Chapter 34 Jennifer Pagpasok ko ng RCA kinabukasan, ramdam ko pa rin ang bigat ng mga pangyayari. Hindi pa man tuluyang gumagaling ang katawan ko, mas matindi ang bigat na iniinda ng puso ko. “Jennifer!” tawag ni Ma’am Leyte mula sa may front desk habang papasok ako. Agad ko siyang nilapitan. “Buti nakapasok ka na. Okay ka na ba talaga?” Ngumiti ako, kahit pilit. “Opo, Ma’am. Medyo mahina pa rin po, pero mas okay na.” Hindi nila alam na hanggang ngayon masakit pa rin ang likod ko. “Grabe, nag-alala kami. Ang tagal mong nawala. Sabi nina HR nagkasakit ka raw.” Tumango ako. “Kailangan lang pong magpahinga.” Tumango rin siya, saka inabot ang ilang folders. “May pakiusap lang sana ako, Jennifer. Puwede mo bang iakyat ito kay Sir Daniel? May mga pipirmahan lang siya. Nando’n din yata si

