Nang magising ako ay napansin kong nakababa na ang kurtina ng kwarto ko napatayo ako at napansing wala si mama lumapit ako sa bintana at binuksan ang kurtina madilim na.
" gabi na pala " tanging nasabi ko sa pagsilip ko sa bintana.
Maya-maya pa'y nakarinig ako ng kaunting ingay mula sa pinto tunog na para bang may nagbukas ng pinto kaya agad ko itong nilingon at napansing nakauwang ng kaunti ang pinto. Lumapit ako dito para tingnan kung sino ang nag bukas nito.
" Ma? " tawag ko nagbabakasakaling si mama lang ito.
" Ma? andyan kaba? " muli kong tanong habang lumalapit sa pinto.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto sabay sumilip sa labas ng pinto nakita ko ang isang pigura ng lalaking nakasumbrero na paliko sa isang hallway malapit sa kwarto ko.
Dahil sa kuryosidad sa kung sino ang lalaking ito ay unti-unti akong lumabas ng kwarto at nagsimulang maglakad sa direksyong pinuntahan ng lalaki. I need to know who's this guy.
Sa pagliko ko ay naabutan ko pa itong naglalakad sa haba ng pasilyo ng hospital binibilisan nito ang paglalakad pero kalma lang habang ako naman ay halos takbuhin na ito.
" wait ! Hoy?! Sino ka?! " sigaw ko sa lalaking sinusundan ko pero hindi ito nagabalang lingunin ako.
" hoy! who are youuu?! " sigaw ko muli sa pagitan naming dalawa
Ayaw mo Tagalog ha sige English nalang!
napahinto naman ito at lumingon ng kaunti akala ko ay sasagot ito pero muli bigla itong lumiko dahilan para maginit ang ulo ko because of the rudeness of this guy.
Agad din akong sumunod sa dinaanan nito ng paliko nako ay nagulat ako sa susunod na nangyare.
" ay butike ka! " gulat kong sigaw ng makasalubong ko si Mama gulat din itong nakatingin saakin.
" nasa labas ka nanaman?! ikaw babae ka talagaa " pabulong na saad ni mama na para bang pinipigilang magingay.
" a-aray ko ma! " sigaw ko ng bigla ko nalang maramdaman muli ang mga kuko ni mama sa balat ko .
" wag kang maingay natutulog na ung ibang pasyente tapos ikaw andito tumatakbo nagiingay ha? di mo ba alam na pasado alas-dose na ha? may pa butike butike kapang nalaman jan ha dali balik sa kwarto! " agad akong hinawakan nito sa braso para hilahin pabalik sa kwarto ko.
Nauna ng maglakad si mama habang pabulong na akong kinukulam ng mga salita niya muli kong nilingon ang lugar kung saan ko sana susundan ang lalaki pero wala na ito malinis ang pasilyo walang kahit ano, walang kahit sino.
3 Days later
Sa wakas matapos ang isang taon at apat na araw sa hospital na ito ay makakalabas nadin ako.Patapos nako magayos ng mga damit ko sa bag na gagamitin ko ng dumating si mama.
" ano oka naba yang gamit mo? " tanong nito.
" yap tapos na ok na ba mga bills ma? " tanong ko.
" oo anak tapos na buti nalang eh binigyan ako ng tito mo para dagdag tulong daw sa bills mo at dahil sa excited nadin silang makita ka " nakangiti nitong saad saakin.
I miss this my mother's genuine smile, her smile of relief. Thank God at nagising na ako hindi na magiisip pa si mama bukod nalang sa pagiging pasaway kong anak hahahah.
"oh anong nginingiti-ngiti mo jan ha?" tanong ni mama.
Agad naman akong lumapit dito at agad na yumakap.
" ok kalang ba ha clio? " nagtatakang tanong nito.
" i really missed you ma...thankyou for your sacrifices " sabay mahigpit ko itong yinakap hindi naman ako nabigo dahil yumakap ito pabalik saakin.
Sa buong mundo ang tanging totoo lang saiyo ay ang inyong ina. Sila lang ang totoo mong kaibigan, kahit napakapasaway mo ,kahit minsan nakakalimutan mo ng nasasaktan mo na sila kahit ayawan ka ng mundo andiyan sila para saiyo.
They will always be right there if you need them. That's what mother's role in life to be with you no matter what.
Bago kami lumabas ng kwarto ay sinigurado muna naming nakuha na namin ang lahat ng gamit namin at malinis na ang buong kwarto.
" bye bye kwarto hindi kita mmimiss charot " paalam ko sa kwartong nakasama ko sa loob ng isang taon.
" hoy babae sino namang kinakausap mo jan aber? " tanong ni mama na ngayon ay nagaantay sa labas ng pinto.
" nagpapaalam lang ako sa kwarto ko ma " saad ko kay mama habang nakanguso.
" Siraulo! halika na nga " grabe talaga po si mama parang hindi ako iniyakan charot HAHAHAHHAHAHA .
Lumabas na kami ng kwarto at nagsimula ng maglakad palabas ng hospital. Bago kami makalabas ng hospital ay maraming Nurse at Magulang ang nagpaalam samin naalala ko tuloy ung sinabi sakin nung isang Nurse.
" hays paano bayan Clio lalabas ka na pala ng hospital hindi ka na mabibisita ni puppy niyan " nakangiting saad nito. Nagtataka ko itong tiningnan puppy ? sino naman yon? Aso?
" p-puppy ? ahh sino po iyon ate ? " tanong ko.
" bukod kasi sa mama mo e madalas din siya kung dumalaw sayo dito nung nasa coma ka pa " saad nito.
" pero alam mo nagsesneak lang un pag wala mama mo ewan ko ba takot ata sa mama mo yon hahahhah bago kasi siya pumasok dito sa kwarto mo eh tinatanong muna niya saakin kung andito ba ang mama mo " nagtaka naman ako kung sino itong puppy ? hindi ko talaga maalala kung may kilala akong puppy na takot kay mama.
" ewan ko ba don takot sa mama mo " natatawa nitong dugtong.
Sino naman kaya yon?
takot kay Mama?
Bakit naman siya matatakot kay mama?
sa pagiisip ko hindi ko napansin na nauna na pala si mama na makalabas ng hospital hindi manlang ako inantay jusme talaga tong si mama eh.
" Clioo! " rinig kong sigaw ni mama ng makalabas ako sa entrance ng hospital .
Nang tingnan ko kung nasaan ito ay nakita ko itong nakatayo sa tabi ng isang itim na Van.
Kumakaway ito at sumesenyas na pumunta ako sa kung nasaan siya. Nagulat ako dahil sa Van kami sasakay omayghad ma sabi ko na e mahal na mahal moko huhu.
Habang dahandahan akong bumababa ng hagdan ay hindi ko mapigilang maiyak dahil sa naiisip ko kung saan kinuha ni mama ang pangbayad sa van nato na sobrang dami na nh nagastos namin sa hospital bills ko pero nagawa pa din nitong magrenta ng van para saakin huhu ma iloveyou so much maaa.
Napahinto ako ng magsimula na si mamang maglakad palayo sa Van teka san pupunta to? muli itong lumingon sakin habang sumesenyas na lumapit ako sakanya hindi ko maialis ang tingin habang untiunti kong nalalagpasan ang van. sa likod pala ng van ay may isang taxi kung saan legit kaming sasakay.
" d-dito tayo sa-sakay ma? " tanong ko
" oo pero kung ayaw mo pwede ka naman atang lumipad, kita kits nalang sa bahay kung m
Naalala mo pa bahay natin? " pamimilosopo ni mama.
" akala ko " saad ko habang nakaturo ang daliri sa itim na van na kanina lang ay pinagpapantasyahan ko.
" anong akala mo sa Van nayan tayo sasakay?ay jusme anak halos maghirap na tayo nung nacoma ka tas mangangarap kapang may pambayad tayo sa van? " saad ni mama.
" hala dali pasok sa taxi ng makalarga na tayo dali ! " sigaw nito sabay pasok sa taxi. Heto nan ako pumasok sa taxi ng mukang natalo sa lotto.
Nagising ako dahil sa tapik ni mamang walang bukas alam niyo yung kalabit na sagad hanggang buto? ganon siya bwie ganorn!
" arrgghh aray ko naman ma grabe mangalabit ha! walang bukas ma? " daing ko ng gisingin ako nito.
Hindi naman ako pinansin nito at nagsimula ng ilabas ang mga gamit namin sa compartment ng sasakyan.
Sa nakalipas na tatlong araw sa loob ng hospital ay nilaan ko ito sa paghahanap ng mga bagay na pwedeng magpabalik ng alaala ko kahit kaunti lang . Sinabi na ni mama na im turning 25 this October. Im graduated as a BSED major in English at nakapasa daw ako sa Exam for Teachers pero syempre sa kamalas malasan eh nacoma ako.
" eh bat ba ko nacoma ma? anyare ba??? " tanong ko dito
Dahil ito talaga ang pinakagumugulo sa utak ko kung pano bako nacoma? .matagal ako nitong tinitigan at para bang inaalala ang mapait na nakaraan.
" nacoma ka anak kasi... "
" kasi? "
" kasi bobo ka " napanganga ako dahil sa sinabi ni mama. Nanay ko ba talaga to?
" seryoso ma? "
" oo anak ang bobo mo kasi dumaan ka ba naman sa napakalaking kalsada ng hindi tumitingin sa traffic lights no? " pambabara ni mama.
" sige nga sabihin mo sakin paanong hindi ka macocoma e sa highway ka tumawid? diba ang bobo " dugtong ni mama sabay muling ibinalik ang tingin sa mga papel na hawak niya.
Natigil ako sa pagbabalik ng usapan namin ni mama sa hospital ng bigla nakong tawagin nito.
" Clio! halika na! " tawag ni mama habang bitbit ang iba sa mga gamit namin.
Sinundan ko itong maglakad sa gitna ng tahimik na kalsada anong oras naba?
bakit parang walang mga nagsisilabasan?
hindi ba uso chismisan dito? kasi kung oo ayos yon .