CHAPTER 3

1589 Words
Walang iniwang bakas si Raven sa lobby ng hotel tahimik siyang naglakad palabas na tila walang nangyari, ngunit sa likod ng kanyang malamig na ekspresyon ay magulo ang kanyang isipan. Paglabas niya ng hotel ay agad niyang kinuha ang kanyang telepono at tinawagan ang isa sa kanyang mga tauhan. “Hello?” sagot mula sa kabilang linya. “May ipapagawa ako sa’yo. It’s urgent,” diretso niyang sabi. “Ano ‘yon, boss?” tugon ng lalaki. “I want you to access the CCTV footage in this hotel and delete it,” malamig niyang utos. “Burahin mo ang pagpasok at paglabas ko dito. As soon as possible.” Sandaling natahimik ang kabilang linya, ngunit hindi nagtagal ay sumagot ito. “Copy.” Ibinaba na ni Raven ang kanyang telepono. Sa kabilang linya naman ay si Chad—ang legendary hacker ng kanilang grupo—na agad nagsimulang gawin ang utos ng kanyang boss. Para kay Raven, kailangang walang makaalam na naroon siya kagabi. Ang gabing iyon ay isang pagkakamali… At mas mabuting manatili na lamang itong lihim. Pagkarating ni Raven sa kanilang mansion ay agad niyang napansin si Lando na nakatayo malapit sa entrada. Ngunit may isang bagay na agad nakakuha ng kanyang atensyon—ang pasa sa gilid ng mukha nito. “What happened to your face?” tanong niya habang nakakunot ang noo. Hindi agad sumagot si Lando. Sa halip ay yumuko lamang ito, tila ayaw magsalita. “Dahil sa’yo kaya siya nagkaroon niyan.” Napalingon si Raven sa pinanggalingan ng boses. Doon niya nakita ang kanyang ama na nakatayo pala sa entrada ng mansion, seryoso ang mukha at matalim ang tingin sa kanya. “What?” gulat na sabi ni Raven. “Ginulpi n’yo siya dahil sa akin?” Napabuntong-hininga siya habang pinipigilan ang galit. “Sumusobra na po yata kayo, Dad.” Agad na tumalim ang tingin ng kanyang ama. “Huwag mo akong pagsasalitaan ng ganyan, Raven,” malamig nitong sagot. “Saan ka nagpunta kagabi at inumaga ka na ng uwi?” Saglit na natahimik si Raven bago siya mapait na ngumiti. “Really, Dad? Iyan ang bungad ninyo sa akin?” Hindi niya napigilang mapailing. “Hindi na ako bata. Alam ko ang ginagawa ko.” Huminga siya nang malalim, pilit kinokontrol ang sarili. “Wag n’yo pong mamasamain kung aalis na ako. Gusto ko na pong magpahinga. Wala pa akong tulog.” Wala na siyang balak makipagtalo pa. Wala siya sa mood para makipagsagutan sa umaga pa lang. Ngunit bago pa siya tuluyang makalakad papasok ng mansion— “Abat, bastos kang bata ka!” malakas na sigaw ng kanyang ama. “Hindi pa tayo tapos mag-usap! Bumalik ka dito!” Huminto si Raven sa kanyang paglalakad ngunit hindi siya agad lumingon. Eksaktong sandali ring iyon ay may isa pang boses na narinig mula sa loob ng bahay. “Ano ba ‘yan, Miguel? Ang aga-aga ay nakasigaw ka na naman.” Lumabas ang kanyang ina mula sa loob ng mansion, halatang kagigising lamang. “Good morning, Mom,” mahinang bati ni Raven habang pilit na ngumiti. Napansin agad ng kanyang ina ang tensyon sa pagitan nilang mag-ama. “Ano na naman ba ang nangyayari dito?” tanong nito habang lumalapit. Agad na nagsalita ang kanyang ama. “Tanungin mo ang anak mo kung saan galing. Umuwi ng madaling-araw na parang wala lang!” Napabuntong-hininga ang kanyang ina bago tumingin kay Raven. “Raven, anak… saan ka ba nagpunta kagabi?” Sandaling natahimik ang dalaga. Pagod na siya. Pagod sa tanong. Pagod sa mga utos. Pagod sa buhay na hindi naman niya pinili. “Lumabas lang ako,” maikli niyang sagot. “Lumabas?” ulit ng kanyang ama. “Ganun lang? Alam mo kung gaano ka kahalaga sa pamilyang ito!” “Exactly,” mapait na sagot ni Raven habang tuluyang humarap sa ama. “I’m important to the family… but not to myself.” Sandaling natahimik ang buong entrada. Kahit ang kanyang ina ay hindi agad nakapagsalita. “Pagod na ako, Dad,” mahina ngunit matigas niyang sabi. “Hindi ko ginusto ang lahat ng ito. Pero ginagawa ko pa rin.” Saglit siyang tumingin kay Lando na nakayuko pa rin. “And next time… huwag n’yo nang pagbuntungan ng galit ang mga tauhan ninyo dahil sa akin.” Pagkatapos sabihin iyon ay tuluyan na siyang naglakad papasok sa mansion, iniwan ang kanyang mga magulang sa entrada. Sa likod ng kanyang malamig na anyo… May isang babaeng unti-unting napapagod sa mundong hindi naman niya pinili. Pagkapasok na pagkapasok ni Raven sa kanyang silid ay agad siyang dumiretso sa banyo. Pakiramdam niya ay mabigat ang kanyang katawan at isip, kaya gusto niyang kahit sandali ay mawala ang lahat ng iyon. Isa-isa niyang hinubad ang kanyang mga saplot bago pumasok sa ilalim ng shower. Hinayaan niyang dumaloy ang malamig na tubig sa kanyang katawan. Ipinikit niya ang kanyang mga mata habang nakasandal sa dingding ng banyo. Para bang gusto niyang hugasan ng tubig ang lahat—ang pagod, ang galit, at ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang pagka babae. Tahimik ang buong banyo habang patuloy na dumadaloy ang tubig. Ngunit kahit anong gawin niya, may isang alaala mula sa nagdaang gabi ang patuloy na bumabalik sa kanyang isip. Ang lalaking hindi niya man lang nakilala ang pangalan,pero ibinigay nya ang iniingatang puri. Samantala… Malayo sa mansion ng mga Montenegro, sa loob ng isang hotel room, biglang binulabog ng malakas na ring ng cellphone si Jace. Napakunot ang noo niya habang pilit na dumidilat ang kanyang mga mata. Nasa kama pa rin siya—at wala pa ring saplot sa katawan. Agad niyang inabot ang cellphone sa side table at sinagot ang tawag kahit hindi pa siya gaanong gising. “Hello…” paos niyang sagot. “Hey, Jace! Nasaan ka ba?” bungad agad ng kaibigan niyang si Troy mula sa kabilang linya. “Bakit hindi mo sinipot yung regalo namin sa’yo? Ang mahal ng binayad namin sa kanya!” “What the f**k?” gulat na sagot ni Jace habang napabangon sa kama. “Anong hindi sinipot ang sinasabi n’yo? Andito pa nga ako sa hotel!” Saglit na natahimik si Troy bago ito muling nagsalita. “Niloloko mo ba kami, bro? Kakausap lang namin sa babae. Andiyan pa rin siya. Wala ka daw.” Napakunot lalo ang noo ni Jace habang napakamot sa ulo. “Anong wala?” sabi niya habang tumingin sa paligid ng kwarto. “Nakahiga pa nga ako dito.” “Bro, nandiyan si Art. Wala ka daw sa room. Sinayang mo effort namin,” reklamo ni Troy. Doon tuluyang nawala ang antok ni Jace. “Ano?” gulat niyang sabi. Agad siyang napatingin sa paligid ng kwarto. hindi kaya Mali sya ng kwartong pinasok at. Hindi iyon ang kwartong sinabi sa kanya kagabi. Unti-unting bumalik sa isip niya ang mga nangyari kagabi—ang pagpasok niya sa kwarto, ang babaeng natutulog sa kama, at ang gabing halos hindi niya na maalala nang buo. “s**t…” mahina niyang bulong sa sarili habang napahawak sa ulo. Mukhang may malaking pagkakamali na nangyari kagabi. “Anong room number ang para sa’kin kagabi?” tanong ni Jace habang pilit na inaalala ang mga nangyari. Dali-dali siyang bumangon mula sa kama kahit kumikirot pa ang ulo niya dahil sa matinding hangover. Para bang may martilyong pumupukpok sa kanyang sentido. Habang kausap si Troy sa telepono ay mabilis siyang nagbihis. Inipit niya ang cellphone sa pagitan ng kanyang balikat at tenga habang nagsusuot ng pantalon. “Room 169. Bakit?” tanong ni Troy sa kabilang linya. Napahinto si Jace sandali. Mabilis siyang naglakad papunta sa pinto ng kwarto. Ramdam niya ang kaba habang dahan-dahan niyang binuksan ito at sumilip sa labas. Agad niyang hinanap ang numero na nakalagay sa gilid ng pinto. At doon niya nakita ang nakasulat na numero. 196 Nanlaki ang kanyang mga mata. “s**t…” mahina niyang bulong habang napahawak sa kanyang noo. “Bro? Ano’ng nangyayari diyan?” tanong ni Troy. “Bro…” sagot ni Jace habang napapailing. “Mali yata yung room na napasok ko kagabi.” “What?” gulat na sagot ni Troy mula sa kabilang linya. “Room 196 ‘to,” dagdag pa ni Jace habang muli niyang tinititigan ang numero sa pinto, tila umaasang nagkakamali lang siya ng basa. Ngunit hindi. Sigurado siyang hindi iyon ang kwartong para sa kanya. Unti-unting bumalik sa isip niya ang ilang malabong alaala mula kagabi—ang pagpasok niya sa madilim na kwarto, ang babaeng natutulog sa kama, at ang mga pangyayaring halos hindi na niya maalala nang buo dahil sa kalasingan. Napabuntong-hininga siya habang napahawak sa ulo. “Wait… ibig mong sabihin, ibang babae ang—” “Shut up, Troy,” agad na putol ni Jace bago pa nito matapos ang sasabihin. Ramdam niya ang bigat sa dibdib habang iniisip ang posibleng nangyari kagabi. Hindi niya kilala ang babaeng iyon. Hindi niya alam kung sino ito. At mas lalo niyang hindi alam kung paano niya haharapin ang nangyari. “Bro… may problema ka,” mahinang sabi ni Troy. Tahimik na napatingin si Jace sa loob ng kwartong pinanggalingan niya. Malinis na ang kama. Wala nang tao pero may konting bahid ng dugo birhen ito. ngunit Para bang walang nangyari dahil lumisan agad ito. Ngunit alam niyang mali iyon. Dahil kahit wala na ang babae… May pakiramdam siyang hindi simple ang gabing iyon. At hindi niya pa alam— na ang babaeng nagkamali siyang makasama kagabi ay si Raven Montenegro.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD