Pag akyat ko sa room namin ay bumalik nanaman ako sa pangyayari kanina. I would've thought na ganun nalang ka bilis mawala ang pagmamahal niya para saakin. Samantalang ako, nandito parin at nagdudusa sa pagmamahal ko para sakaniya. Kumatok ako sa pinto pero walang nagbubukas nito, at akmang aalis na sana ako ng narinig ko ang pagbukas nito. At tila malulusaw naman ako ng makita ko yung babaeng naghahanap kanina kay Alex na naka tapis lang. Parang gusto namang bumagsak ng mga luha ko sa nakikita ko. "Hinahanap mo ba si Alex? Nasa banyo kasi siya at naliligo." Agad naman akong umalis sa harapan ng pinto at duon nagsibagsakan ang mga luha ko. Baliw ka na Cala? Girlfriend niya yun, malamang alam niya ang password ng kwarto ni Alex. Naglakad ako pababa sa front desk. "One VIP room please

