Luciana's POV "Lahat ng gusto niyo ay gagawin ko Lady Luciana." Bulong ni Dinglee habang hinahalikan ang maganda at makinis kong paa. Ang sarap tadyakan ng pangit na ito, pero kailangan ko magtimpi dahil magagamit ko siya para matapos ang babaeng sumasagabal sa relasyon namin ni Frince. "Sabihin mo pa lahat ng nalalaman mo noong sinundan mo sila." Sabi ko. "Ah. My Lady kasalukuyan pala nilang hinahanap at kinokolekta ang mga gems." "Gems? Did you mean relic gems ng hari ng Parados?" Mabilis na tumango-tango ang tapat at obsess ko na alipin. Si Dinglee ang leader ng isang organization ng mga half-servetor sa Sirius Kingdom. Malaki ang tyansa ko na matatapos nila ang buhay ng babaeng iyon at ng mga kaibigan niya. "Pwes kunin mo muna ang mga gems na iyon pagkatapos ay tapusin mo na si

