CHAPTER 02

1918 Words
After 1 Year “Kailangan po ng pirma niyo dito,”sabi ni Dillion sa akin at inabot niya 'yung isang papeles at tinanggap ko naman 'yun. Napatingin ako sa kanya habang kinukuha ko 'yung papel at nakatingin din siya sa'kin. Mukhang alam ko na agad na may balak siyang sabihin kaya naman mabilis kong binatuhan nang tingin ang secretary ko na nasa may bandang likuran ni Dillion na nagtitimpla ng kape ko. “Ah Jenny, lumabas ka muna,”sabi ko sa secretary ko. Nag-bow muna siya sa akin bago siya tuluyang lumabas at hinarap ko na ulit si Dillion. “Maupo ka,”sabi ko sa kanya at naupo nga siya. “Anong balita kay Gavi?”Tanong ko kaagad. “Nalaman ko na baka next year pa ang balik niya dito sa Pilipinas kasama ang kanyang asawa.”Sagot niya sa akin habang diretso lang na nakatingin sa mga mata ko. Hindi ko naman maiwasan na mahigpit kong mahawakan ang ballpen na hawak-hawak ko nang mabanggit niya ang salitang 'asawa'. I can't help it but to smirk. “How about the location? Wala ka pa rin bang alam?” Medyo naiinis na tanong ko sa kanya. Since makalabas ako sa kulungan ay pinapa-trabaho ko na sa kanya 'to pero bakit ngayon ay wala pa rin siyang nahahanap na impormasyon sa kung saan nga bang bansa namamalagi si Gavi. Umalis kasi ng Pilipinas si Gavi at Wendy makalipas ang halos isang buwan mula nang makasal sila at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming concrete na ideya kung nasaan sila. “Pasensya na Rein, pero wala pa rin talaga akong alam. Marami na akong napagtanungan na mga nakasama ni Gavi nang makulong ka pero wala rin daw silang alam.”Sagot niya. Napahinga ako nang malalim at pinilit na pakalmahin ang sarili ko. Hindi dapat ako maunahan nang galit ko dahil alam ko naman na ginagawa ni Dillion ang lahat para magawa ang inu-utos ko. “Pero may isang bagay akong nalaman,"sabi niya makalipas ang ilang segundo na nagpabalik nang atensyon ko mula sa kanya. “Ano yun?” Seryosong tanong ko. “May isang malaking pamilya pala ang nangangalaga kina Gavi at Wendy kaya naisagawa nila ang intimate wedding nu'ng nakaraang taon.” Sagot niya na nagpakunot ng noo ko. “Sino?” Tanong ko pa. Ulila na si Gavi at hindi naman gano'n kayaman si Wendy kaya sinong pamilya ang tinutukoy niya? “Hindi ka maniniwala sa sasabihin ko pero-- ang pamilya ni Jerick ang tumutulong sa kanila.” A- ano? Awtomatikong nabitawan ko ang ballpen na hawak ko sa sobrang pagkagulat sa sinabi niya. Hindi ko inaasahan ang tungkol do'n. Bigla ko ring naalala 'yung mga sinabi ng pamilya noon ni Jerick sa akin sa korte. ‘Bakit mo ginawa 'to?’ ‘Anong dahilan mo?’ ‘Bakit mo pinatay ang anak ko?’ ‘Dapat mabulok ka sa bilangguan.’ Napaiwas ako nang tingin kay Dillion at napahinga nang malalim. Paano ko nga ba nagawa 'yun sa mga taong tinuring ko ng pamilya? Sa mga taong nandoon para sa'kin sa tuwing kailangan ko nang tulong. Napangisi na naman ako pero sa pagkakataon ngayon ay dahil na 'yun sa sakit na nararamdaman ko. “Rein.” Tawag sa akin ni Dillion kaya napabalik na ako sa pag iisip ko at binatuhan ko na ulit siya nang tingin. “Ano pang iba mong nalaman?" Tanong ko. “Tinutulungan ng mga Sevilla sina Gavi at Wendy dahil kahit hindi nagkatuluyan sina Jerick at Wendy ay tinuturing pa rin nila itong pamilya. Maluwag nilang tinanggap si Gavi bilang bagong kasintahan nito at naging parte na rin siya ng pamilya nina Jerick.” Napatawa ako nang mahina sa sinabi niya. “Pamilya? I guess hindi nila alam na dati kong boyfriend si Gavi. Dahil kung alam nila.... malabong tanggapin nila 'yun.” Sagot ko. “Tama ka. Hindi nga nila alam na dati kang girlfriend ni Gavi at mukhang hindi rin nila alam na kilala ni Gavi si Jerick.” Lalo akong napa ngisi dahil doon. “Paano kaya nakakatulog si Gavi kung nasa pangangalaga siya ng pamilya ng lalaking pinatay niya.” Na sambit ko na lang. Naputol ang pag-uusap naming dalawa nang biglang tumunog ang intercome ko at pinindot ko naman 'yun para sagutin. “Yes?” [Nasa line 3 po si Mrs. Trayson.] “Thank you.” 'Yun na lang ang sinabi ko saka ko pinindot ang line 3 na button. “Hello?” [Labas ka mamayang 8 PM. Punta ka sa bahay ko.] “Why?” [No more question Nińa, hihintayin ka namin ni Deymond dito.] At nag-end na nga 'yung call. Ano bang meron? “Inimbitahan din nila ako mamaya, gusto mo sabay na tayo?” Tanong ni Dillion sa'kin. “Sige.” Tipid na sagot ko na lang. Lumipas ang ilang minuto ay umalis na rin si Dillion kasi may pinapagawa pa ako sa kanya. Napasandal na lang ako sa swivel chair ko habang tinitingnan at hinahawakan ang pulsuhan ko na may peklat saka inaalala ko 'yung mga nangyari bago ako makalaya. FLASHBACK Pagka-alis ni Dillion at matapos kong malaman ang totoong nangyari kay Gavi ay gusto ko nang tapusin ang buhay ko nang gabi na rin na 'yun. Ano pang dahilan ko para mabuhay dito sa loob? Natagalan ko ang ilang taon ko sa kulungan dahil pinanghahawakan ko na meron pa akong babalikan paglabas ko dito gaya nang sinabi niya. Akala ko ay hihintayin niya ako. Akala ko ang hindi niya pag bisita sa'kin sa loob ng halos pitong taon ay dahil iniintindi niya ang kinabukasan naming dalawa dahil 'yun ang sinabi niya bago niya ako iwan sa loob ng opisina namin kasama ang walang buhay na si Jerick at habang hawak ko ang malamig at mabigat na baril na siya ang may hawak kanina. Pero anong nangyari? Bigla niya akong iniwan sa ere at ang pangako niyang kasal ay kay Wendy niya ginawa. Sa kasintahan pa ni Jerick na siya mismo ang pumatay. Nilabas ko na 'yung kutsilyo na kinuha ko kanina sa kusina at sinigurado ko na tapos nang mag ronda 'yung pulis bago ko isinagawa ang plano ko. Pikit- mata kong hiniwa ang pulsuhan ko habang nakatingin sa punit-punit na litrato ni Gavi. ‘Paano mo nagawa sa'kin 'to? Paano mo nagawa ang lokohin ako kung wala akong ibang ginawa kundi ang mag sakripisyo para lang sa ikabubuti mo.’ 'Yun ang huling nasabi ko sa isip ko hanggang sa unti-unti na akong nawalan nang malay. Nagising na lang ako na nasa loob na ako ng isang puting sillid at doon ko nakita si Cally at nasa tabi niya si Francine, hindi ko pa maibuka nang maayos ang mata ko kasi medyo nasisilaw ako sa liwanag ng ilaw pero alam kong sila 'yun at hindi maitatago sa ekspresyon ng mga mukha nila na nag-aalala sila at parang pagod na rin. Ipinikit ko na lang nang tuluyan ang mata ko kasi parang nanghihina pa ako at kahit anong pilit ang gawin ko para igalaw ang kamay ko ay hindi ko magawa. “Nasaan na ba sina Deymond?” Rinig kong tanong ni Cally. “Parating na sila. Pagdating nila, ako naman ang aalis kasi sinabi ng mga pulis na limitado lang daw ang mga taong pwedeng pumasok dito sa loob ng kwarto. Ikaw lang daw ang pwedeng mag-stay kasi tiwala sila na wala kang gagawing kalokohan dahil isa kang abogado.” Rinig kong sabi naman ni Francine. Kung hindi ako nagkakamali ay nandito ako sa ospital. Mariin na lang akong napapikit nang maalala ko ang nangyari. Nagtangka nga pala akong magpakamatay kaya nandito ako. Bakit ba nabuhay pa ako? Bakit ba hindi na lang nila ako hinayaang mamatay? Nararamdaman ko na naman 'yung sakit at kahit nakapikit ang mga mata ko ay alam kong namumuo na naman ang mga luha ko. “Paano mo pala nalaman ang nangyari kay Rein.” Tanong ni Francine. Ilang segundong hindi nakaimik si Cally pero nagsalita na rin siya. “Kinakabahan na rin ako nu'ng una lalo na nang kinausap muna ako ni Dillion bago siya nakipagkita kay Rein sa loob ng kulungan. Nasabi niya sa akin 'yung balita tungkol kina Gavi.” Narinig ko na wika ni Cally. “Anong balita?” Hindi rin pala alam ni Francine ang tungkol du'n. “Kasal na sina --- sina Gavi at Wendy.” Nang marinig ko 'yun ay nasasaktan na naman ako. “A-- ano? Totoo ba 'yan? Pe— pero wala akong nababalitaan,"wika ni Francine at base sa tono nang pananalita niya ay mukhang wala talaga siyang ideya tungkol do'n. "Tapos na rin 'yung kasal bago pa malaman ni Dillion. " "s**t! Inaamin ko, noong una- naniwala ako na si Rein talaga ang pumatay kay Jerick at mali ako 'dun, pero ngayon— mukhang totoo na ang hinala ko.”Sagot ni Francine at halata sa boses niya 'yung inis. Medyo ibinaling ko ang mukha ko sa gilid ng hindi nila nahahalata at doon na pumatak ang luha ko. “'Wag kang maingay, may nag babantay na mga pulis sa labas.” Bulong ni Cally. “Ehh bakit ba? Mas maganda nga na malaman nila ang totoo. Dapat siya ang nakakulong pero hindi ko pa rin alam ang dahilan kung bakit inako ni Rein ang kasalanan ni Gavi,"wika pa ni Francine. Hindi nila alam ang dahilan kung bakit. Sa lahat ng kaibigan ko, si Dillion at si Cally lang ang hindi naniwala sa inako ko'ng kasalanan kaya sa kanila ko lang sinabi ang totoong dahilan. “Manahimik ka na lang Francine, wala nang magagawa kung mababago pa ang statement nang kaso ni Rein. Wala nang saysay pa kung si Gavi ang papalit kay Rein sa kulungan dahil ilang taon nang naghirap si Rein sa loob. Pitong taon! At 'yun ang pinili niya--- kaya wala tayong magagawa.” Matagal na katahimikan ang nangingibabaw sa pagitan nilang dalawa at tama naman siya sa sinabi niya. “Eh paano mo nga nalaman ang nangyari sa kanya kung gabi na 'yun.” Tanong pa ni Francine. “Tumawag sa akin si Dillion. Tumawag daw kasi sa kaniya si Vein." Sagot ni Cally. Napatigil ako sa sinagot ni Cally. Si Vein? “A—ano? Pero—“ “Kambal sila, kaya hindi nakakapagtaka na maramdaman ni Vein ang nararamdaman ng kapatid niya kapag nasa panganib 'to. Sinabi ni Dillion na biglang kinabahan daw na parang ang bigat-bigat nang pakiramdam ni Vein nu'ng araw na 'yon kaya hiniling niya na kumustahin si Rein, at 'yun nga-- may nangyari na nga talagang masama sa kakambal niya." Mahabang paliwanag ni Cally. “Alam ba ni Tito?”And she’s reffering to my Dad. “Hindi, palihim siyang tumatawag kay Dillion para makibalita kay Rein.” Bigla kong namiss si Vein. Siya ang kakambal ko... ang kapatid kong lakaki. At alam kong nahihirapan din siya sa sitwasyon namin ni Dad. Alam kong siya ang naiipit sa aming dalawa. Mariin na lang ako napapikit at naramdaman ko na naman ang mga luha ko. END OF FLASHBACK At ngayon na nakalaya na ako ay gagawin ko ang lahat para mabawi ko ang buhay ko na kinuha mo sa akin Gavi Francisco. Hindi man kita mapagbayad sa batas ay kukunin ko naman ang lahat ng meron ka para maging kabayaran. Kung darating sa punto na kailangan kitang patayin-- gagawin ko kahit na ang maging kapalit noon ay ang pagkaka kulong ko ulit. Dahil hindi ako papayag na maging masaya ka habang nasa impyerno naman ang buhay ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD