Chapter 15

1177 Words
JETT “Pambihira! Isa ka na palang negosyante, Jett. Akala ko maliit na shop lang ‘to, pero mukhang bibigatin din, ano?” nasisiyahang sabi ni Callisto. Ang malaki niyang boses ay umaalingawngaw sa buong lugar. Kahit kailan ay hindi ko nagustuhan ang paraan niya ng pagsasalita, ang bawat tono na binibigkas niya dahil puno iyon ng kayabangan o ‘di naman kaya'y pagiging sarkastiko. Kung kaya't hindi ko alam kung talaga bang natutuwa siya sa papuring iyon sa akin. Lihim kong naiyukom ang dalawa kong kamao upang humugot ng lakas ng loob. Binura ko ang aking emosyon. He's a stranger to me now no matter what. “Anong kailangan mo't sinadya mo pa ako sa aming shop, Sir?” “Oh,” tinaasan niya ako ng isang kilay, kasabay no'n ay tumaas ang sulok ng labi niya. “Would you look at that?” Napaigtad ako sa kinatatayuan subalit hindi na ako umatras pa nang ilang hakbang siyang lumapit sa akin. Halos limang pulgada na lamang ang layo namin sa isa't-isa. Walang takot ko siyang tiningala. Matagal kaming nagtitigan dalawa. Nakita ko ang paraan ng pagtalim ng kanyang mga mata, hinihintay akong manginig sa harapan niya katulad noon. Subalit hindi ko ginawa. Hindi ko hinayaang magtagumpay siya sa gustong gawin. Binato ko siya ng masasamang titig. “Limang taon na ang nakaraan, pero mukhang hindi ka parin nagbabago, Callisto.” napaasik ako. “Oh?” mukhang hindi pa siya makapaniwalang nabigo siya sa pagpukaw ng kahinaan ko. “Anjettie Rose, ikaw na ba talaga iyan? Hahahaha!” insensitibo siyang humalakhak. Nagulat ako nang biglaan niya akong yakapin na animo napakalapit namin sa isa't-isa! “Long time no see, ex-sister-in-law!” hinagod niya ang likod ko. Subalit sa kabila ng simpleng gestura niyang iyon, naramdaman ko ang kamay niyang tinunton ang back strap ng aking bra sa aking likod saka iyon hinawakan at inunat dahilan upang sumikip ang aking dibdib! Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Mabilis ko siyang tinulak, at bago ko pa mamalayan ang bugso ng aking damdamin ay malakas ko na siyang sinampal. Ang latik ng palad ko na tumama sa pisngi niya ay umalingawngaw sa ere sa sobrang lakas. Narinig ko ang nagugulat na hiyawan at pagsinghap ng mga hangin ng aking mga emplayado sa mabilis na nangyari. Naramdaman ko rin ang paghapdi ng palad ko subalit hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin. Ganoon na lang paglukot ng aking mukha, nanlilisik na tumitig sa kanyang nakatagilid na mukha. “Lumayas ka rito!!! Kahit kailan wala kang pinagbago!! Bastos ka parin Callisto!!” buong lakas ko iyong sinigaw, wala halos pakialam sa mga mata ng iba. Pakiramdam ko'y umangat lamang ng dugo ko sa aking ulo dahil sa ginawa niya! Bigla ay bumalik sa alaala ko ang mas higit pang ginawa niyang pambabastos sa akin noon! Nagugulat siyang napayuko sa akin, pinilit na matawa ng naiilang. “Chill, Jett. Niyakap lang naman kita dahil natutuwa akong makita ka ulit. Bakit galit na galit ka? Sorry kung nabastos kita sa tingin mo. Kumalma ka lang!” Inaasahan niya ba na mananahimik lang ako tulad noon? Inaasahan niyang maninigas lang ako sa kinatatayuan, manlalambot at natatakot sa kanya? Matagal na akong wala sa kanilang pamilya, kaya bakit pa ako matatakot?! “Tatawag ako ng pulis kung hindi ka pa aalis dito!!” Nakita ko ang paglunok niya, napapahiyang umayos ng tayo. “J-Jett, sorry. Fine! Hindi na ulit kita yayakapin. Pero may rason kung bakit ako pumunta rito.” Pinapamukha pa niya sa lahat na nag-react ako dahil lang sa ‘simpleng pagyakap’ niya sa akin! Ito ang rason kung bakit hindi ako makapagsalita noon o makapagsumbong ng maayos. Dahil akala ko ilusyon ko lang ang pambabastos niya. Akala ko insidente lang o hindi niya sinasadya. Akala ko ako lang ang nagbibigay ng malisya sa tuwing hindi ako komportable sa paraan ng paghawak niya sa katawan ko! Dahil noon ay bayaw ko siya, at ayaw kong bigyan ng dungis ang relasyon naming dalawa para lang sa ikakapaya ng pananatili ko sa kanilang pamilya. “Wala akong pakialam sa sasabihin mo, Callisto. Hindi ako interesado kaya umalis ka na.” pilit kong pinakalma ang aking sarili. “Pero hindi mo alam kung anong pinagdaanan ko mahanap ka lang! Tsk! Pakinggan mo muna ang sasabihin—” “Pinagdaanan mo mahanap lang ako? Bakit? Kailan ba ako nawala, ha? Parang may utang na loob pa ako sa’yo nang hindi ko nalalaman ah? Sinabi ko bang hanapin mo ako?” natatawa man ay nanggigigil kong pagtatanong. “Uulitin ko, wala akong pakialam sa sasabihin mo kaya gawan mo ako ng pabor at huwag na huwag ka nang bumalik dito!!” “Tungkol ito kay Carcel, Jett!” iritado niya pang anas. Naintriga ang aking pandinig at mas lalong tumalim ang mga mata kong nanlilisik na nakatitiga sa kanya. Nagtiim-bagang pa siya. “Kailangan kitang makausap tungkol sa kanya. May kailangan kang malaman. After all, kasalanan mo naman kung bakit nangyari sa kanya ang nangyari noon, hindi ba? Baka nakakalimutan mong may atraso ka pa sa pamilya namin dahil lang maganda na ang buhay mo ngayon!?” Sunod-sunod akong lumunok ng laway. Nanginginig sa sobrang pagkakakuyom ang mga kamao ko. “Wala akong kasalanan at mas lalong wala akong atraso sa inyo. Dahil kung meron man, sige, bakit hindi pa ako nakukulong ngayon? Kahit ilang beses niyo akong kasuhan, hindi ba't binabasura lang ng pulisya dahil klarong-klaro ang tunay na nangyari?” Nagpakawala siya ng mabigat na hininga. “Pero sana man lang nakokonsensya ka!” “Ah?” sarkastiko akong napausal ng tawa. “Gusto niyo talagang maging miserable parin ako, ano? Alam niyo, kung anuman ang nangyari, baka karma niyo na ‘yon! Naisip niyo man lang ba na baka pinaparusahan na kayo dahil sa dilim ng mga pagkatao niyo?!” “Jett—” “Umalis ka na rito, Callisto.” nanggigigil ko pang anas sa pagka-ubos ng pasensya. “Pero si Carcel—” “Matagal na kaming hiwalay kaya puwede ba?!!” Tumunog bigla ang babasaging pintuan ng aming shop, at iniluwa niyon si Hugo. Malamig ang mukha niyang dere-deretsong naglakad, kinuwelyuhan si Callisto at malakas na tinapon sa sahig! “Anong ginagawa ng isang miyembro ng Rossi sa lugar na ‘to?” malamig niyang pagtatanong, nakayuko kay Callisto sa sahig. Samantalang ang tauhan ni Callisto na batid kong ang may pangalan na ‘Shanlee’ ay nakakilos para itulak si Hugo. “Wala kami rito para manggulo.” “Pero iyon ang nakikita ko.” napaasik si Hugo. “Kung hindi pala gulo ang hanap niyo, edi sana hindi na kayo nagpunta dito.” “Sino ka naman, ha?” nalulukot ang mukha ni Callisto na tumayo at pinagpag ang kanyang coat. “Ikaw na ba ang bagong kinakasama ni Jett? Ha!” tiim-bagang siyang sumulyap sa akin. “Kung gano'n, sa tingin ko dapat nga hindi na talaga kami nagpunta rito.” “Talaga lang!” naiinis ko pang sigaw. “At ‘wag na ‘wag na kayong babalik!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD