Chapter Six
I'm not a perfect woman, yes, I do have flaws, I was once forced to marry a man whom I never knew, but that was before.
My life was never easy, many believes that I live in prosperity, my Dad's a tycoon business man, my Mom's a popular pianist in America and she's also a business woman, my parents are a perfect example of a mother and a father, but that was a false alarm, they were not good to me, neither treated me like their own daughter, but despite all of that, I still love them, I still dream that one day, they will show me how a parents' love can change everything.
Gail Imperial Lacsamana, that's my father, a man with a stone cold heart, and my Mom, Belinda Guzman Lacsamana, a woman who loves to travel a lot, who loves her piano more than she loves me, they were not married for love, they were married for convenience.
Before I was sent here in Manila, my life in the province was not an easy as many people believes, I was like a puppet, I must do what they want me to do or else, they will lock me inside my room where I don't have the rights to eat, I'm caged and can't make my own decisions.
During my highschool and college days, I always want to top on the class, I always want to perfect my scores in quizzes and exams, and that was the time I only have the rights to go out with my classmates, I tried to be one of them, luckily, hindi ko nagawa, hindi ako naging isang rebelde kahit na maraming dahilan para maging isa.
They will always ask me how did my whole day went, but not in a careful way, kapag sinabi kong hindi naging maganda ang araw ko sa school, they will force me to study all night without taking a nap, they will not give me allowance, and that really hurts.
Sa tingin ng mga kaklase ko, isa akong mapalad na babae, they think that I possess everything they dream. My life sucks, not until I met Jessa and Lara, they were both an orphan, we became friends and that time, nakahanap ako ng kakampi.
Time passed by, we graduated being a topnotcher, we made many wonderful memories, but our friendship increased, nakilala namin si Lorin bago kami grumaduate, but Lorin doesn't able to finish her studies, I even thought of supporting her studies using my allowance at mga naipon ko, but before I could offer it to her, she vanished. At ang huling balita namin sa kaniya, nasa Manila rin daw siya, we tried finding her, but fate played to us, nagkawatak-watak kami, when my parents forced me to marry a guy I doesn't even know, naki-usap ako sa kanila, sabi ko, I will find an stable job before I could turn twenty-five, and I did! But that was the last time I will be seeing my friends, Jessa and Lara was gone before I could even tell them I got hired, naghirap ako ng ilang buwan sa unang-una kong trabaho bilang isang call center agent sa probinsiya namin, six months, sa mga buwang iyon, I felt devastated.
Nang mag-birthday ako sa pang twenty-five ko, binalak kong hanapin ang mga kaibigan ko, tinakot ako ng mga magulang ko na kapag ipinagpilitan ko raw na hanapin ang mga hampas-lupa kong kaibigan, papatayin daw nila ang mga ito.
I cried day and night after my birthday party, two days passed, I tried sneaking out, but the man whom they want me to marry interfered, pinagbantaan niya ako, sinabi niyang ikakalat daw niya ang s*x scandal namin, I didn't even know him till that day he said that! I'm still a virgin too!
Araw-araw sa loob ng dalawang linggo, tinakot niya ako, patuloy siyang nagpapadala sa akin ng mga kahon na naglalaman ng mga patay na hayop, sabi niya, kapag hindi daw ako pumayag na magpakasal sa kaniya, hindi daw siya titigil.
And during those two weeks, naka-buo ako ng plano, tatakas na talaga ako, I tried contacting Jessa's cellphone number, kahit na alam kong masasawi lang ako dahil matagal ko nang hindi ito nako-contact, but God has greater plans, na-contact ko si Jessa, she helped me escape, but in trying so, I got kidn*pped, mabuti na lang at naging kalmante ako at hindi ipinakita sa mga abductors ko na natatakot ako, pero parang bumabawi sa akin ang tadhana, kung dati, puro pasakit na lang, ngayon hindi, the van that my abductors are using harshly collided into a barrier when they tried to overtake, they were hardly injured, but I wasn't! And for me, that was a miracle.
Pumara ako ng isang taxi kahit na gusot-gusot ang damit ko, luckily, may nagpasakay naman sa akin, and that day, I met my boss, the over intimidating Stanley White, my friends? Well, we united as one again.
"Bruha? Ayos ka lang ba? Gusto mo bang ako na ang magmaneho?" Mahinahong tanong sa akin ni Jessa na nasa shotgun seat.
Umiling ako at muling itinuon ang mga mata sa sasakyan. "Ayos lang, kaya kong magmaneho."
She sighed before pulling her phone on the dash board. "I'll just call Doc."
Tumango ako at nahahapong naglabas ng hangin mula sa aking dibdib.
Hinayaan ko siyang kausapin ang Doctor kuno niya. Nag-focus lang ako sa pagmamaneho at hindi namamalayang malapit na pala kami sa apartment ko.
"Ano? May mga sangkap pa ba tayo sa lulutuin natin?" Mahinang saad ni Jessa matapos muling ibalik ang cellphone sa dashboard.
"Yeah. Kago-grocery ko palang noong isang araw, ano bang lulutuin natin?"
"We'll see." She sighed and looked at me. "Siyanga pala, how's your day in the newest and youngest business tycoon in town?" Pilya nitong tanong.
I rolled my eyes and hardly gripped the steering wheel. "Huwag na nga nating pag-usapan iyan."
She chuckled before smacking my shoulder. Sinamaan ko siya ng tingin bago muling tumingin sa kalsada.
"Gusto mo atang mabangga tayo."
"Ikaw naman, I was just making the atmosphere lighter here, atsaka bagay naman kayo, I once met Mr. White and the only thing I can say is...ang swerte mo."
"Swerte bang magkaroon ng boss na bipolar?" May himig sarkasmo kong saad.
"Bipolar? Tsk, tsk. Well, alam ko namang...may something."
Kumunot ang nuo ko sa pa-something something niya. "Ano? Ituloy mo kaya."
"Alam ko namang idi-deny mo eh." She teased.
"Ano nga?"
"Na may nangyari na sa inyo! It's so obvious, blooming ka eh. Nadiligan na ba ang tigang na lupa?"
Napa-preno ako ng malakas at sabay pa kaming napasubsob. Mabuti na lang at naiwasan kong maisubsob ang ilong ko at natakpan ko kaagad ng isa kong kamay.
Sandali akong nabingi, nagbalik sa balintataw ko ang gabing iyon, napa-pikit ako, it seems that I was lost in a hallucination, parang naririnig ko pa ang boses ni Stanley habang hinahalikan at hinahawakan ang buo kong katawan, the touches, the kisses, and the moans.
Ipinilig ko ang ulo ko at mariing kinagat ang pang-ibaba kong labi.
"I almost hit my head! Gosh!"
Narinig ko ang kunwaring iyak ni Jessa pero talagang napako ang tingin ko sa isang pamilyar na kotse sa harap ng gate ng apartment ko.
Minasahe ko ang tumamang ulo at pinilit na silipin ang mukha ni Jessa na parang hindi mapaanak na pusa sa kaniyang upuan.
"Mabuti ka nga almost lang, ako tumama talaga." Galit-galitan kong saad.
I felt my heart beat so fast when the car's door opened and it revealed Stanley na kasalukuyang wala sa ayos ang suit at wala na ring neck tie.
"Ayos! Nandiyan pala si Mr. Hot!" Palatak ni Jessa.
I heaved a sigh. "Pwede bang bumaba ka na at sabihing wala ako?" Wala sa sarili kong saad.
She scoffed before unlocking her seatbelt. Tumingin siya sa akin at kumindat. "Believe me, Maria. That man is the one." Nag-drawing pa ito ng imaginary heart sa hangin bago nag-flying kiss sa akin.
"Ewan ko sa'yo. Baba na nga. Gutom na gutom na ako."
Muli pa itong kumindat bago tuluyang binuksan ang pinto ng kotse. Nag-park lang ako at tuluyan na ring lumabas.
Kumakabog ng malakas ang puso ko nang maabutan ko ang dalawa sa pinto habang bumibida na ng malakas si Jessa.
"Alam mo, Mr. Stanley! My bestfriend is the only woman whom we believed that impossible will be possible."
Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang mahinang pagtawa ni Stanley. "Really? How can you say that?"
"Dahil nga, masyado iyang dedicated sa work niya, kapag inaayawan na nga ng mga katrabaho niya ang isang client noon, she will pursue it and eventually, mapagbabayd niya ang client na iyon, see, para sa iba impossible pero sa kaniya naging possible."
"Yeah. What's her work again?"
"She's a call center agent, nagpapabayad sila ng mga may utang sa bangko, kumbaga, iyong---"
Natigil ang pagsasalita ni Jessa ng mapalingon siya sa akin at binigyan ko ito ng masamang tingin.
"Siya na lang pala ang tanungin mo, Mr. White, hehe." Awkward itong tumawa.
Napalingon na rin sa akin si Stanley, his mouth instantly formed a curve upon seeing me.
"Hey, I bought foods, alam kong hindi ka pa nanananghalian, pati din ako." Malumanay nitong saad.
Ngumiti din ako pabalik bago pinasadahan ng tingin ang hawak-hawak niyang plastic bags na may tatak ng isang mamahaling restaurant.
"Nag-abala ka pa, Sir, magluluto din naman po kami ni Jessa."
Napalaki ang mga mata ko nang mabilis itong naglakad palapit sa akin at walang sabi-sabing dinampian ng isang mabilis na halik ang labi ko. Napalingon ako sa gawi ni Jessa at nakita itong pinipigil ang sariling matawa.
"Ilabas mo iyan, Jessa. Baka sumabog." I sarcastically said.
"Baka iba ang sumabog." Bulong nito na narinig ko pa rin.
I rolled my eyes before throwing daggers to Stanley. "Why did you kissed me?" May diin kong bulong.
"I told you, one wrong call, one kiss." Bulong din nito bago hilahin ang kamay ko at ilagay ang hawak-hawak niyang plastic bags.
"Baka naman nakaka-abala na ako sa loving-loving niyo, magpapasundo na lang ako." May bahid ng sarkasmong saad ni Jessa na nakahalukipkip na at nakasandal sa saradong pinto.
Stanley chuckled beside me before gripping my waist tightly. "Talaga? Eh 'di masosolo ko na pala ang baby ko." He teased before sensually licking his lower lip.
Napatili ng malakas si Jessa at napahampas pa sa pinto bago napangiwi dahil nasaktan siguro. "Ano ka ba namang pinto ka? Makisama ka naman." Bulong nito na rinig din naman namin ni Stanley.
"Napapala." Asar ko bago dinukot sa bulsa ang susi. Muli kong ibinalik ang plastic bags kay Stanley at hinawi ang kinikilig na si Jessa. I unlocked the door before glancing at them. "Pasok na kayo."
"Akala ko hindi mo ako papapasukin at maghaharutan lang kayo dito sa labas."
"Kaya nga ito na o, papasok ka o papasok ka?"
"Hmp!"
Nang pumasok ito ay pabiro pang binangga ang braso ko, sumunod naman si Stanley na parang nawiwili sa panonood sa aming magkaibigan.
"You two looks cute." He murmured before kissing the side of my head.
"Ewan ko sa'yo." Kunwa'y nagtatampo kong saad pero ang totoo, kilig na kilig ako.
"Why? Isn't it lovely for the two of you to tease each other with no plasticity."
I smiled widely. "Because we know each other since highschool kaya naman masyado na kaming komportable sa isa't isa."
"Aww, that's so adorable, hindi ko tuloy maiwasang mas lalo pang mahulog sa'yo." Malamlam ang mga mata nito. Inangat niya ang kamay at inabot ang tumakas na buhok ko mula sa pagkaka-ipit at inilagay ito sa likod ng aking tenga.
Nakaramdam ako ng hindi maipaliwanang na saya. "Binobola niyo na naman ako!"
He chuckled and pinched my cheeks. "Ahh, so adorable little doll." Hinalikan pa niya ang nuo ko bago malamlam ang mga matang tumitig sa akin.
Kinagat ko ang pang-ibaba kong labi bago yumuko at pasimpleng ngumiti.
"I will always love the way you act, on how you make my heart beat so fast just the mere sight of you."
Mas lalo ko pang kinagat ang labi ko para pigilin ang sariling mapatili.
"Hooy! Kayong dalawa diyan, hindi ba kayo papasok? Imbes na papakin niyo ang isa't isa, lamok ang papapak sa inyo!"
Napa-atras ako at nanlalaki ang mga mata. Minsan talaga may negative side din ang pagkakaroon ng bestfriend, mahilig kasing manira ng moment.
bloodsucker_princess