Chapter 11

1630 Words
Imperial Construction Company Papunta si Ade sa opisina ng kanyang papa ng marinig niya ang galit na tinig ni Carmen. " Haliparot ka!" galit na wika ni Carmen sabay sampal kay Marga. " Carmen! Anong problema mo?" tanung ni Ade dito na nilapitan ang secretary ng kanyang papa. " Tanungin mo yang malandi na yan!" galit na wika ni Carmen. " Hindi naman po totoo ang binibintang niya sakin. Inayos ko lang po ang necktie ni Sir -" naluluhang paliwanag ni Marga. " Sinungaling! Nakita ko kung pano mo landiin si Menandro. Hoy, babae! Kapag alam mong pagmamay-ari na ng iba lumayo-layo ka na!" " Carmen! Hindi ka ba nahihiya sa ginagawa mo? Dito ka pa talaga nag eskandalo? At saka pwede ba parang anak na ni papa si Marga," ani Ade. " Ah talaga ba? Pero hindi yun ang nakikita ko," " Sadyang madumi lang yang utak mo, Carmen. Siguro dahil gawain mo," ani Ade. " Aba't-! Alam ko ang mga galawan ng mga mang aagaw at malalandi. Ano ba ang alam mo?" galit na baling ni Carmen sa gawi ni Ade. " Hindi kasi ako katulad mong madumi ang utak. Bakit ka ba nagagalit kung may lumandi sa papa? Takot ka na baka palitan ka niya?" malumanay na tanung ni Ade. " Mahal ako ni Menandro," " Yun naman pala, bakit parang natatakot ka? Ano kaya ang sasabihin ni papa kapag nalaman niyang nag eskandalo ka dito?" mapang asar na wika ni Ade. Natahimik naman si Carmen lalo ng tumingin siya sa paligid at nakatingin ang ilang empleyado. " Sige na Marga. Bumalik ka na sa pwesto mo." ani Ade na tiningnan si Carmen. " Wala kang karapatan na manakit ng empleyado dahil hindi ka naman parte ng kompanya. Kabit ka lang," mahinang wika ni Ade ng ilapit niya dito ang mukha. Naikuyom naman ni Carmen ang kamao ng marinig ang pang iinsulto ni Ade. Mabuti na lang walang ibang nakarinig. 'tingnan ko lang kung makapag yabang ka pa kapag naikasal na kami ng papa mo' Nasa loob na ng opisina si Carmen ng dumating si Cristel. " Mama, ano bang ginawa mo? Bakit naman nag eskandalo ka?" tanung ni Cristel dito ng maabotan ng umiinom ito ng juice. " Hindi ko napigilan ang inis ko sa Marga na yan." " Parang hindi ka nag iisip sa ginagawa mo-" " Hoy, Cristel wag mo akong pagsalitaan ng kung ano anu," " At bakit hindi? Ayaw mo ng bumalik sa dati nating buhay pero tingnan mo ang ginagawa mo? Tingin mo ikakatuwa ni Tito Menandro ang ginawa mo?" mahinang wika ni Cristel. Napapikit naman si Carmen sa sinabi ng anak. " Hindi na mauulit." mahinang sambit ni Carmen ng mahimasmasan. Naiikot naman ni Cristel ang mata sa sinabi ng ina. Iniwan na niya ito ulit dahil may usapan silang mag lunch ni Ade at Jullie. Huminga ng malalim si Cristel bago kumatok sa pinto ng opisina ni Ade. " Hi!" nakangiting wika ni Cristel ng buksan ang pinto. Natigilan siya ng makitang may ilan itong kausap. " I'm sorry kung naistorbo ko kayo. Oras na ng lunch!" " Okay, team. Bukas na lang ulit tayo mag usap." ani Ade. Lumabas naman na ang mga kausap nito. " Oras na ng pagkain pero trabaho pa rin?" magiliw na wika ni Cristel. " May tinapos lang ako." ani Ade na kinuha ang bag at cellphone. Hindi naman nagtagal at umalis na din sila ni Cristel. Sa mall sila nagpunta at naroon na si Jullie nag hihintay sa kanila. Naka set na din ang table at grill dahil samygup ang lunch nila. " Ade, alam mo ba na ito ang unang beses na manlilibre itong si Cristel," wika ni Jullie. " Oy, grabe ka naman! Magkanu lang kasi ang sinasahod ko noon. Eh ngayun na medyo nakaka luwag luwag na kaya ako naman ang manlilibre." " Masarap pa naman kumain kapag libre," Patango tango lang si Ade habang tipid na ngumingiti. " Nabalitaan mo ba ang ginawa ng mama mo?" tanung ni Ade. " Oo. Pinag sabihan ko na siya," sagot ni Cristel. " Bakit anong ginawa ni Tita Carmen?" tanung ni Jullie. " Inaway niya ang secretary ni Tito Menandro. Pinag selosan." sagot ni Cristel. " Pero hindi ko naman masisisi si mama. Mahal na mahal niya si Tito Menandro kaya kapag may lumandi dito talagang makikipag away yun." " Pero wala siyang dapat na ipagselos dahil parang anak na lang ni papa si Marga," sagot ni Ade. " Ikaw ba, Ade. Kapag nakita mong may lumalandi kay George anu ang gagawin mo?" tanung ni Cristel. Natigilan at napatingin si Ade sa tanung nito. " Wala. Dahil kampante ako na hindi niya ako lolokohin kahit sino pa ang lumandi sa kanya," sagot ni Ade. Nagpatango tango naman si Cristel.'yun ang akala mo, Ade.' " May mga lalaki talagang loyal, sana makahanap din ako," wika ni Jullie. " Paano ka makakahanap kung ganyan kakapal lagi ang make up mo?" natatawang wika ni Cristel dito. " Bakit? Maganda naman di ba, Ade?" Nag kibit balikat na lang si Ade bilang sagot dito. Sadya sigurong makapal ito maglagay ng make up. Masaya naman ang naging lunch nilang tatlo. Tulad nga ng pinangako ni Cristel ito ang nagbayad ng kinain nila. Nag abot ito ng credit card sa babaeng nagbigay ng bill nila. 'may gold card agad siya? kailan lang naman siya nagtrabaho sa kompanya,' ani Ade sa sarili. At hindi lang basta ordinaryong credit card. Gold card na tanging mayayaman lang ang meron. 'paanong ang isang empleyado magkakaroon ng gold card,' " Ay sosyal! Naka gold card na ang friend ko. Galante ang boyfriend," kantiyaw ni Jullie dito. Tahimik lang na nakamasid si Ade sa mga ito. Alam niyang may kapalit ang pagkakaroon nito ng gold card at mukhang alam na niya kung ano. Imperial mansion Pababa sana si Ade para kumuha ng juice ng marinig niya ang pagtatalo sa loob ng study room ng papa niya ng dumaan siya. Hindi nakalapat ang pinto sa pagkakasara kaya naman huminto siya sa tapat. " Bakit hindi pwedeng tanggalin ang Marga na yun?" tanung ni Carmen. " Dahil isa si Marga sa pinagkakatiwalaang empleyado ng kompanya." wika ni Ade na biglang binuksan ang pinto ng study room. " Gustong mag resign ni Marga pero pinigilan ko," " Yun naman pala bakit mo pinigilan?" tanung ni Carmen. 'para lalo kang ma-imbiyerna' " Matagal na siya sa trabaho niya at hindi naman valid na basta na lang siyang aalis ng dahil lang sa selos mo," nakahalukipkip at kampanteng wika ni Ade. " O sige. Mananatili si Marga bilang secretary mo, ako naman ang magiging personal assistant mo," ani Carmen. Napailing na lang si Ade dahil mukhang gustong gusto talaga nitong makapasok sa kompanya. " Okay. Para matahimik ka at hindi ka nag iisip ng kung ano-ano you can be my personal assistant," wika na lamang ni Menandro. " Papa, ano naman ang alam ng babaeng yan?" natatawang wika ni Ade dahil hindi niya akalain na papayag ang papa nya. " Don't underestimate me, Ade. Kahit naman paano nagtrabaho ako para mabuhay ko si Cristel." seryosong wika ni Carmen. " Tama na ang pag uusap na to at baka kung saan pa mapunta. Final na ang desisyon ko." ani Menandro. Napapailing at inirapan na lang ni Ade ang nakangiting si Carmen bago iniwan ang mga to. 'gagawin talaga lahat ng babaeng to para makapasok sa kompanya,' at mukhang nagtagumpay ito. Ipinasya na lang ni Ade na magpahangin sa Garden. Malamig na ang simoy ng hangin dahil papasok na ang buwan ng december. Birthmonth din iyon ni George and by January preparation ng wedding nila. And by February ikakasal sila. Nakaramdam ng excitement si Ade sa isiping yun. Natanaw ni Ade na parating ang kotse ni Cristel. " Hello. Oo, kakarating ko lang. Thank you sa pagpapaayos ng kotse ko." ani Cristel. " Magkita na lang tayo sa condo. Bye." " Madalas yata ang date mo?" " Ay kabayo! Ade! Nakakagulat ka naman. Kanina ka pa ba dyan?" gulat na tanung ni Cristel na napahawak sa dibdib. " Hindi naman. Nagulat ba kita?," " Bigla kang sumusulpot," " Buti naman at naayos na," " Oo nga eh. Bakit gising ka pa?" tanung ni Cristel. " I can't sleep, tinatawagan ko si George pero hindi ko siya makontak," ani Ade. " Baka naman busy," wika ni Cristel na nag-iwas ng tingin. " Baka nga," kibit balikat na wika ni Ade. Humakbang papasok si Cristel at nilampasan si Ade. Natigilan si Ade ng malanghap ang pabango nito. Agad niya itong nilingon, napansin niya ang damit nitong suot. " Cristel," tawag niya dito. " Bakit?" " Wala. Never mind." ani Ade na tumalikod dito. " Okay. Goodnight." Nasundan na lamang ito ni Ade ng tingin. Ang pabangong nalanghap ni Ade ay pareho ng gamit na pabango ni George. At ang t-shirt nito na suot ay paboritong kulay ng nobyo, grass green. 'don't be paranoid, Ade. Marahil nagkataon lang na yun din ang gamit ng boyfriend ni Cristel. At ang damit hindi lang namang iisa ang ganoong damit,' kumbinsi ni Ade sa sarili. Pero may isang bahagi ng pagkatao niya na hindi maniwala. Nandoon ang pagdududa kung talaga bang nagkataon lang ang lahat. Hangga't maaari ayaw niyang pagdudahan ang nobyo pero hindi niya mapigilan. Ang kabog ng dibdib niya ay kakaiba, para siyang sinasakal na hindi niya maintindihan. Nanlalamig ang kamay niya pero marahil dala lamang ng malamig na hangin. Kaya naman ipinasya na lamang ni Ade na umakyat sa kwarto niya. Kailangang mawala ang pagdududa sa isip niya at ang pakiramdam na hindi komportable. Isang desisyon ang napagpasyahan niya. 'hindi naman siguro masama na alamin ko. Kung mali man ang kutob ko matatahimik naman ang isip ko at nagkataon lang talaga ang lahat.'
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD