Episode 71

2141 Words

Chapter 71 Jennifer Makalipas pa ang ilang linggo, nakuha ni Papa ang balita: may pupuntahan si Reynold. At doon na nagsimula ang bangungot. Tinawagan niya ako. “Sumama ka sa mga tauhan ko. Inabangan na nila si Reynold.” Ayaw ko. Gusto kong tumanggi. Pero walang nagawa ang katawan ko kundi sumunod. Nabalitaan ko rin na umalis si Crystal ng ibang bansa. Sabi ni Michelle, wala na ito sa factory na pagmamay-ari ng ama ni Reynold. Kahit paano lumuwag ang pakiramdam ko. At least, hindi siya magamit ni Papa. Pasalamat din ako dahil ligtas ang ipinagbubuntis niya, kung nakunan siya siguro buong buhay kong pagsisihan ang ginawa ko. Madaling araw ng tumawag si Papa. Maulan, pero sinuong ko iyon at nakipagkita ako sa mga tauhan niya. Wala akong magawa kahit ayaw ko, alam ko na mautak si Reyno

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD