Calesta's POV I was out this whole time. Naikwento ni Hailey sa akin ang nangyari. Sa pagkasawi ni Ronald si Gino ang nangulo sa paglikas sa mga alipin at sa mga kasamahan namin. I'm glad Gino found his father. "May nangyari bang masama habang wala akong malay?" tanong ko kay Nemesis. Kapansin-pansin na malalim ang iniisip niya. "Nothing." "Bakit ang tahimik mo?" Gumilid muna siya ng tingin. "Wala, gutom ka na?" "Medyo, bakit pala nawalan ako bigla ng malay?" "You don't recall a thing?" I quickly shook my head. Huling naalala ko ay tumatakbo ako patungo doon sa pinagmulan ng pag sabog and then I remember nothing after that. "Mas mainam pa na hindi mo malaman." "Aish! Ang hirap mo kausap ngayon." reklamo ko. "We have already found the fourth future king, the one selected by the D

