Sandro’s POV “Tol! Nakita mo na ba ‘to?” Boses kaagad ni Gild ang narinig ko habang nakahiga ako rito sa ilalim ng isang sasakyan. “Ang alin ba? Abala ako rito, Gild, pwedeng bang mamaya na ‘yan?” Kunot-noo kong sambit habang patuloy parin sa aking ginagawa. I was bored inside the office so I decided to fix these machines on my own. Ang dami naming kliyente sa linggong ‘to kaya mas mabuti na ring tumulong ako rito at kumilos-kilos sa loob ng shop. Next week, I’m going to Laguna to check my first branch and visit my own mother. Hindi kasi ako nakadalo sa kanya noong linggo dahil naging mas abala ako, hindi ko tuloy nakasabay sina Ate Sasha at ang asawa niyang si Kuya Denver na bisitahin si Nanay. “Ngayon ko lang kasi ‘to nakita kaya gusto kong makita mo rin ‘to!” Bakas ang gulat sa b

