sandali lang ay may sumitsit na mula sa lik

