CHAPTER 3

2001 Words
Chapter Three I WAS mentally slapping my face when my boss came out from the bathroom with only white towel covering his lower body. Mabilis akong nag-iwas ng tingin, I really want to slap myself in reality because of some wild thoughts rushing inside my crazy brain. "Ms. Guzman, you can go downstairs, our brunch will be here in any minute for sure." He said formally, gone the playful smirk and emotion on his eyes. I frantically looked again at his face with water droplets freely falling down on his messy wet hair. "Um...sige po, Sir." Pilit akong ngumiti at hindi hinahayaang bumaba ang mga mata dahil kapag nagkataon, baka ma-r**e ko ng wala sa oras--- What the heck? Bakit ba 'yun ang nasa isip ko? Ipinilig ko ang aking ulo bago dahan-dahang umatras at patalilis na humakbang palabas ng kwarto niya. Earlier when I went out on his room dahil nga sa nakita niyang pictures ko, hinabol pa niya ako para ibigay iyong bag ko, I thought he really threw it away last night, iyon naman pala, nagbibiro lang daw siya. At dahil medyo sinapian ata siya ng espirito ng kabaitan, he gave me a new pair of underwear and an office dress, at talagang nakakahiya dahil inalam pa raw niya talaga ang size ko kagabi and he ordered online, he also said that he will decrease my monthly salary dahil marami na raw akong kalokohan. Mariin akong napakagat labi nang mahagip ng paningin ko ang mga painting sa dingding ng staircase pababa sa kusina. Halos parang mga ipininta ito ng mga kilalang pintor dahil sa ganda ng pagkaka-kuha ng mga kaliit-liitang detalye, I focused on the very last painting on the right side of the stair, it was an oil painting, a girl holding a gun, it's like the little girl is looking straight back at me, sandali akong natigilan sa intesidad ng titig ng bata kahit pa likha ito ng isang pintor, it was as if she's alive, and that gun was for me, as if it's aiming for me. Napakurap-kurap ako bago napa-hugot ng malalim na buntung-hininga, muntik ko nang tuluyang masapak ang sarili ko dahil sa mga naiisip, it was just a painting, nothing to be scared of. "Darn, bakit ba kasi parang totoo? Ang creepy pa." I murmured. I raised my right hand to touch the painting, napapikit ako ng maramdaman ko ang lamig ng surface ng canvas. "Hey. Bakit hindi ka pa bumababa? Maya-maya darating na ang order ko." Napa-igtad ako sa boses na nagmula sa likod ko, nang lumingon ako ay sumalubong sa akin ang kunot na kunot na nuo ng boss ko. "Ah, ang ganda kasi ng painting na 'to, kaso parang ang creepy." I uttered, voice almost a whisper. "Oh that!" He suddenly smiled. "That was one of the paintings I found on the basement on my parents' old house, kinuha ko na dahil sayang naman." Napatango-tango ako bago pasimpleng pinasadahan ng tingin ang suot nito, he's wearing his usual office suit with a crumpled blue necktie. Napailing-iling ako bago ipinasawalang-bahala ang wala sa ayos niyang necktie, sa loob ng dalawang buwan kong pagtatrabaho sa kaniya bilang sekretarya, walang araw na hindi ko nakitang maayos ang pagkaka-kabit ng necktie niya, madalas, hindi pa bumabagay sa suot niyang suit ang kulay, but despite that, kahit ano naman atang isuot niyang damit ay babagay sa kaniya. "Hmm? Like the view?" He smirked making me scoff. "Paano ko naman po magugustuhan? Palaging gulo ang pagkaka-lagay ng necktie mo." Nakanguso kong saad, ngumuso din siya bago bumaba at pumantay sa akin at dahil likas na matangkad, kailangan ko talagang tumingala. "Then, fix it." He said, iniumang pa niya sa akin ang dibdib. "Nah-uh." Umiiling kong saad. Mas lalo pa siyang ngumuso, pumungay ang mga mata bago parang batang nagmamaktol na tumitig sa akin. "Hindi ba talaga magandang tingnan na gulo-gulo ang necktie? I mean, some girls said I looked hot and wild with this." Aniya. Kumindat pa ito bago muling iniumang ang dibdib sa akin. "Okay. Basta dapat Sir, matutuhan mo ang paga-ayos nito, matanda ka na't lahat, hindi mo pa rin nagagawang ilagay ito ng tama." I said habang inaabot ang necktie niya, isang minuto lang ay naayos ko na ito at mabilis ko na siyang pinakawalan dahil naiilang na ako sa mga titig niya. "Matanda? Then, I can already make a baby? Para naman may maga-alaga na sa akin sakali mang atakehin ako ng rayuma?" He winked playfully. Hindi ko mapigilang hampasin ang dibdib niya ng kaliwa kong kamay. Hindi ako nakahuma ng mas mabilis pa pala ang reflexes niya dahil nahuli niya ang kamay ko at mabilis itong dinala sa labi niya at hinalikan. Nanlaki ang mga mata ko bago pwersahang binawi ito sa labi niya. Nanatili ang panunukso sa kaniyang mga titig at hindi ko maiwasang makaramdam ng kakaibang emosyon sa aking dibdib. "Ano nga? Pwede na ba? Pwede na ba tayong gumawa ng baby para mag-alaga sa atin kapag pareho na tayong nirarayuma?" Muli niyang hirit. I hissed. "Huwag ako boss dahil baka makakita ka ng bituin." Pagbabanta ko. The side of his lips twitched. "Bituin? Dalawang buwan na akong araw-araw nakakaka-kita ng bituing napakaganda ng ningning." I raised one of my eyebrows and smiled playfully at him. "Bakit? Ngayon ka lang ba tumingala sa kalangitan at nitong  dalawang buwan ka palang nakakakita ng bituin sa buhay mo?" "Hmm. I mean, nitong nakaraang dalawang buwan pa lang ako nakakakita ng bituin sa malapitan, iyong para kang matutunaw sa ningning at mga titig niya." He murmured with different emotions dancing in his ocean blue eyes. Napailing-iling ako bago napabaling sa cellphone kong biglang tununog mula sa loob ng bag kong nakasabit sa kanan kong braso. Lumingon muna ako kay Sir bago kalkalin ang bag. "Tsk, tsk, bakit ba palagi na lang istorbo ang cellphone sa tuwing dumidiskarte ako?" I heard him said. Napapangiti akong naunang bumaba at naglakad patungo sa kusina. Muntik pa akong mapamura nang biglang nag-vibrate ang phone ko at nagsasabing low battery na, habang nakapaskil naman ang isang unknown number. I immediately knotted my forehead, hindi ako sumasagot ng unknown number at sa pagkaka-alam ko, matagal ko nang nai-block sa list of callers ko ang mga unknown numbers. "Sagutin mo na 'yan, I'm sure that's Jessa, tumawag na rin iyan kaninang natutulog ka at no choice ako kaya sinagot ko na." Ani Sir na nasa likod ko pala. My mouth open but there's no words I can say. "What? Sinabi mo Sir? Tiyak na puputaktehin na naman ako 'nun ng mga tanong!" He just shrugged his shoulder at nauna nang pumasok sa kusina. Hinayaan ko lang na tumunog ang cellphone at wala akong balak na sagutin ito. Pagpasok ko sa kusina ay nasulyapan ko pa si Sir na kasalukuyang nagsasalin ng tubig sa dalawang malinaw na baso at nilapag ang isa malapit sa kinatatayuan ko. "You should drink water, hindi ka pa kumakain mula kagabi at kape lang ang huling laman ng tiyan mo." He said. "Pa'no mo po alam?" "I have my own ways, my sexytary." He said winking. I looked at him and saw how his eyes smiled too. Hindi ko rin maiwasang mapangiti at pagmasdan ang mukha niyang naka-side. His pointed nose was really the most attractive part of his face, and of course his eyes also, naiingit nga ako sa makakapal niyang kilay at mahahabang pilik-mata, it seems that he is all perfect, to his attractive physical appearance down to his well perfect family, not to mention kung gaano kalaki ang mga ari-arian nila sa Cebu at Pasay. Napa-buntunghininga ako bago damputin ang baso na nasa gilid na lamesa. Nakaramdam ako ng uhaw at dire-diretso itong ininom. "Hmm? Upo ka na, bakit ba kasi ang tagal ng order ko?" He said, iminuwestra pa niya sa akin ang upuang hinila niya na hindi ko napansin dahil sa pagtitig ko sa kaniyang mukha. "Thank you po. Nai-update niyo na ba ang order o baka naman po hindi niyo nasabi ng maayos ang adress?" I asked. Napanguso siya at tumingin sa akin. "I ordered using your phone and that was exactly one hour from now, they said that it will only takes half an hour." "Gamit ang phone ko? Sir! Nagtitipid ako sa load!" He brushed his still wet hair before pouting even more. "I am too, kaya nga naki-gamit na lang ako sa'yo." He said cheekily. I took a deep breath before laughing hard, clutching my chest because of the sudden emotion rushed over me. "Nagtitipid? Ang yaman mo na kaya, kagabi mo pa sa akin sinasabing nagtitipid ka." Ako naman ang napanguso at pinaglaruan ang na-off kong cellphone nang hindi sinasagot ang unknown caller. "Mahal na ang bilihin ngayon. Nag-iipon ako para sa future ng mga magiging anak natin." Banat niya at bago pa ako makatayo para mahampas siya, tumunog na ang doorbell at dali-dali na siyang kumaripas ng takbo palabas ng kusina. I chuckled before finding my charger inside the bag. Nang makita, naghanap ako ng socket na pwedeng mapag-chargehan. When I successfully found one at the side of the kitchen cabinet, I automatically smiled before plugging my charger in. It took me almost five minutes before my boss finally entered the kitchen with a wide smile on his face and two eco bags with a restaurant's name printed on it. "So? Ano pong in-order mo?" I asked curiosly. "Hmm...it's not foods, I mean...kanselado ang order natin dahil sa lakas ng ulan sa labas ngayon, tinawagan ko na ang pinag-orderan ko dahil nakakahiya naman sa'yo." He playfully smirked before putting the eco bags on the table. "Eh ano iyan?" Naiinis kong tanong. Gutom na ako eh. "Personal things...for you." "W-what?" Pinanlakihan ko siya ng mga mata bago pinasadahan ng tingin ang bags sa lamesa. "Earlier in the morning, I called my sister Haserilla to bring me women's personal things, I indicated what size because I know the weather will not be as good as it is yesterday." "Alam mo pong uulan ng malakas?" I asked, nanlalaki pa rin ang mga mata. He nodded. "Yeah, and I already made an order at the office that the operation will be resumed tomorrow, means wala na silang pasok ngayong tanghali dahil baka bumaha pa sa daan." Naiikot ko ang aking mga mata bago pabagsak na umupo sa upuang nasa harapan ko. "Then? Bakit pa tayo nagbihis ng ganito?" "I thought that the rain will stop, kaso mas lalo lang lumakas." I scratched my head before looking at him. "How about your sister? Baka maabutan siya ng baha, delikado na sa labas dahil nga sabi mo mas lalong lumakas ang ulan." He took a deep breath before taking his seat on the chair facing me. "She's with her asshole boyfriend." He murmured. Sumingkit ang mga mata ko bago siya tinitigan na parang nanunuri ng amag ng tinapay. "You're mad because your sister is with her asshole boyfriend?" I asked. Pinanlakihan din niya ako ng mga mata. "Language, Maria." I hissed. "Asshole lang, masama ba iyong sabihin?" Tumalim ang titig niya sa akin. "Quit it, hindi ako natutuwa." "So, dapat lahat ng sasabihin ko nakakatuwa para matuwa ka, Sir?" I said sarcastically. Nagpakawala siya ng isang malalim na hininga. "Not now Maria. Nangangagat ako kapag naiinis." At dahil mas tumiim ang titig niya sa akin, tumahimik na lang ako at inabot ang dalawang eco bags. Binuksan ko ito at nakita ang mga personal needs ko gaya ng toothbrush, shampoo at sabon. Sa kabilang bag naman ay mga damit panloob at mga dresses na alam kong mamahalin dahil sa lambot ng texture nito. Mapapagastos pa ata ako, I need to pay it dahil nakakahiya sa boss ko, lalo na kay Haserilla, his sister. "Bakit kasi hindi mo na lang sila pinapasok dito, Sir? I mean...they can spend their night here lalo na't umuulan." Hindi ko mapigilang sabihin. Kumunot ang nuo niya. "Do you think I can do that? Haserilla's boyfriend is an addict and a p*****t guy, kapag nagkataon, magkakaroon pa ako ng kaagaw sa'yo." I creased my forehead. "Addict and p*****t? Naku, duda ako diyan, alangan namang papatulan ni Miss Haserilla ang ganoong lalaki." "You think?" He asked. I nodded. "Alam mo Sir, minsan ko nang naka-usap si Miss Haserilla, she seemed nice and approachable hindi kagaya ng ibang babae, and that only means that whoever boyfriend she has now, I know that she can handle him really well, not to mention her badass side." His lips protruded. "Well, basta ako sayo lang magpapaka-addict." He said, smirking. bloodsucker_princess
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD