CHAPTER 1

1625 Words
Masama ang loob ni Raven Montenegro sa kanyang ama. Pilit siyang ipinapakasal nito sa anak ng matagal nitong kaibigan—isang lalaking ni minsan ay hindi niya pa nakikilala. Hindi nga niya naranasang magkaroon ng kasintahan, tapos asawa agad? Para bang isa lamang siyang kasunduan sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya. Sa sobrang sama ng loob, nagpasya siyang umalis ng mansyon. “Lando, ibigay mo sa akin ang susi ng sasakyan ko,” malamig ngunit mariing utos niya sa kanyang tauhan. Nag-alangan si Lando at bahagyang napakamot sa ulo. “Ngunit, Lady Raven… baka mapagalitan ako ng ama ninyo.” Nanlisik ang mga mata ni Raven habang matalim siyang tumitig dito. “Mamili ka, Lando,” malamig niyang sabi. “Galit ng ama ko… o galit ko?” Agad na natahimik ang lalaki. “Wag mo nang dagdagan ang init ng ulo ko, pwede ba?” dagdag pa niya, halatang pinipigilan ang galit na kanina pa kumukulo sa kanyang dibdib. Napabuntong-hininga si Lando bago ibinigay ang susi ng sasakyan. Ilang minuto lang ang lumipas, mabilis nang umaandar ang kotse ni Raven papunta sa isang sikat na bar sa lungsod. Kailangan niyang makalimot kahit sandali. Kailangan niyang ilabas ang galit at sama ng loob na kanina pa niya kinikimkim. Habang nagmamaneho si Raven sa madilim na kalsada ng lungsod, hindi pa rin humuhupa ang galit at sama ng loob na nararamdaman niya. Mahigpit ang hawak niya sa manibela habang pinipilit pakalmahin ang sarili. Kinuha niya ang kanyang telepono at agad na tinawagan ang isa sa mga taong pinagkakatiwalaan niya—si Kai. “Hello?” sagot nito mula sa kabilang linya. “Busy ka ba?” tanong ni Raven habang nakatutok pa rin ang mga mata sa kalsada. “Depende. Bakit?” sagot ni Kai. “Kung hindi, sumunod ka na lang sa bar na pupuntahan ko,” sabi niya sa malamig ngunit pagod na tinig. “Gusto ko lang magpakalasing ngayon.” Sandaling natahimik si Kai sa kabilang linya bago muling nagsalita. “Raven… anong nangyari?” “Mahabang kwento,” maikli niyang tugon. “Basta pumunta ka na lang.” Pagkatapos ng tawag, ibinaba ni Raven ang telepono at mas pinabilis ang takbo ng sasakyan. Sa gabing iyon, ang tanging gusto niya ay kalimutan ang lahat—kahit sandali lang. Hindi nga nagtagal ay nakarating si Raven sa bar. Pagpasok pa lamang niya sa loob ay agad na napunta sa kanya ang atensyon ng mga tao. Halos lahat ng madaanan niya ay napapalingon at napapatingin sa kanya. Ngunit wala siyang pakialam. Sanay na siya sa mga ganoong tingin. Diretso siyang naglakad papasok hanggang sa sinalubong siya ng isa sa mga waiter ng bar. “Table for two, please,” agad niyang sabi. Magalang siyang inihatid ng waiter sa isang bakanteng mesa. Pagkaupo niya ay agad niyang kinuha ang menu, ngunit hindi na rin naman niya ito gaanong tiningnan. “Isang bote ng whiskey,” direkta niyang sabi sa waiter. “Right away, ma’am,” tugon nito bago umalis. Ilang sandali pa ay dumating ang kanyang inorder na alak. Tahimik na nakaupo si Raven habang nakatitig sa baso sa kanyang harapan. Sa gabing iyon, iisa lang ang nais niya— Ang makalimot. Ilang taon na rin ba siyang namumuno bilang mafia boss? Isang bagay na kailanman ay hindi niya ginusto, ngunit napilitan siyang tanggapin. Para sa kanyang pamilya. Para sa pangalang Montenegro. Ngunit bago ang lahat ng iyon, may pangarap si Raven. Gusto niyang maging isang kilalang archer sa buong mundo. Pangarap niyang makilala hindi dahil sa takot ng mga tao, kundi dahil sa kanyang galing at dedikasyon sa larangang mahal niya. Ngunit naglaho ang pangarap na iyon nang magdesisyon ang kanyang ama na magretiro… at ipamana sa kanya ang mundong puno ng dugo at kapangyarihan. Simula noon, nagbago ang kahulugan ng kanyang palaso. Hindi na ito para sa medalya o karangalan. Kundi para sa kamatayan. Ang kanyang palaso ay naging makasalanan—katulad niya. Dahil sa bawat paglipad nito sa hangin… may buhay na kinikitil. Hindi nagtagal ay dumating si Kai. Paglapit pa lamang nito sa mesa ay napansin agad nito ang basong hawak ni Raven. “Hey, uminom ka na wala pa ako?” puna nito habang nauupo sa harap niya. “Ang tagal mo eh,” walang pakialam na sagot ni Raven bago muling uminom. Napailing si Kai. “Sorry ah. Ikaw ba naman, ora-oradang tatawag. Ano’ng akala mo sa’kin, may pakpak?” Hindi sumagot si Raven at tahimik lang na nakatitig sa kanyang baso. Napansin iyon ni Kai kaya bahagya itong sumeryoso. “O, ano ba talaga ang problema mo?” tanong nito habang nakatingin sa kanya. “Dad wants me to get married to someone I don’t even know,” malamig na sabi ni Raven bago muling uminom. “How pathetic, right?” Bahagyang napataas ang kilay ni Kai sa narinig. “Wait… arranged marriage?” tanong nito. Mapait na ngumiti si Raven habang iniikot ang laman ng kanyang baso. “Exactly. Para lang akong negosyo na ipinagkakasundo.” Napabuntong-hininga si Kai. “And you said yes?” Hindi agad sumagot si Raven. Sa halip ay tumingin siya sa paligid ng bar bago muling nagsalita. “ no but!Do I even have a choice?” Samantala, sa kabilang mesa ng bar ay naroon ang isang grupo ng mga sundalo na nakasibilyan. Ipinagdiriwang nila ang kaarawan ng isa sa kanilang mga kasama, kaya napagkasunduan nilang mag-bar ngayong gabi. Kasama sa grupo si Jace Cordero. Habang abala ang kanyang mga kasamahan sa inuman at kwentuhan, paminsan-minsan ay napapalingon si Jace sa isang direksyon. Kay Raven. Hindi niya alam kung bakit, pero mula pa lamang nang makita niya ang dalaga na pumasok sa bar ay tila may kung anong humatak sa kanyang pansin. May kakaibang aura itong hindi niya maipaliwanag. Matapang. Misteryosa. At napakaganda. Sa unang tingin pa lamang… nabighani na siya rito. Ngunit halatang may problema ang dalaga. Napansin iyon ni Jace sa paraan ng pag-inom nito at sa seryosong ekspresyon ng mukha nito. Gusto man niyang lapitan ito, pinili niyang manatili sa kinauupuan. Hindi kasi ugali ni Jace na basta na lang lumapit sa mga babae—lalo na kung hindi naman siya ang unang nilalapitan. Ayaw niyang mapahiya. Kaya kuntento na muna siyang nakamasid mula sa malayo. “Bro, kanina ka pa nakatingin doon sa babae sa kabilang mesa,” biglang sabi ng isa sa kanyang mga kasama habang tinatapik siya sa balikat. “Type mo, no?” Bahagyang natawa ang iba nilang kasama habang sinusundan ng tingin ang direksyong pinagmamasdan ni Jace.“Sabagay…” sabi ng isa pa nilang kasama habang nakatingin din sa direksyon ni Raven. “She’s very beautiful, sexy… and hot.” Nagtawanan ang ilan sa kanila habang umiinom. “Pero ingat ka rin, bro,” dagdag pa nito matapos uminom ng alak. “You’re a general’s son.” Napailing lang si Jace habang ibinababa ang hawak niyang baso, ngunit hindi pa rin niya maiwasang mapatingin muli sa dalaga sa kabilang mesa. Hindi niya alam kung bakit… pero may kakaibang hatak ito sa kanya. At sa kabila ng babala ng kanyang mga kaibigan, hindi pa rin maalis sa isip niya ang misteryosong babae na kanina pa nakaupo roon. Hindi nagtagal ay pare-pareho na silang tinamaan ng alak. Halos maubos na ang laman bote sa mesa nila Raven, at halata na sa kanyang mga mata ang pagkalasing. “Kai…” tawag niya habang bahagyang nakasandal sa upuan. “Book me a hotel. Ayoko munang umuwi sa bahay.” Agad namang tumango si Kai habang kinukuha ang kanyang telepono. “Okay, wait lang,” sagot nito habang nagbu-book. Samantala, sa kabilang mesa naman nila Jace ay maingay pa rin ang grupo. “Bro, may regalo kami sa’yo,” sabi ng isa sa kanyang mga kaibigan habang nakangisi. “Nag-book kami ng hotel para sa’yo, kaya doon ka na tumuloy mamaya.” Napakunot ang noo ni Jace. “Teka lang,” sabi niya habang nakatingin sa mga ito. “Bakit ako ang binook n’yo? Hindi naman ako ang may birthday.” Nagtawanan ang kanyang mga kasama habang tinatapik siya sa balikat. “Relax lang, bro. Birthday man niya o hindi… deserve mo rin namang mag-enjoy ngayong gabi.” Hindi nagtagal ay may kakaibang init na naramdaman si Jace sa kanyang katawan. Unti-unti itong kumalat sa kanyang sistema habang umiikot ang kanyang paningin dahil sa alak. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Maya-maya ay naisip niyang mukhang pinagtripan siya ng kanyang mga kasama. Kilala niya ang mga ito—hindi malabong may inilagay ang mga iyon sa kanyang inumin. Pagkatapos siyang maihatid sa hotel na binook para sa kanya, agad siyang naglakad papasok sa lobby. Halos mabigat na ang kanyang mga hakbang habang hinahanap ang numero ng kanyang kwarto. Sa sobrang hilo at kalasingan, hindi niya napansin na nagkamali siya ng pinasok na kwarto. Magkatabi lang kasi ang kwarto niya at ang kwarto ni Raven. Tahimik niyang naitulak ang pinto at pumasok sa loob, hindi alam na may ibang taong naroroon na sa silid na iyon.Pagkapasok na pagkapasok ni Jace sa loob ng kwarto ay hindi na siya nag-abala pang buksan ang ilaw. Sa isip niya ay siya lamang ang tao roon. Sa sobrang hilo at init na nararamdaman sa kanyang katawan, agad niyang hinubad ang kanyang jacket at inilapag iyon kung saan pagkatapos isinunod nya Ang lahat ng kanyang saplot brief lang ang itinira nya sa kanyang katawan . Wala na siyang pakialam sa paligid. Ang tanging gusto niya ay makapagpahinga. Ngunit hindi niya alam… May isang babaeng mahimbing na natutulog sa kama. Si Raven. Tahimik ang buong silid, tanging ang mahinang paghinga ng dalaga ang maririnig sa dilim—habang papalapit si Jace sa kama, wala pa ring kamalay-malay na hindi pala siya nag-iisa sa kwartong iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD