chapter 1:

418 Words
“Narinig mo lang yung kwento na gusto ko na marinig mo, wala kang ideya sa kung ano ang totoo, o talagang hindi lang ako handa sa kung anuman ang sasabihin mo sa oras na malaman mo ang totoo.” Yung kwento ng alibughang anak sa bible,  iyon ang perfect example kung paano nila ilarawan ang kanyang isang tita.Ito ang  sumunod sa kanyang mommy, lumayas daw kasi ito noon dahil sa sobrang kakaiba ng mga idelohoya sa buhay, sa mga pananaw, sa panananamit  at kung ano ano pang mga bersyon ng kwento na hindi na pinagkakaabalahan ng murang isipan ni Mir. Usapang matatanda nga raw iyon, bawal makisabat ang mga batang tulad nya. Sa bagay , bata pa siya at mas mahalaga ang maglaro imbes na  makinig sa pagtatalo ng mga matatanda. Hanggang sa isang araw. Bumalik ang alibughang anak kasama ang pamilya nito, ang kanyang asawa, at isang anak na babae. Napa ka cute ng bata,  bilugan ang mukha at may kulay brown na buhok, brown din ang mga mata nito, bagay na bagay dito ang suot niotng puting damit, nagmumukha itong isang anghel sa isang palabas na paboritong panoorin ng kanyang Ate Myca. “What‘s your name?” bati ni Mir sa batang kasama, anak ng kanyang tita, kaya pinsan niya kung tutuusin. Tinignan muna siya ng batang babae, siguro mas matanda siya ng ilang taon dito, nasa grade four na siya, ito malamang nasa grade two pa lang, madalas kasi ang nakikita niya na ganitong height nasa grade two lang. Hindi pa rin ito tumitigil sa pagmamasid sa kanya, wala kasi ang lahat ng matatanda, may pag-uusapan daw, kaya siya ang naiwan dito sa sala kasama ng kanyang bagong kilalang pinsan. “Hindi ako bad,” sabi niya rito para mapalagay ito sa kanya, sa nakikita niya kasi na mga bagahe na dala ng mga ito, mukhang magbabakasyon ito sa bahay ng kanyang lolo at lola. Nandito sila ngayon sa matandang bahay, bukas kasi ang 50th anniversary ng kanilang lolo at lola. Pupunta ang kanilang mga kamag-anak, maraming pagkain, maraming tao ibig sabihin maraming magiging kalaro. Pupunta ang kanyang mga iba pang pinsan. “Shy,” napangiti na si Mir ng marinig ang boses nito. “bagay sayo ang pangalan mo,” puri niya dito saka tinabihan…natutuwa siya sa ideya na may bagong siyang pinsan, mahilig siyang makipagkilala…gusto niya ito, gusto niya si Shy, alam niyang magugustuhan ito ng iba pa nilang pinsan. Sana rin  magustuhan din siya nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD