Chapter Ten
HASERILLA CHUCKLED lightly when I almost stumble on my feet, paano ba naman kasi, may nakabungguan akong nurse na hindi man lang nag-sorry, siya pa ang galit. Hinayaan na lang namin at baka mapa-away pa kami.
I just sighed, hinawakan ko ang braso ni Haserilla nang bigla itong tumigil at humarap sa akin.
"We're here." She uttered, eyes almost closing.
Naglabas ako ng isang mahabang buntung-hininga bago pilit na ngumiti. "P-pasok na tayo?" Kinakabahan kong tanong.
"Halika na. Baka kanina pa tayo hinahanap ni Mom, she's been texting me." Mahina nitong saad.
"S-sure." Ako na ang pumihit nang seradura ng pinto.
"Mom! We're here!" Tawag pansin ng katabi ko sa babaeng kasalukuyang nagbabalat ng isang apple. Natigil ito at lumingon sa gawi namin. May sumilay na isang ngiti sa labi nito bago ibinaba ang binabalatang apple.
"Baby Hase, finally you two are here, kanina pa nangungulit itong Kuya mo, mabuti na lang at nakatulog din." Aniya.
Para akong naestatwa sa kinakatayuan ko, ang ganda ng mama nila. Grabe, parang kasing edad lang namin, she's wearing a blue light dress and a pair of a diamond earings, napaka-sopistikada niyang tingnan, napaka-simple lang naman niyang kumilos.
"Ate, lapit tayo." Mahinang untag sa akin ng katabi ko na siyang nagpabalik sa akin sa huwisyo.
"Good afternoon, Ma'am Hazel." Medyo pormal kong bati nang makalapit na kami sa kinaroroonan ng mama nila, hindi ko maiwasang mapalingon sa natutulog na si Stanley, he's pale and some bruises was visible and I can't help but to stare at his swollen lips, may sugat din siya sa kilay, ano bang ginagawa niya sa buhay niya?
"Good afternoon too, Maria." Nakangiti itong lumapit at humalik sa pisngi ko.
"Mom? Ate? Una na ako sa bahay, papasundo na lang ako kay Manong Rey, antok na antok na ako." We glanced at Haserilla who's now heading to the door.
"Sige anak. Magi-ingat ka." Malumanay na sagot ni Ma'am bago ako iginiya paupo sa mahabang sofa.
"Tawagan mo na lang ako Mom, Ate ha?"
I smiled at her before fixing my dress and awkwardly glanced at her Mom who's been staring at me.
"Ingat." I mouthed, gulping hard.
Nang makalabas si Hase, I looked at their mom beside me, may nakapaskil pa ring ngiti sa labi nito.
"So, ikaw ba ang girlfriend ng binata ko?" Pilya nitong tanong.
"Hindi po!" I said, panicking.
She raised her brow playfully. "Really? But why does my son wants to see you, palagi din niyang binabanggit ang pangalan mo?"
"S-secretary niya po ako." I murmured.
"Aww, secretary? Lokohin niyo pa ako." She said, pouting.
"Totoo naman po kasi, I mean..." I said, voice almost a whisper.
"You mean...that you two have a secret relationship, not just an employee and an employer relationship but more than that...a romantic relationship." She teased, lips protruded.
My eyes widen. "Ma'am!" I exclaimed, gasping.
She chuckled. "Just call me tita, you're my son's girlfriend so..." She said, shrugging her shoulders.
Natahimik ako at halos magdugo na ang labi ko sa tindi ng pag-kagat ko dito.
Tumayo siya at lumapit kay Stanley. Hinalikan niya ito sa nuo bago bumaling sa akin.
"Iha, pwede bang ikaw na muna ang magbantay dito sa binata ko?" Mahina niyang tanong.
Sunod-sunod ang naging pagtango ko. "Okay lang po."
"Salamat, baka mamaya-maya ay magigising na ito." She smiled.
"P-pwede po bang magtanong?" Kinakabahan kong saad.
"Sure, what is it iha?" Ngiti niya.
"A-ano po bang nangyari kay Sir Stanley?" I asked nervously.
She sighed and looked at his sleeping son. "Hindi ko nga rin alam eh. Ayaw magsabi, kahit na anong pilit ko, namin ng kapatid niya...he keeps on mumbling your name, asking if you're okay...I don't know..."
I bit my lower lip. "G-anu'n po ba? Tatanungin ko na lang po siya mamaya kapag nagising na siya, at kapag hindi niya ako sinagot...sa akin na lang ang sahod niya." I joked.
Napatawa ng malakas si tita bago tinakpan ang bibig at nanlalaki ang mga matang tumitig sa akin.
"Iha! T-that's hilarous! I mean...my son always wants his money to be in proper disposal, ayaw niyang gumagastos lalo na't hindi naman talaga kailangan." She chuckled lightly. "Okay ako diyan, nang magtanda at kung ano-anong ginagawa sa buhay niya, ayaw pang magsabi kung ano ba talagang nangyari."
Hind ko rin mapigilang mapatawa. Natigil lang kami sa pagtawa nang makarinig kami ng ungol.
"Oh! Son, you're awake!" Gulat na bulalas ni tita bago hinawakan sa mukha si Stanley.
"Maria? Where's Maria...Mom?" Paungol nitong tanong.
Bumilis ang t***k ng puso ko nang banggitin niya ang pangalan ko.
Hindi ko siya makita dahil natatakpan siya ng katawan ni tita kaya nagkasya na lang ako sa pakikinig ng kaniyang boses, I missed him so much.
"Anak, may masakit ba sa'yo? Gusto mo bang kumain?" May lambing na tanong ni tita.
"No...want Maria." Parang bata nitong ungot at hindi ko mapigilang mapahagikhik.
Lumingon sa akin si tita bago umalis sa pagkakatakip kay Stanley, I saw how his eyes widen.
"M-Maria!" He called my name excitedly.
"Sir? Ayos lang po kayo?" Alanganin kong tanong dahil nakatitig sa akin si tita.
"Come here, hug." He murmured.
Napalaki ang mga mata ko at alam kong pulang-pula na ang mga pisngi ko.
Nang maramdaman siguro ni tita na naiilang ako, tumikhim siya bago muling bumaling kay Stanley.
"Anak...huwag masyadong maging agresibo..." She teased. "Iwan ko na muna kayo, be mature, walang gagawa ng masama."
Ramdam ko ang kalokohan sa boses ni tita pero hindi ko maiwasang manginig sa mga tinging ipinupukol sa akin ni Stanley.
"Mom...I need my Maria, not gonna do bad things...just want hugs." Parang bata nitong saad na nagpatawa lalo kay tita.
"Oo na, basta walang gagawa ng masama, baka mamaya niyan, magkaroon agad ako ng apo, made in hospital." She teased, pabulong na ang mga huling salita pero nadinig ko pa rin at hindi ko maiwasang maubo, lalo pa atang namula ang mukha ko.
"A-ako na po ang bahala." I said, gasping for air.
"Atat? Biro lang." Pilyang saad ni tita bago dinampot ang bag sa sofa at naglakad papunta sa nakasarang pinto.
"Mom, alis ka na...you're teasing us, I'll just hug her and nothing else." Nakasimangot na saad ni Stanley bago ikinumpas ang kamay na para talagang pinapa-alis si tita.
"Atat, basta kumain na muna kayo, nandiyan ang pagkain, I cooked all of that and just make sure to drink your pain reliever son, una na ako ha? Iha, ikaw na ag bahala." Tita said bago nagtuloy-tuloy na sa paglabas ng pinto.
I sighed when the door closed. "S-stanley." I muttered.
"Come here...hugs, please?" Paungol na tawag sa niya sa akin.
Kagat labi akong lumapit. Naupo ako sa gilid ng hospital bed niya. Itinaas ko ang kaliwa kong kamay ay hinaplos ang namamaga niyang labi.
"Ayos ka lang ba? May masakit ba sa'yo?" I whispered.
Dinama ko ang lambot ng kaniyang labi. Marahan kong inikot ang aking paningin, nadako ang tingin ko sa namamaga niyang kamay.
"Maria...hug?" Mahinang-mahina nitong saad.
I sighed. "Walang hug kapag hindi mo sinagot ang mga tanong ko."
He pouted. Inabot niya ang daliri kong humahaplos sa kaniyang labi at kinagat.
Hindi ko mapigilang mahampas ang balikat niya dahilan para mapasigaw siya sa sakit.
"Baby! You want me to die? That hurts." Nakangiwi nitong saad.
"Bakit mo kasi kinagat ang daliri ko?" Ako naman ang ngumuso bago binawi ang kamay sa hawak niya.
"I missed you eh. Bakit ka ba lumipat ng apartment? Hindi kita nahanap." He murmured.
Inabot niya ang inilayo kong kamay at hinalik-halikan. I felt how his lips touched my skin and it sent me an electrifying sensations down my spine.
"Bakit 'di mo ako tinawagan o itinext man lang?" Nakanguso ko paring tanong.
"I lost my phone, sayang...ang mahal pa naman 'nun." Pumikit ito at humikab.
"Tsk. Bakit ka naman mukhang binugbog ng sampung kabayo?" Sarkastiko kong tanong.
"Don't mind me...nadapa lang." Kagat-labi nitong saad.
I raised one of my brow before smacking his shoulder again. He hissed in pain but didn't complain, instead he took my hands and put them on his hard chest.
"Baby...lakas t***k ng puso ko oh." Naglalambing niyang bulong.
"Talagang bibilis pa iyan kapag hindi mo sinagot ang tanong ko kung bakit para kang nabugbog ng sampung kabayo dahil sa account ko na idi-deposit an monthly pay mo."
Napamulagat agad ang inaantok niyang mga mata bago ngumuso at nagpapa-awang tumitig sa akin.
"Paano na ang future ng mga anak natin kapag hindi ko nadagdagan ang ipon ko?" He sighed, still pouting his swollen lips.
"Huwag mo akong dadaanin sa mga banat mo, sagutin mo na kasi ang tanong ko." Ungot ko.
Hinigpitan niya ang hawak sa dalawa kong kamay na nasa dibdib pa rin niya, nakanguso itong pumikit.
"Tutulog na nga lang ako. Ayaw mo naman ako i-hug, tapos kukunin mo pa ang sahod ko, paano na ako?" Aniya.
"Paano ka? Kahit naman hindi ka magkaroon ng sahod napupunta naman sa'yo lahat ng kita ng kompanya...huwag ako." I muttered.
"Hindi pa nga tayo mag-asawa, inaapi mo na agad ako. Bad Maria." He said, mas lalo pang humaba ang nguso habang nakakunot ang nuo.
"Bakit nga kasi? How come your face looks like a crushed tomato?" I teased.
"But I'm still handsome, don't I?" Sagot nito.
Malakas kong binawi ang dalawa kong kamay sa hawak niya at mabilis na tumayo. Namulsa ako sa harap niya.
Nanatili naman siyang naka-pikit at naka-nguso.
"Kapag hindi mo talaga sinagot ang tanong ko, aalis na ako at magre-resign." Nananakot kong saad.
Mabilis pa sa alas-kwatrong nagmulat ang kaniyang mga mata. "No! I mean...walang magre-resign. Sa akin ka lang."
Naubo ako sa huli niyang sinabi. Hindi ko alam kung double meaning ba ang sinabi niya.
"Hindi, maga-apply na lang ako sa ibang kompanya tapos hindi na magpapakita sa'yo." I said, chuckling.
He sighed. "Iiwan mo na ako? 'Di mo na ko love?"
Mas lumakas ang pagtawa ko. "Alam mo, para kang bata. Ganiyan ba ang epekto nang mabugbog ng sampung kabayo?"
"Tampo ako." Malungkot niyang saad
"Ano nga kasi?" Naiinis kong tanong, pero siyempre kunwari lang.
"Hug mo muna ako, tapos ki-kiss mo rin ako dahil may utang kang halik sa akin." Ungot nito bago hilahin ang kanan kong kamay dahilan ng pagbagsak ko sa katawan niya kasabay ng pag-igik niya sa sakit.
"Baby! Sakit...aww!" Daing nito habang naka-ukit ang sakit sa mukha.
I immediately stood up but he managed to make me stay still. "Hug mo na lang ako, mawawala din ito."
Sa sobra niyang kulit, wala na akong nagawa at yumakap na lang, I made sure na hindi siya naiipit, ipinalibot naman niya ang dalawang braso sa bewang ko.
Isinubsob ko ang mukha sa dibdib niya at doon pumikit.
I felt him relaxed and touched my waist gently. "Hug mo lang ang magpapawala sa sakit." He murmured.
I chuckled on his hard chest. "Talaga? Pero bakit ka nga maraming pasa?"
"Inaway kasi ako baby, tapos binugbog pa. Kiss mo na lang mga pasa ko." Sagot nito.
I gasped, binugbog daw siya?
"Sino ang umaway sa'yo?" I asked, still gasping.
"Wala. Mga tambay lang sa kanto, they even stole my phone kaya naman hindi ko naka-usap ang baby ko." Aniya.
I sighed. Inalis ko ang pagkaka-subsob ng mukha ko sa dibdib niya bago dinama ang dalawa niyang pisngi.
"Kawawa naman pala ang baby ko." I said, with a teasing smile.
"Yeah. Tapos, wala na rin akong nagawa nang bigla na lang nilang itinakbo ang kotse ko." Nakanguso nitong saad.
"Naisumbong mo na ba sa mga pulis? Kailangan nilang mahuli dahil baka mambiktima na naman sila ng iba." I uttered, touching his bruised cheek and his swollen lips.
"I was asleep for 24 hours baby, tapos ayaw ko namang malaman nila Mom na nabugbog ako, that's why I didn't told them what was really happened."
Naga-alala akong tumitig sa kaniya at hindi ko mapigilang dampian ng magaang halik ang namamaga niyang labi.
"Pero kailangan nating mag-report sa mga awtoridad." I insisted.
"Wow! Bro, is this a live p**n? Am I in a wrong room?" Sabay kaming napabaling sa pinto nang bigla itong bumukas at pumasok ang isang matangkad at guwapong lalaki na naka-suot ng puting doctor's robe.
"W-what the hell, bro?" Lumuwag ang hawak ni Stanley sa bewang ko.
"Oh, hi there little doll!" Nakangiting baling sa akin ng gwapong doktor at hindi pinansin ang nanggagalaiting si Stanley.
Nag-iinit ang pisngi ko sa hiya at tinangkang umalis sa ibabaw ni Stanley pero muli niyang hinigpitan ang hawak sa bewang ko at isinubsob ako sa dibdib niya.
"You are really crazy, Lazaro!" He hissed. "Layas!"
"Wow? Ako pa ang pinalayas ni lover boy, gusto mo atang hindi malinisan iyang mga sugat at pasa mo." The man sarcastically laughed. "Gusto mo na atang mamatay, bahala ka, hindi mo na masisilayan ang isang dosena niyong magiging anak."
"Lazaro!" He angrily spatted. "You a-hole!"