Chapter 18 Jennifer Tahimik akong pumasok sa opisina kinabukasan. Wala akong imik, at ramdam ko pa rin ang bahagyang hapdi sa kaliwa kong pisngi. Nandoon pa rin ang bakas ng sampal ni Papa—hindi man kasing pula ng kahapon, pero mahirap itago. Kaya’t pinili kong hayaan ang buhok ko na nakalaylay sa gilid na iyon ng aking mukha. Gusto ko mang itali ito gaya ng dati, pero ngayon ay kailangan kong ikubli kahit paano ang marka ng kahapon. Naroon ang kaba, ang hiya, at ang pilit kong pag-ngiti. Isang makakapal na maskara upang hindi mahalatang may bitbit akong bigat na ayaw ko nang alalahanin ng iba. Ayaw kong kaawaan. Ayaw kong may magtanong sa akin kung ano ang nangyari sa mukha ko. "Good morning, Jen," bati ng isa sa mga ka-opisina. "Good morning," mahinang tugon ko. Agad akong dumiretso

