Chapter 77 Jennifer Lumipas ang tatlong linggo, bawat araw ay tila isang siglo ng paghihintay. Hindi ko akalaing darating pa ang sandaling ito—na muli kong masisilayan si Reynold. Sa bawat gabing dumaraan, dasal ko lang na sana, kahit sa isang panaginip man lang, makita ko siya. Pero ngayon... hindi na ito panaginip. Pagbukas ng gate ng bahay na tinutuluyan ko, natigilan ako. Parang biglang huminto ang oras, bumagal ang ihip ng hangin, at ang t***k ng puso ko ay tila sumabog sa loob ng dibdib ko. “Jennifer…” Isang boses na pamilyar. Isang tinig na akala ko’y hindi ko na maririnig muli. Nangangatog ang mga kamay ko habang dahan-dahan akong humakbang. At doon ko siya nakita—si Reynold, nakatayo, buhay, humihinga, nakatingin sa akin habang malawak na nakangiti. “Reynold…” halos pabulon

