[S2] Chapter 63

2222 Words

Tatlong araw din ang binyahe namin patungo sa Norte at sa wakas nakarating na rin kami. Sa lugar na ito naghahari ang mga Zaepis gusto ko makita at makausap ng personal ang Panginoon nilang si Dorio. Siya ang kinatatakutan na nilalang sa Origin. "Nauuhaw ako," naglupasay na sa lupa ang isang lalaking buto't-balat, sa kanyang likuran may bitbit siyang mga pang-gatong. Hindi ako nag dalawang isip na lumapit sa kaniya. Kinuha ko ang sisidlan ng tubig ko at pina-inom ko ito sa kanya. "Salamat hija. Isa kang hulog ng langit," Hindi pa namin nalalakbay ni Nemesis ang buong Origon ngunit laganap na ang tag-gutom at hawaan ng sakit sa bawat bayan na aming napupuntahan. Napatingala ang matanda sa kalangitan. "Sabi ng isang ginoo may isang lugar kung saan payapa ang lahat," bulalas niya.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD