Third Person's POV "Ba't ang tagal nila mag-usap? Excited na ako pumasok sa border eh." Reklamo ni Xinuo. Habang sina Ruko at Dinglee ay tahimik na naka-antabay di kalayuan sa kinaroroonan ng Prime Minister. "Magandang araw sa'yo, Ginoong Lenno." Masiglang bati ni Quanglo kay Lenno. Kasunod ni Lenno ang limang division chief ng magui knights at mga tribe heneral. "Magandang araw din sa'yo Punong ministro Quanglo, kinalulungkot ko ibalita sa inyo na hindi na matutuloy ang treaty ng dalawang kaharian." Seryosong balita ni Lenno sa kanya. Bumakas ang pagkainis sa mukha ni Quanglo. Hindi siya makakapayag na hindi matuloy ang napagkasunduang treaty. Dinaan ni Quanglo sa tawa ang narinig niya. "Hindi maari iyon, magagalit si Haring Nesferatu kapag umatras kayo sa napagkasunduan natin." N

