Episode 56

2042 Words

Need edit Chapter 56 William Hindi pa rin tuluyang tahimik ang gabi. Sa labas, naririnig ko ang mahinang patak ng ulan na humahampas sa bubong, parang paalala ng lahat ng ingay na nangyari kanina. Nakatukod ang mga siko ko sa tuhod, nakaupo sa gilid ng kama, at matagal ko nang tinititigan ang sahig na parang may sagot doon sa lahat ng sinabi niya. “Pagod na pagod na ako…” Parang echo sa loob ng utak ko. Paulit-ulit. Hindi ko alam kung dahil ba sa tono niya o sa kung paano niya iyon sinabi—mahina pero diretso, walang alinlangan. Napalunok ako, pero walang lumabas na salita. Unti-unti akong tumayo. Hinila ko ang kumot at inayos ang tiklop nito. Hindi ako sanay sa ganito, pero mas mabuti na may ginagawa ang kamay ko kaysa sa titigan siya nang matagal. Tahimik lang siya, nakatalikod,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD