Chapter 10

3197 Words
Chapter 10 NANINIKIP ang dibdib ni Reni sa mga nasaksihan niyang pangangaliwa ni Jeth. Hindi niya akalaing magagawa iyon ng kanyang asawa sa kanya. He was too good to be true on his promises. Sabi na nga ba niya at maaaring ilusyon lamang ang lahat ng ipinapakita nito. Subalit sadyang napakahirap niyong tanggapin sapagkat mahal na mahal niya ito. Losing him felt like the end of the world for her. Hilam sa luha ang mga matang nagtungo siya sa bahay ng kanyang ina. Tinuyo niya ang sulok ng mga mata at galit na hinarap ito. May kasalanan pa itong dapat niyang singilin. "Anong plano ang pinagsasasabi ninyo kay Rose, Mama? Totoo bang kayo ni Daddy Hermino ang pasimuno sa mga planong iyon?" Tinapunan niya ng masamang tingin ang ama-amahan nang pumasok ito sa sala. Bumalik ang tingin niya sa ina nang humikbi ito. Nagmamakaawa ang mga mata sa kanya. "Pakiusap, Reni, anak. Makinig ka muna sa sasabihin ko. Kailangang-kailangan natin ng pera. Bankrupt na ang negosyo ng Daddy Hermino mo. Nag-aaral pa ang kapatid mong si Rose. Napakataas ng matrikula. Wala tayong pagkukunan ng pera. Sana maintindihan mo." "At paano ako? Gusto ninyong maging kapalit niyon ang pagkawasak ng pamilyang gusto kong buuin? Anong karapatan ninyong manghimasok sa buhay namin? Hindi ninyo ba naisip na mahal ko si Jeth at labag sa kalooban ko ang gagawin ninyo? Asawa ko na siya, Mama. Nasasaktan ako sa gusto ninyong gawin. Hindi ninyo ba naisip na maano bang humingi tayo ng tulong sa kanya kung kailangan? Napakababaw ng mga dahilan ninyo. Sadya lamang marahil na napakasakim ninyo sa salapi!" Napipi ito. At sa isang saglit ay bumaha ng luha sa mga mata ng kanyang ina. "Hindi mo naiintindihan, Reni. Kailangan ko ng pera. Kailangan kong magpagamot. Ayoko pang mamatay. Natatakot ako sa sakit ko. Tulungan mo ako, anak. Tulungan mo ako, pakiusap." "Napakamakasarili ninyo, Mama. Napakamakasarili ninyo." "Reni! Tampalasan kang bata ka!" Isang sampal ang ipinatikim sa kanya ng Daddy Hermino niya na nagpupuyos sa galit ng daluhan silang mag-ina. "Napakakitid ng pag-iisip mo, Reni. Lubog tayo sa utang at wala ng gustong magpautang sa atin. Said na said na tayo. Maski asawa mo na ang Jeth na iyon ay hindi pa rin tayo nakasisiguro na pahihiramin niya tayo ng napakalaking salapi. Kaya ginawan na namin ng paraan ang bagay na iyon. Hindi na natin kailangang mangamba pa sa problemang pinansyal. Nasa pangalan mo na halos lahat-lahat ng ari-arian niya sa tulong ng kapatid mong si Rose. Gagawa tayo ng private account mo para hindi na iyon magalaw pa ng asawa mo saka mo siya ngayon hihiwalayan nang maputol na ang legal ninyong koneksyon sa bawat isa." "Anong sa palagay ninyo papayag akong lokohin ang sarili kong asawa?" "Suwail ka talagang bata ka! Ipagpapalit mo ang pamilya mo sa isang lalaking kakakilala mo pa lang? Hindi mo ba alam na ang Jeth na iyon ang dahilan ng pagbagsak ng negosyo natin!? Kinikil tayo ng kompanya nila para tuluyan tayong magsara. Pinabagsak nila tayo. Isipin mo na lang na makagaganti na tayo sa gagawin natin. Mababawi natin ang ganang sa atin. Kaya huwag na huwag mong idadahilan sa akin ang lintik na pag-ibig na iyan! Parehong-pareho kayo ng nanay mo! Mga inutil! Napakalaking suwerte ang dinala mo sa buhay natin, Reni. Akala ko pa naman ay napakawalang kwenta mo. Huwag na huwag mo akong bibiguin." "Sinungaling! Sakim! Hindi ko alam kung paano ninyo naaatim na gawin ang bagay na ito sa akin. Pinagkakaisahan ninyo ako!" Isang sampal muli ang natanggap niya mula sa amain. Hindi niya ininda iyon. "Manigas man tayong lahat at mamalimos sa kalsada hinding-hindi natin papakialaman ang pera ni Jeth!" taas-noong wika niya at tinalikuran ang mga ito. "Reni! Reni, anak!" habol na tawag sa kanya ng kanyang ina ngunit hindi niya ito pinansin. Nagtuloy-tuloy siya sa paglabas ng bahay at pinara ang pinakaunang taxi na nakita niya. Wala siyang tiyak na destinasyon. Pinasikot-sikot niya ang biyahe ng taxi sa kahabaan ng mga hi-way hanggang sa maliliit na kalye. Nang mabagot siya sa loob ng sasakyan ay naisip niyang bumaba sa lugar na hindi niya alam kung nasaang lupalop ng bansa. Gayunman, hindi siya natakot. Walang pangambang naglakad-lakad siya. Nagmuni-muni sa isip at nilasap ang saya ng mayuming gabi. At nang makakita siyang muli ng taxi ay pinara niya iyon. Sumakay siya roon at nagpasikot-sikot muli hanggang maisipan niyang bumabang muli, maglakad, magmuni at sumakay muli sa panibago. Ganoong ang ginawa niya hanggang magliwanag at tuluyang mag-umaga. Sa huling taxi na pinara niya ay nagpadiretso na siya sa bahay nila ni Jeth. Napagdesisyunan niyang isalba ang relasyon nila nito at ayusin ang pamilya niya. Nang makapasok siya sa tarangkahan ay naabutan niya si Bettina. Mukhang kanina pa siya nito inaabangan. Sinalubong siya nito kahit maiksi at manipis na tuwalya lamang ang saplot nito sa katawan. "Anong ginagawa mo rito, Reni? Lumayas ka na 'di ba?" "Pamamahay ko ito kaya ako ang dapat magtanong niyan sa 'yo at ikaw dapat ang gumawa ng sinasabi mo!" "Talaga?! Hindi mo ba napansin ang mga gamit mo sa labas na pinaempake sa akin ni Jeth? Ipapadala ko na sana ang mga iyon sa inyo kaso naging abala kami ni Jeth sa isa't-isa. Kung gusto mo ng kumpirmasyon pwede mo siyang gisingin kaso pagod na pagod siya dahil katatapos lang ulit namin." Tinakbo niya ang silid nila ni Jeth at naabutan ito roong himbing na himbing. Wala itong saplot sa katawan. Kumirot ang puso niya sa katotohanang sinasabi ni Bettina. Nais niyang sumigaw at magwala ngunit pagluha ang nalikha niya. "You are so pathetic, Reni. Umalis ka na nga at naaalibadbaran ako sa iyong tumingin." Hindi na niya hinayaang ipagtabuyan siyang muli kaya humahagulgol na nilisan na niya ang mga ito. Wala siyang mapagpilian kundi ang umuwi sa kanila. Naabutan niya ang ina sa hamba ng pintuan. "Wala na kami ni Jeth, Mama. Masaya na ba kayo sa nangyari sa amin? Hindi ba't ito ang gusto ninyo?" "Reni... Anak..." "Pero ang nakakalungkot lang hindi ninyo makukuha ang isa pang gusto ninyo, Mama. Hindi natin kukunin ang pera ni Jeth. Hinding-hindi." "Reni... Reni, anak..." Napalugmok ang kanyang ina. Tila nahihirapan itong huminga. "Tulungan mo ako, anak. Tulungan mo ako," hirap na wika nito saka tuluyang bumagsak ang katawan sa sahig. "Mama!? Mama, anong nangyayari?" Dinaluhan niya ito at tinulungang makabangon. Punong-puno ng dugo ang bibig nito. "Rose! Rose!" gimbal na sigaw niya. Mabilis naman silang tinungo ng kapatid. Bumadya ang takot sa mukha nito. "Tulungan ninyo ako, Reni. Pakiusap, Rose. Ayoko pang mamatay. Mga anak..." "Opo, Mama. Tutulungan ka po namin. Huwag po kayong mag-alala." Pinagtulungan nilang magkapatid na dalhin sa ospital ang kanilang mama. Doon niya nalaman sa doktor ang tunay na kondisyon ng kanyang ina. Stage 3 na pala ang cancer nito. Pinayuhan sila ng doktor na kung may sapat silang salapi ay mas makabubuting sa ibang bansa na lamang nila ipagamot ang ina. Agad naman silang sumang-ayon ni Rose. Ginamit nila ang pera ni Jeth, ang pera ng kompanya nito. Sa tulong ng kanyang amain ay umupa sila ng mga abogado at nagbayad ng malaki para sa lahat ng legalities na kinakailangan para makuha niya ang salapi ng asawa. Nakipagsabwatan din sa kanila ang ilang mga tauhan ng bangko para sa mabilis na paglilipat niya ng pera sa private account niya. She didn't care about the exorbitant prices they spent for all the people they conspired. Ang mahalaga ay maisaayos ang lahat ng mabilis. Wala ng ibang mas mahalaga pa ng mga sandaling iyon kundi ang kaligtasan ng kanyang ina. Subalit hindi niya nakalimutang itanim sa isip na babayaran din niya ang lahat ng kinuha niya kay Jeth. Kung nasaan man ang asawa ay hindi niya alam. Kailangan muna nilang maghiwalay ng landas. Mabilis na lumipad sila ng ibang bansa nang maisaayos ang lahat. Isinalang agad sa gamutan ang kanyang ina. Her mother battled with cancer for several years. Until her body refused to take medicines. They already lost half of their money. Nagalit ang kanyang amain. Pinaghigpitan sila nito ng pera kaya napilitan siyang bumawas muli ng salapi kay Jeth. She liquified his assets and sold every property he owned. Muli, nangako siya sa sarili na babayaran ang lahat ng iyon. Pagkatapos niyang makuha ang kailangan nila ay tumakas sila ng kapatid at inilipat sa isang mas mahusay na pasilidad ang kanilang ina. She gave everything just to save her ailing mother. But not too soon, her mother gave up and lost the fight. Mahirap man para sa kanila ni Rose ay pilit silang nagsimulang muli. Ginamit nila ang nalalabing salapi nila upang makapag-aral. Kasabay niyon ay kumayod sila ng maigi sa ibang bansa para mabuhay at matupad ang kanilang mga pangarap. Hanggang isang araw, nabalitaan nilang naaksidente ang Daddy Hermino niya kasama si Linda. The man left them with so much wealth they couldn't imagine. Dahil wala itong naging anak at legal na kasal ito at ang mama nila ay sa kanila napunta lahat ng salaping napayabong nito. Dahil doon, mas napursige sila ng kapatid na makapagtapos. They already had the finances and resources they needed to finish their studies. And after so many years of endeavor, they graduated with flying colors. Pinag-aagawan sila ng malalaking kompanya. They chose the best company. Habang si Rose ay nagtatrabaho sa isang airline siya naman ay sumabak sa magulong mundo ng corporate business. Mabilis ang naging pag-akyat niya sa corporate ladder. When she earned her first billion, she stood her own company. Gayunman ay hindi siya umalis sa pinapasukan niyang kompanya. Eventually, she became a stockholder. She became richer and wealthier than before. When she already had more than enough, she brought back all the properties she stole from her husband. Tanging ang kompanya na lamang ni Jeth na ngayon ay pag-aari na ni Gustavo Pierelli ang hindi pa niya nababawi. Sa tulong nga mga connections niya sa business society ay nagawan niya ng paraan na makilala at mapalapit sa lalaki. Nang malaman niyang mas madalas na nasa bayang pinagmulan ang negosyante ay hindi siya nagdalawang-isip na puntahan ito. So, she sent herself back in the Philippines to go for a mission. Iyon ay ang bawiin ang kompanya at ibalik lahat ng yaman ni Jeth. Pero hindi niya batid na isinubo niya ang sariling puso sa muli niyong pagkawasak…   “PATAWAD, Gustavo. Patawad,” umiiyak na paumanhin niya sa lalaki matapos ang kanyang mahabang litanya. Sinaway naman siya nito at pinalis ang mga luha sa kanyang mga mata. “Is he really the reason why you agreed to my proposal?” Mahinang tumango siya. Malakas naman itong napabuga ng hangin. “He is such a lucky bastard.” “And I’m a crazy, stupid, moronic b***h for loving him that much. Hindi ko malaman sa sarili ko kung bakit ko siya mahal ng ganoon katindi. Hanggang ngayon, pakiramdam ko para akong mababaliw sa lahat ng nangyari.” “Are you sure you still love him after everything he had done?” diretsang tanong nito. Hindi agad siya nakasagot. Pero sa huli ay binigkas niya ang katagang nilalaman ng kanyang puso. “Oo, kahit ilang beses na niya akong sinaktan ay mahal ko pa rin siya. Sinabi ko sa sarili ko noon na hindi ako tutulad sa Mama ko. Pero heto ako ngayon nagpapaka-martyr sa pag-ibig kagaya niya. Mahal ko si Jeth. Mahal na mahal.” Kinuha niya sa bulsa ang ibinigay nitong singsing sa kanya at isinauli iyon dito. “Wala ng rason para sumang-ayon pa ako sa gusto mo, Gustavo. In the first place, I shouldn’t have accepted your proposal. May asawa ka. Parang nakikiisa ako sa pagsira sa relasyon ninyong dalawa.” “No, Serena. Don’t say that. It’s my own decision to break up with Cassandra. You don’t have to blame yourself.” Kinuha nito ang sing-sing at ibinulsa iyon. “Thank you for telling me the truth. I realized something after all the mess we’ve been through.” Pagak na tumawa ito. “Patawarin mo ako sa paggamit sa ‘yo, Gustavo.” “Don’t worry. No harm done. Ikaw pa nga ang nadamay at nasaktan sa problemang naidulot ko. But this ain’t our last resort. We still have many choices.” Choices… Kailangan na ba niyang magparaya at sumuko? O magpapatuloy pa siya sa paglaban sa isang pag-ibig na walang kasiguruhan? “I’ll just leave you for a while. Take a rest. Go to sleep now.” Tumalima naman siya sa sinabi nito subalit hindi niya magawang makatulog. She fell into a deep thinking. Nagambala lamang siya ng mainit na palad na dumantay sa kanyang balikat. “Rose!” bulalas niya sabay balikwas sa higaan. Ubod ng higpit na niyakap niya ang kapatid. Kapantay na init din ang isinukli nito sa kanya. Maya-maya’y napahagulgol na siya sa balikat nito. “Anong problema, Ate? Si Kuya Jeth ba? Hindi ba’t huling sabi mo sa akin ay magkaayos na kayo?” “That’s all I thought but I was so wrong to believe that. Galit pa rin siya sa akin, galit na galit, Rose.” Sa pagitan ng panaghoy ay pahapyaw niyang inilitanya sa kapatid ang mga nangyari. She empathized. “This is all our fault. Sinira namin ang magandang buhay ninyo ni Kuya Jeth. Huwag kang mag-alala, Ate. Babawi ako sa ‘yo. I owe you a lot of things. And I will do everything to make things fine. I should have done it earlier than now. But I promise, I will not fail you this time.” Hinaplos-haplos ni Rose ang likod ng kapatid, comforting her. She made her feel warm. That warm made her fall asleep. Sa pagtulog niya ay hiniling niyang maging maayos na ang lahat.    ISANG malaking bulaga kay Jeth ang kanyang bisita ngayon. It was Rose, Reni’s sister. Agad na tumaas ang silakbo ng galit sa kanyang dibdib. “Ano ang ipinunta mo dito? Ano pang kailangan ninyo sa akin?!” bulyaw niya. “I’m here to say sorry, Kuya. Sorry for all the wrong things that I’ve done to you. Handa akong magmakaawa at lumuhod para tanggapin mo ang paghingi ko ng tawad.” “Is salvation coming because I don’t know if I’m hearing you right, Rose!? You are such an angel in appearance but you are a devil inside. Please do stop being the ace player of your family. Is it your second tactic to fool me just like before? Bakit ka pumapayag na gawin ito? Pakiusap, wala na kayong makukuha sa akin. Kinuha na ninyo ang lahat. Iwan na ninyo sa akin ang sarili ko, ang buhay ko. Ano bang nagawa kong mali sa inyo para naisin ninyong magkaganito ako? Just kill me if that will satisfy your sister.” “Pakiusap, pakinggan mo muna ako, Kuya Jeth. No one is asking me to do this. It is my own will. And just like before, it’s my own will to make fool out of you. Walang kasalanan sa ‘yo si Ate Reni. Wala siyang kinalaman sa lahat ng nangyari. Kami nila Mama at Daddy Hermino ang nagplano ng lahat para linlangin ka at buyuin. I’m so scared during that time. I was too young. Ang sabi ni Mama lumulubog na ang negosyo namin at malaki ang posibilidad na mahinto ako sa pag-aaral. Ang sabi pa ni Daddy ay ikaw ang may pakana ng pagbagsak namin. Ayokong mangyari ang mga bagay na iyon kaya hinayaan ko ang sarili kong makipagsabwatan sa mga kagustuhan nila. It was too late before I realized that I’ve committed the most terrific sin in the world. I hurt the person who truly loves me and cares for me. Si Ate Reni. Biktima siya ng pagiging gahaman ni Daddy Hermino. Siya ang nagdusa sa pagiging mahina at makasarili namin ni Mama. “Nagkaroon ng cancer si Mama and she was very afraid of it. Nagmakaawa siya kay Ate na tulungan siya. Pero ng mga panahong iyon we almost lost everything we had. There is no other choice but to get money from you. Napasang-ayon din namin si Ate lalo pa’t ipinagpalit mo na siya sa iba. She was very devastated. She lived her life in sorrow and pain all through the years. Natuto lamang siyang bumangon dahil sa pagnanais niyang maibalik sa ‘yo lahat ng bagay na kinuha namin. Ginawa niya ang lahat ng iyon dahil mahal na mahal ka pa rin niya hanggang ngayon. Iyon ang totoo, Kuya. Maniwala ka.” “Stop lying to me, Rose. That is a very good story you weaved but you can’t fool me twice. I’ve had enough of you.” Sukat na lamang ay bigla itong lumuhod sa harap niya. Labis na nagmamakaawa ang anyo nito. “Believe me, Kuya. Trust me, I’m telling the truth. Mahal na mahal ka ng Ate ko. Give your love another chance,” her voice was begging, tears started running on her cheeks. He tightened all of his emotion. “Kung mahal talaga ako ng Ate mo hindi niya gagawin ang mga bagay na iyon. Niloko niya ako. Iniwan. Sinaktan. Pinaasa. Paulit-ulit niya akong dinurog,” masidhing galit na wika niya. “Hindi totoo iyan, Kuya. Pakiusap. Alam kong mahal mo rin si Ate.” “I’m tired, Rose. I’m very tired. Leave me alone. Leave, now!” sapilitang ipinagtabuyan na niya ito. Wala naman itong nagawa laban sa pwersa niya. Pagkaalis nito ay nalulong na naman siya sa isang napakalalim na isipin. Nililimi ng kanyang sistema ang lahat ng mga sinabi nito. Kasabay niyon ay muling nabuo sa kanyang balintataw ang imahe ni Reni na kanina pa nagsasalimbayan doon bago pa man dumating ang kapatid nito. She was so beautiful in his mind. Napuno ng pangungulila ang puso niya. Hindi man niya tanggapin ay hindi niya maikakaila ang katotohanang isiniwalat ni Rose na mahal na mahal pa rin niya si Reni. Sadyang napakahapdi sa damdamin ang lahat ng naganap sa buhay nila. Inabuso niyon ang puso niya, bugbog na bugbog na siya. His soul was dying. Agony was too weak for a word to describe his feeling right now. Pero sa kabila niyon ay napupuno ng kaligayahan ang puso niya at diwa tuwing magbabalik ang mga masasayag araw nila ni Reni na magkasama. Iyon lamang ang nais niyang isipin ng mga sandaling iyon. Nais niyang balikan lahat ng iyon sa kanyang memorya sapagkat may hatid iyong katiwasayan sa kanya. Isang payak na kaligayahan na mahirap ipaliwanag subalit napakasarap damhin. Nagambala ang pagbabalik tanaw niya nang mag-ring ang kanyang telepono. Nabura ang imahe ni Serenity sa kanyang isipan. Si Cassandra ang tumatawag sa kabilang linya. Mabilis niyang sinagot ang aparato. “Can you come over? Please, I need you,” bungad nito sa telepono. “Oh, yes. Of course,” walang pag-aalinlangang tugon niya. The woman helped him many times. Now, it was his turn to return the favor. Mabilis siyang nag-ayos ng sarili at umalis.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD