Rhein's Point of View. Humampas ang malakas na hangin ng ako'y bumalik sa current timeline ko. Huminga muna ako ng malalim bago ko tignan si Kairo- napatakip ako ng bibig gamit ang aking isang kamay nang mapansin kong tumaas at baba ang dibdib ni Kairo. He's breathing again. Sa sobrang tuwa ko inipit ko ang mukha niya gamit ang dalawang kamay ko. "Aray." Bulong niya. "Sorry." Sabi ko sabay yakap sa kan'ya. "Lakas mo mang trip akala ko." Sinubukan ko pigilan ang mga luha ko. "Akala ko patay ka na..." dagdag ko. He chuckled. "Hindi ako tumawid sa tarangkahan dahil ang iingay niyo, at may kung anong mainit na tumulo sa pisngi ko na sa tingin ko nag pagaling sa akin." "Sipon 'yun ni Lenard." Pagbibiro ko. Mabilis niya pinahid ang pisngi niya. Natawa ako pero ngayon ko lang nalaman na may

