NAKATANAW lang si Cally sa papalayong likuran ng kaniyang kaibigan na si Rein. Hindi niya alam kung susundan niya ba ito o hindi... pero bago pa man siya makapag-isip ng kaniyang ikikilos ay isang pamilyar na boses na ang narinig niya sa kaniyang gilid. “Please, pakisundan naman si Rein.” At nang ibaling niya ang paningin niya sa nagsalita ay tila ba unti-unting huminto ang ikot ng mundo niya dahil agad na nagkasalubong ang mga mata nila ni Vein habang yakap-yakap pa rin nito ang ina. Lihim siyang napalunok ng laway lalo na at halos nawala sa isip niya ang presensiya ng binata sa mga nangyari. ’Yun pa naman ang unang beses na makita niya ang kaniyang dating kasintahan nang malapitan makalipas ang halos ilang taon simula nang maghiwalay silang dalawa. Noong una ay wala pa sana siya

