Prologue

363 Words
Hindi po ako normal na tao. Ibang-iba ako sa lahat. Meron akong isang bagay na hindi kapani-paniwala. Walang alam ang aking mga magulang tungkol dito pero inaabuso nila ako. Sa murang edad, araw-araw nila akong pinapatatrabaho na hindi kaya ng isang ordinaryong bata tulad na lang na magbuhat ng ilang dam ng tubig sa isang buong araw, maglaba ng kabundok na labahan gamit ang kamay lang, linisin ang buong bahay at dapat siguraduhing malinis bawat sulok at marami pang ibang mabibigat na gawaing bahay. Nagtaka sila dati na natatapos ko agad ang trabaho ko dahil hindi nga di ba nila alam na mayroon akong bagay na hindi kapani-paniwala. Syempre, may mga oras din na hindi ko natatapos ang trabaho ko at dahil sa mabigat ang trabaho, mabigat din ang parusa kaya ni minsan hindi niyo ako makikita na walang pasa sa kahit anong bahagi ng aking katawan. Rason kung bakit nila ginagawa yan... I’m adopted. Sa una hindi ko talaga alam pero simula nung nalaman ko, mas lalo nila akong inabuso. Tanong ko lang talaga, kung ganito rin lang na aabusuhin nila ako, bakit pa nila ako kinuha? Para may pangtrip lang? O sadyang nasa dugo na nila yan na magpahirap ng tao? Bakit hindi na lang nila ako tuluyang patayin?   ...pero bumaliktad ang lahat. Isang araw, naubusan na ako ng pasensya kaya nailabas ko ang lahat ng galit at inis ko sa kanila. Hindi ko nakontrol sarili ko kaya natuluyan ko sila. Bumalik na lang ako sa katotohanan nang makita ko ang mga walang buhay nilang katawan sa sahig. Puno ng takot na tinitigan ko ang mga kamay ko na puno ng dugo. Hindi ko naman alam na magagawa ko ito. Buti na lang walang nakakita dahil sa loob siya ng bahay nangyari pero sa sobrang takot ko, tumakbo ako paalis ng bahay papunta sa gubat. Doon ako gumawa ng sarili kong bahay at tumira ng maayos. Alam natin na sobrang delikado dito pero masaya ako. Walang makakaalam tungkol sa kapangyarihang ito at wala na akong masasaktan na iba. Ano ba kasi ang gamit ng kapangyarihang ito sa mundong ginagalawan ko? Dito ba talaga ako nabibilang?   Is this MY NATION?   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD