Pag labas ko ng Sa-Ad sinalubong na kami ng driver at hinatid ko na papasok ng Van ang anak ko. "Mag text agad o call kay Mommy kapag nasa Mansyon ka na ha, anak!!" bilin ko dito at baka mabusy na naman siya kakalaro sa cellphone at makatulog na lang sa pagod. Palagi niyang ginagawa kasi 'yon at ayokong masanay ang anak ko daily routine niyang gan'yan. "Yes po, Mommy. Take care po kayo ni Daddy at enjoy po." huling wika ng anak ko bago pina andar na ng driver ang Van papalayo sa Sa-Ad. At ako naman ay naglakad na sa lobby at paakayat na ng elevator. Marami ring bisita ang ate ng asawa ko. Nang tumunog ang elevator, lumabas na ako at patungo na sa place kong saan ang party. Papasok na ako sa loob at pabalik na rin ako ng table namin. Nang malapit na ako sa table namin biglang kumunot ang

