Chapter 40 Jennifer “Jennifer…” mahina ngunit seryosong tawag ni Daniel habang magkatabi kaming nakaupo sa steel bench sa rooftop ng building. Tanghaling tapat at tirik ang araw, pero pareho kaming tila walang pakialam. Malamig naman ang panahon. “Kanina pa umiikot sa isip ko… pero gusto ko sanang itanong…” Tumigil siya, nag-aalangan. Kita ko sa mga mata niya na sinusukat niya kung dapat ba niyang ituloy kung ano man ang bumabagabag sa isip niya. “Bakit mo nga ulit natanong ng tungkol kay Victor Almeda? Paano mo siya nakilala?” Nanigas ang katawan ko. Para bang biglang lumamig ang paligid, kahit tanghaling tapat. Ilang segundo akong hindi nakasagot. Tumingin ako sa malayo, sa mga building na matataas, sa mga ibong lumilipad—kahit saan, basta hindi sa mata niya. Hindi ko kayang magsin

