CHAPTER 1

2008 Words
Chapter One MALAKAS NA sirena ng mga police cars ang naririnig ko hindi kalayuan kung saan ako nagka-kape. It is almost eight in the evening and the view from outside was really beautiful. Mga nagki-kislapang ilaw mula sa mga matatayog na gusali hanggang sa mga makukulay na mga disenyo sa mga poste ng ilaw. Kunsabagay, malapit na ang Christmas kaya naman marami na ang naglipanang mga Christmas lights kahit saan ka lumingon. I sipped from my cup of coffee and concentrated on the TV hanging just by the side of the counter of this coffee shop. Kanina lang ay na-stress ako sa boss ko. But stressing myself out won't help, kaya naman naisipan ko munang dumaan dito at mag-kape. 'Isang kaso ng r**e ang usap-usapan ngayon sa isang baranggay sa Pampanga na hindi pa natutukoy kung sino ang biktima. Ayon sa isang saksi, naninigrilyo umano siya sa gilid ng waiting shed nang makarinig siya ng sigaw mula sa isang babae na parang nahihirapan, nagdudumali umano siyang sumilip sa bakanteng lote malapit sa kaniyang kinatatayuan. Ayon pa sa kaniya, nakita na lang raw niya ang pananaksak ng isang hindi pa rin nakikilalang suspek sa biktima, ngayon ay patuloy ang pag-usad ng imbestigasyon ng pulisya na naka-base sa naturang baranggay, pangatlo na rin itong kaso sa buong syudad ng Pampanga ngayong buwan kung kailan papalapit na ang Pasko. Nagbabalita live mula dito sa...' I wasn't able to finish watching the news when the sirens of the police cars doubled. Nagtataka kong hinawi ang buhok kong tumabing sa aking mukha at sumilip mula sa glass wall. I saw some people hurrying to the other side where there are no police cars. Maingat kong inabot ang dala-dala kong bag at sinipsip ang kahuli-hulihang patak ng kape. "Kuya? Anong meron?" I curiously asked the man next on my table. He shrugged his shoulders and looked outside. "Hindi ko nga rin alam, marami na talagang nagaganap na krimen ngayon. Nakakatakot na." I slowly nodded. "Kaya nga eh. Masyado nang magulo ang mundo." I sighed and looked at my wristwatch. "Nakakaloka, parang natatakot na nga akong lumabas." I awkwardly laughed. "Tsk, tsk. Ganiyan talaga ang mga tao ngayon, parang mga hayop kung umasta, mas mabuti pa nga minsan ang mga hayop, mapagkakatiwalaan, ang mga tao, hindi." "Haha. Kaya nga po eh. Parang bumabaliktad ang mundo." The man chuckled. "Lalabas ka na ba?" I nodded. "Opo, kaso maraming mga pulis sa labas." "I can walk you to the parking lot." "Haha. Okay lang po, Kuya. Kaya ko naman." I secretly scanned the man's face, especially his eyes. I saw concern in them. "Don't worry, I'm not a bad person." Umakto pa itong parang sundalo at sumaludo sa akin. I suddenly blew a hard breath. "Naku! Hindi naman po gan'un ang iniisip ko." "Okay lang. Tara na?" Tumayo na rin ito at inayos ang suot na polo. We left the coffee shop silently. Nang makalabas, may mga pulis na humarang sa amin. "Pasensiya na po sa abala, Miss at Sir. Eh, gaano na po kayo katagal sa loob?" Usisa ng pulis na may hawak na mga papel at ballpen. I took a glance at the man beside me. "Ayy, mga kalahating oras pa lang po ako, officer." "Ah. Kayo po, Sir?" Baling nito sa katabi ko. "Just five minutes before she entered." "Oh! May pinatay ho kasi sa katabing compound nitong coffee shop, eh halos lahat nang napagtanungan namin, kararating lang daw o kaya naman napa-daan lang daw sila. May mga napansin ba kayong kahina-hinalang tao?" I shrugged my shoulders. "Wala po officer, eh. May CCTV naman po 'ata. Bakit hindi niyo na lang po i-check?" The officer sighed. "The CCTV has been destroyed before the murder happened. Mas mahirap ang magiging pag-usad ng kaso kung walang makapag-sasabi o kaya naman magiging saksi namin." The man beside me sighed heavily. "Officer, how long has been the crime happened? Pa'no niyo ho nalaman na may nangyaring krimen?" I curiously took a glance at him. Nakahawak ito sa ulo na parang namomroblema. "The owner called us, kinakatok raw niya ang may-ari nang kwarto para kunin ang ipapalabada nito sa malapit na laundry, kaso, she was startled when the woman from that room was bathing in her own blood." I suddenly felt a lump on my throat. Nakaka-awa naman pala ang kamatayan ng babae. I was about to talk when a pair of strong mascular arms enveloped my waist. Gulat akong lumingon. "Sir!" "Tsk. What the hell are you thinking? Gabing-gabi na, nasa labas ka pa rin." My boss said while panting. "Hello! Manila ho ito, Sir. Hindi po ito probinsiya para alas-siyete palang, dapat naglalaway ka na sa himbing ng tulog." I stated, emphasizing every words, nanggigigil pa rin ako kapag naa-alala ko ang ginawa nito kanina. He tsked and turn to the man beside me. "What the hell? Bro?" "Oh! Stan?" Napa-iling na lang ako. Magkakilala pala ang dalawa. I saw them exchanged glances and turned their head to the policemen in front of us. "Officer, I can help." May bahid ng pormalidad sa tinig ng lalaking katabi ko. Pilit ko pang hinahawi ang matitigas na braso ng boss ko na naka-kapit sa bewang ko. "Sir? Bakit, may nakita ho ba kayong lead para matukoy ang krimen?" Gulat na saad ng pulis na nagtatanong sa amin. May dinukot ang katabi ko sa bulsa at ipinakita sa mga pulis. "I'm an NBI agent, I probably can help?" Bago pa ako mapa-nganga, my boss suddenly dragged me with him to the parking lot. Nilingon ko pa ang mga pulis partikular na ang lalaking naka-usap ko kanina na kakilala pala nitong boss ko. Padabog ako nitong binitawan at masamang tinapunan ng tingin. I rolled my eyes heavenward and looked at the view in front of us. Nasa harap pala kami ng isang botika. Akala ko ba sa parking lot ako nito dadalhin? "Sir?" Taka kong hinawakan ang laylayan ng suot nitong two-piece suit na suot rin niya kanina pa. "Buy some alcohol." Istrikto nitong dinukot ang bulsa at kinuha ang pitaka. "Here's the money." Gulat kong tinitigan ang isang libo sa palad ko. "Alcohol? Para saan?" "Nahawakan ka ng isang malaking virus, you need to bath an alcohol." "Anong---" "Dali na. Bago pa magbago ang isip ko at ako na ang magpapaligo sa'yo sa condo." My mouth fell dramatically on what he just said. Maingat kong tinanggal ang isa kong kamay sa laylayan ng damit nito at iwinagayway ang isang libo sa harap niya. "Okay! Isang alcohol lang, ha? Keep the change." I happily giggled. He c****d his face to the side. "Mamaya na natin 'yan pagu-usapan, bumili ka na. Then, hugasan mo iyang kamay mo dahil hinawakan ka ng lalaking malaki ang virus sa katawan. Damn him." His last words are so soft that I couldn't even heard. Ipinilig ko ang aking ulo at inirapan siya ng matindi. "Opo, boss. Napaka..." I murmured. Padabog kong inilagay sa kamay niya ang hawak kong bag at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng botika. Pinili ko talaga ang pinaka-mura at pinaka-maliit na bote ng alcohol. Matapos magbayad ay ibinulsa ko na lang ito. When I stepped outside, my boss wasn't on the view. Inikot ko pa ang buo kong paningin pero hindi ko talaga makita ni anino man lang nito. I scratched my head in frustration. "Nasaan na ba ang boss kong 'yun?" "Ms. Lacsamana!" I almost jumped from my spot when an unfamiliar voice called my name. Wala sana akong balak na lumingon, but the stranger held my shoulder from the back. I saw from my peripheral vision that it's a man. "Yes, Mister?" Panting, the man spoke. "The young boss told me to fetch you here. Nauna na po itong umuwi, ihahatid ko na lang raw po kayo sa apartment ninyo." I blew a deep breath. I felt disappointed. "I have my own car, Mister. Hindi ko kailangan ng serbisyo ng ibang tao." Iginalaw ko ang braso ko para mawala sa hawak ng lalaki bago humarap dito. "But....ma'am. Magagalit po sa akin 'yun. Baka ho alisin pa ako sa trabaho." "Aba...hindi sa akin uubra ang mga taktika ng boss nating 'yan." Kinamot ko muna ang nangati kong pisngi bago nagpatuloy. "Nasa'n ba siya? Tara, puntahan natin." Hihilahin ko na sana ang lalaki, but he instantly stepped forward. "Naku! Hindi ho pwede ma'am! Tiyak na magagalit iyon kapag ginulo natin sa condo niya." Mabilis akong napa-ngisi. "Eh 'di susubukan natin. Halika na. Susugurin natin ang boss nating weirdo." Hindi na nagpa-pigil pa ang lalaki nang ako na ang humawak sa hawak nitong susi. "Saan po naka-park ang sasakyan?" "Du'n ho, ma'am." Ako na ang umupo sa driver seat. The man who's following me panicked. But I instantly shut him up using my fingers as a gesture. "Ako na po ang bahala." The drive from the parking lot to the luxury condo units inside the Marikina city was so silent but it's okay, hindi naman boring dahil maganda pala talaga dito. Parang nasa probinsiya ka lang dahil sa mga paakyat na daanan. Paano ko ba nalaman ang tinitirhan ng boss namin, well. Madali lang naman, nag-search ako. At 'ayun, lumabas nga ito na tinitirhan ng gwapo pero weirdo naming boss, I asked the man at the back seat kung tama, he said yes. "Sa wakas, nandito na rin tayo. Manong, pwede ho bang paki...um. Paki-uwi na lang iyong sasakyan ko. Hehe." Awkward akong tumawa. "Ayy, opo naman ma'am. Kayo na nga ho ang nag-drive." "Sige po, ito po 'yung susi, alam niyo po ba kung saan ang apartment ko?" I suddenly slapped my face, paano nga pala nito malalaman ang tinitirhan ko kung ngayon lang pala ako nito nakilala? The man nodded. "Opo. Minsan na ho kaming dumaan ni boss doon. Baka mga...last week. Papasok nga ho sana kami kaso lang...baka raw po natutulog na kayo." I almost choked my own breath at what I heard from the man, pero hindi ko ito pinahalata. "Ah, ganu'n ho ba?" "Oho, Ma'am. Sige na po, aalis na ako at baka masesante pa ako ni boss." Napatawa ako ng malakas. "Ingat po, kukunin ko rin naman po kasi kay boss ang bag ko, nandu'n ang susi ng apartment, may dahilan ako." Kumindat pa ako kay Manong bago lumabas. Papasok nang elevator ang tinahak ko, his room is located in the 9th floor. I successfully entered his floor, lumakas ang tahip ng dibdib ko at hindi ko alam kung bakit. Nang akma na akong magdu-door bell, bigla namang bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang boss kong walang saplot maliban sa isang white boxers. Napa-iwas ako nang tingin. "G-good evening, Mr. White!" Kinakabahan kong saad. Napa-atras pa ako bago muling bumaling ang tingin sa kaniya. "Well, there's no good in evening if my sleep has been disturbed." Masungit nitong sagot. Naka-igting ang kaniyang panga na animo hindi natutuwang makita ako. Napaka-bipolar talaga ng boss kong 'to. I nervously chuckled. "Eh, na sa'yo po kasi ang bag ko. Nandu'n ang susi ng bahay." "Tsk. Wala na sa akin ang bag mo, tinapon ko na." My eyes widen. "Boss! Grabe ka naman ho! Aba't----" Napatigil ako sa pagsasalita nang binuksan nito ng malaki ang pinto. "----masyado naman ata kayong brutal." He shrugged his shoulder. "Then? Akala ko kasi binibigay mo sa akin ang bag mo para itapon, it's not even branded." Magaling din pala 'to sa panlalait. Umalsa ang dibdib ko sa inis. "Paano ako makakapasok sa bahay kung walang susi?" "I don't know, gumawa ka nang paraan, matutulog pa ako." He's about to close the door when I firmly grabbed his butt cheeks. May dumaloy na kakaibang kuryente sa katawan ko nang maramdaman ko kung gaano ka-firm ang butt niya. Well, masarap palang hawakan. "What the hell, Ms. Lacsamana!" "Papapasukin mo ako o pipisilin ko 'to?" Pilya akong tumawa at mas idiniin pa ang hawak sa pwet niya. Wala akong paki-alam kung may CCTV's camera dito, naiinis kasi talaga ako sa boss kong ito at hindi ko palalagpasin ang pangyayaring 'to. "Damn it, Maria." Lumayo ito sa akin, nanghinayang tuloy ako, parang mas maganda pa kasi ang pwet niya kaysa sa akin. 'Asan ang hustisya 'dun? "Boss naman kasi, pagod na ako tapos gusto ko nang matulog, nag-drive pa ako papunta dito..." Malakas kong sinampal ang pisngi ko nang may maalala, puchang gala, ibinigay ko pala ang susi ng kotse ko kay Manong, paano ako makaka-uwi nito? Alangan namang mag-commute ako at sumakay ng taxi? No, may phobia ako sa mga ganung sasakyan, lalong-lalo na ang tinted na van. Kotse lang ang kaya kong sakyan, basta naka-bukas ang bintana nito. "Tsk, fine. Basta huwag mo akong sisisihin kung bukas, magka-baby na tayo." bloodsucker_princess
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD