[SIR, wala na po ang babae.] saad ng lalaking kausap ni Gavi sa kabilang linya kaya naman hindi niya maiwasan na mapakunot ng noo. “Anong ibig mong sabihin na wala? Patay na ba siya?” tanong niya dito pabalik. [Hindi po sir, wala po kaming nadatnan na babae sa balon na ‘yun. Mukhang nakatakas po siya kasi may lubid po kaming nakita na nakatali sa puno.] Mariin na nahawakan ni Gavi ang kaniyang cellphone dahil sa kaniyang narinig at saka malakas niyang naibato ‘yun sa kama niya kung saan ay sakto naman na kalalabas pa lang ng asawa niya sa banyo kaya nakita nito ang ginawa ni Gavi. Mabilis na nilapitan ni Wendy ang kaniyang asawa kahit na nakatapis lang siya ng tuwalya ng mga sandali na ‘yun. “Anong problema?” Nakakunot noo at nag aalala nat tanong niya dito. Nahalata niya kasi agad n

