Pinatuloy niya kami sa tahanan niya. Dikit ng dikit pa rin si Lola kay Kairo. Natatawa na lang ako sa mukha ni Kai parang sobrang uncomfortable niya. Tiis tiis lang insan makakaalis din tayo dito. Mag-isa lang si Lola dito, andoon kapitolyo ang mga apo niya para mgatrabaho. Naikwento ni Lola Matilda ang tungkol sa pagpasa ni Jeter sa trono niya. Nagkaroon ng alitan sina Jeter at Gino noon. Na humantong sa isang taong digmaan laban sa Terbius Kingdom at Fuegos Empire. Marami daw namatay sa kampo ni Jeter dahil sa digmaan naniyon, kaya nagkaroon ng rebulusyon na ipatalsik si Jeter sa trono at ipalit ang kapatid niya. Naalala ko na... Iyon ang panahon na nag punta ako sa Spirit Realm para harapin ang kapatid ko. Sina Aira at Azul din noon ay nagkaroon din ng alitan tungkol sa territory kulan

