Nemesis Iyon ang pinangalan ko sa aking supladong familiar. Nemesis means enemy. Malaki yata ang nagawang kasalanan ko para ipagkaloob sa akin ng mga deities ang katulad niya. Nakapamewang ako nakatingala. Natutulog na naman kasi si Nemesis sa itaas ng puno. Nilikha siya upang maging gabay ko sa aking journey para maging ganap na deity ngunit bakit pakupad-kupad ang isang ito? Labing limang taon na kaming nagsasama. Ganoon pa rin ang turing namin sa isa't-isa parang aso't-puso. Araw-araw na lang may digmaan sa pagitan namin. Kapag napikon siya kinakagat niya ang daliri ko. Possible kayang nag kamali lang si Mama Raava sa sinabi niya'ng si Nemesis ay itinakda para sa akin? I shook my head. No. Kahit kailan hindi nagkakamali ang isang deity na katulad ni Mama Raava. "Bumaba ka

