Third Person's Point of View Kasing nipis na lang ng sinulid ang pasensya ni Dorio para kay Luciana. Umiiyak na inalog-alog ni Luciana ang kasuotan ni Dorio. Tinadyakan siya nito ngunit pilit pa rin itong gumagapang at kumakapit sa kanya. "Ibalik mo si Frince! Ibalik mo siya!" May kasamang hiyaw na pagmamakaawa ni Luciana. Hindi na kasi gumagana ang suot niyang pendant. Yumuko si Dorio at hinablot ang pendant nito. Nadurog ang puso ni Luciana nang masaksihan niya ng harap-harapan ang pagdurog ni Dorio sa pendant. Ang tanging bagay na komokontrol kay Frince. "Kapag hindi ka pa tumigil d'yan papatayin talaga kita." Tinadyakan niya uli si Luciana. Humahagulgol sa sahig si Luciana habang tumatalima si Dorio. "Ikaw ba ang kaliwang kamay ni Nemesis?" Matigas na tanong ni Dorio kay Helmena.

