Rhein's POINT OF VIEW Nakapasok ba ako sa pre-concious state ni Shawn? Bakit ang dilim dito? Napaluhod ako at napakapa sa aking dibdib. Ang nipis ng hangin dito ang hirap huminga. No. This isn't Shawn's. Pinilit ko tumayo at humakbang pa. Maraming mga Soul torch ang nagliliparan sa aking paligid. Nawalan ako ng malay sa aking pisikal na katawan dahil sinubukan ko pumasok sa pre-concious state ni Shawn. Isa itong klase luminous and spiritual technique na tinatawag na pre-concious melding. Kaninong pre-concious ang napasok ko? Lumingon ako sa kaliwa narinig ko ang isang babaeng malungkot na humuhuni. Sumilay ang liwanag sa mukha ko. Huminto ako isang metro malayo sa isang torch soul. Ang kaluluwa ng katawan na ito. Ang core soul. Maitim, at may black slime na nakadikit sa kaluluwa niya

