CHAPTER 64 Jennifer Lumipas ang ilang araw mula nang lumipat kami ni Katrina sa hotel. Sa unang pagkakataon matapos ang napakaraming gabi ng takot at pangamba, nagkaroon kami ng kaunting katahimikan. Pero kahit anong lamig ng aircon at ganda ng paligid, hindi pa rin mapawi ng hotel na ito ang bigat na nakadikit sa puso ko. Si Katrina… unti-unti na siyang bumabalik sa dati. Madalas ko siyang nakikitang nakaupo sa gilid ng kama, tahimik na naglalaro sa maliit niyang notebook. Minsan, kinukulayan niya ng lapis ang mga guhit na parang wala sa ayos. Minsan naman, nakatitig lang siya sa bintana, tila pinagmamasdan ang mga ulap sa labas. Kahit walang sinasabi, alam kong may iniinda pa rin siya. May bakas pa rin ng takot sa kanyang mga mata—takot na baka sa isang iglap, bumalik si Papa at agawi

