Meet the Princes

4349 Words
Chapter 3 Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko sabay napatingin sa aking paligid. Nasaan ako? Napalingon ako sa aking kanan at may nakitang nakaupong white haired guy sa tabi ko. Bakit ang lamig ng pakiramdam ko ngayon? Nakakumot naman ako. Ang ganda na kaya ng panaginip ko. Napapikit muli ako ng mata at lumipas ang ilang minuto pero hindi ako makabalik sa tulog hindi lang dahil sa lamig kundi may gumugulo sa utak ko. Napaupo na lang ako at kinamot pa ang mata ko. “Gising ka na pala.” Napatingin ako muli sa kanan ko kung saan nanggaling ang boses na iyon at nakita si white-haired dude na nakaupo sa isang silya na walang buhay ang mukha. Weird. Parang siya yung lalaki sa panaginip ko. Bakit siya nandito sa loob ng bahay ko? Loading… teka… Inikot ko ang aking tingin sa paligid ko. Teka, bahay ko? Loading… binalikan ko siya ng tingin… Loading complete. Napamulagat ako ng mga mata ng di oras dahil sa gulat. Parang alam ko na ata ang NANGYARI! “KYAAHH!” sigaw ko at kasabay nun, umalis ako sa kama at tumakbo sa isang sulok. “Sandali—” walang buhay niyang sabi. “Anong ginagawa ko rito?! Bakit ka nandiyan?! Anong ginawa niyo sa akin?!” panic ko. Tinignan niya lang ako at bakas sa mukha niya na parang wala siyang pakialam sa nangyayari at dagdag mo pang pinikit niya pa ang mga mata niya. “Bakit ganun?! Bakit ang kalma-kalma mo pa rin kahit nagwawala na ako rito?! Anong ginawa mo sa akin?!” Hindi pa rin siya umimik. Seryoso?! Kahit nagpapanic na ako, nagawa niya pa ring hindi umimik? Ganito ba talaga siya kamanhid? Alam ko may damit pa ako pagkagising ko pero sinong hindi magpapanic na pagkagising mo may lalaki na nakaupo sa tabi mo at nasa ibang lugar ka na?! Bigla siyang tumayo at lumapit sa akin. “ISA! Huwag kang lalapit!” banta ko. Buti naman tumigil siya mga isang metro ang layo sa akin at tinitigan ako. Mayamaya lang may iniabot siya sa akin na ikinataka ko. “A-ano ito?” tanong ko sa kanya. “Magpalit ka,” tipid niyang sagot. Damit Yani. “Hah? Sandali, akin yan?” Hindi siya nagsalita. Kaya nga inaabot sa iyo Yani diba? “May naghihintay sa iyo,” sabi niya. “Ano?!” sigaw ko pa rin. “Sandali nga lang! Nanaginip lang ako kanina na naglalaban pa nga tayo tapos biglang nandito ka ngayon sa harap ko?! Anong nangyayari?! Nanaginip pa rin ba ako?!” “Magpalit ka muna,” tipid niyang sagot. Sa sagot niya, tuluyan na atang nawala ang pasensya ko. “Baliw ka ba?! Nagtatanong ako dito ganyan sagot mo?! Ganyan ka ba talaga KAMANHID?!” Nagulat siya sa sinabi ko at bigla siyang napayuko ng ulo. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang pero bigla siyang napaligiran ng itim na aura. Inangat niya ang kanyang ulo at binigyan ako ng seryosong tingin. “Sabing mamaya” nakakatakot niyang saad. Hindi ko alam kung bakit pero nanginig ako dahil sa ginawa niya. Sabay kinuha ko agad ang damit at boots na inabot niya. “O-okay. Ito na. Pupunta na ako sa CR” at agad akong tumakbo sa CR para magpalit. Siya na ata ang pinakaweird na lalaking nakilala ko: manhid at nakakatakot at hindi ko maintindihan. Pero kaysa problemahin natin ang lalaking iyan… nasaan na ba ako?! Anong lugar ba ito?! Hindi pwede ito. Nanaginip lang ako. Promise, nanaginip lang ako. Kinurot ko ang aking braso habang nakapikit ang mga mata at agad ding binuksan ang mga ito at…walang nagbago. Oh my Gahd! Hindi ako nananaginip! Totoo ang lahat ng ito! Ibig sabihin, totoong nakalaban ko siya kanina?! Buhay, anong nangyayari? Bakit kailangan ko pang makilala yung lalaking yun? Isa na naman ba itong parusa? Hindi pa ba ikaw kuntento na nahihirapan ako? Ano pa ang gusto niyong mangyari? Bumalik lang ako sa katotohanan nang maramdaman ko ang lamig kaya napapalit ako ng damit ng di oras. In fairness uminit pakiradam ko nang suotin ko itong makapal na long sleeves na shirt at makapal na pants at boots. Pagkatapos kong magpalit, napatitig muna ako sa pinto. Lalabas ba ako ng CR para kausapin ang lalaking yun? Maghanap na lang kaya ako ng paraan makaalis dito? Napatingin pa nga ako sa bintana ng CR pero… parang may pumipigil sa akin. Parang may nagsasabi na lumabas ako at sumama sa lalaking yun. Hindi ko nga alam kung bakit. Baka nauntog na pala ako ng di ko alam kaya nababaliw na ako. Pero bahala na. Lumabas na lang ako ng CR at nakita siya na nakatingin sa labas ng bintana. Ayaw ko siyang kausapin dahil natakot talaga ako kanina nung nagalit siya. Parang nakakita ka ng halimaw at handa kang lamunin ng di oras. Shacks. Naalala ko bigla yung nakakatakot niyang itsura kaya nanginig ako ng di oras. Kailangan kong umalis dito! Tumingin ako sa pinto at dahan-dahang naglalakad papunta doon nang... “Huwag mong subukang tumakas,” banta niya kaya nanigas ako agad at lumingon sa kanya. Nakatingin siya ng seryoso sa akin pero hindi naman na siya napapaligiran ng itim na aura, pero ang scary niya pa rin. “Ta-takas? Hi-hindi ah. May ti-tignan lang ako” galing mo magsinungaling Yani. Hindi siya umimik pagkatapos nun at katahimikan ang pumagitan sa amin. So uhm ano na? Ano na kayang iniisip niya? Shacks, may binabalak ba siyang gawin sa akin?! “Tinusukan ka ng pampatulog...” sabi niya bigla kaya bumalik ako sa katotohanan. Tinignan ko siya na may halong pagtataka. “Hah?” “...kung paano ka nakarating dito. Tinusukan ka ng pampatulog” malamig niyang ulit. “Huh? Kailan?” “Pagkarating ng mga kasama ko.” “Kasama? Teka, yung blue, red, brown haired guys?” tanong ko. “Oo,” tipid niyang sagot. Ibig sabihin kasama niya talaga ang mga foreigners na yun? Totoong kidnappers sila? “Okay? So, uhm anong gusto mong mangyari ngayon?” tanong ko na lang. Go with the flow ka na lang Yani baka may mangyari pa sa iyong masama pag ginalit mo siya muli. Naglakad siya palapit sa akin kaya sinimulan akong kabahan at nung medyo malapit na siya sa akin lumiko siya papunta sa pinto. Nanigas muna ako sa lugar ko before I sighed in relief. Akala ko kasi kung ano nang gagawin niya sa akin. Binuksan niya ang pinto at tinignan ako. “Sundan mo ako” saad niya at kasabay nun, lumabas siya ng kwarto. Sundan ko siya? Loading… sundan ko raw siya! Paulit-ulit? Waahh! Susundan ko ba siya hindi?! Pssh. Bakit ngayon pa ako nagdududa eh siya lang atang tao dito sa kwarto na ito na somehow kilala ko. Pero kahit na! Scary siya kaya sigurado akong may masama siyang binabalak! Paglabas ko rito, tatakbo ako paalis! Must Escape No Matter What! Binuksan ko ang pinto para sumilip at nakita siya sa di kalayuan ng daan pero nakatalikod siya. Now’s my chance. Tumakbo ako agad sa kabilang direksyon. Lumiko ako kung saan-saan at nung medyo napagod ako kakatakbo, tumigil ako saglit. Teka, may mali. Saan ako pumupunta? Tinignan ko ang buong paligid ko. Oo nga pala, nasa ibang lugar na pala ako! Nagbalak pa akong tumakas hindi ko naman alam kung saan ako pupunta. Hindi! Hindi ako susuko ngayon! Kahit anong mangyari kailangan kong makatakas. Mahahanap ko din ang daan palabas dito. Inikot ko ang tingin ko sa mga daan makakita lang ng pinto. Bago pa ako mahuli ni— BOOGSH! May nakabangga ako sabay na ring napaupo sa lakas. Hindi ko kasi tinitignan daanan ko. “Ay sorry. Sorry po—” Natigilan ako at nanigas sa kinauupuan ko nang nakita ko kung sino ang nabangga ko. SHACKS! ITO NA ATA ANG HULING ARAW KO! Nakatayo siya sa harap ko na nakayuko. Napalunok ako ng di oras dahil sa takot. “Di ba sabi ko...” sabi niya habang inaangat niya ang kanyang ulo at tinignan ako ng nakakamatay na tingin. “... huwag mong subukang tumakas?” Hindi ako nakaimik. Lumapit siya sa akin at pinikit ko na lang ang mga mata ko. Sa lahat ng sa inyo na binabasa ito ngayon, salamat at pinagtyagaan niyong alamin ang buhay ko hanggang sa puntong ito. Kahit konting oras lang yun, salamat at pinaranas niyo sa akin kung paano mabuhay. Huhu. Goodbye World. “Tayo!” Binuksan ko mata ko at nakikita pa rin yung mukha ng lalaking yun. Ito na ba ang langit? Bakit siya nandito? O baka naman... Impyerno ito?! Waahh! Tapos nagkataon na kamukha ng lalaking yun si Satanas?! “Sabing tayo,” utos niya. Tinignan ko ang kamay ko na nakaposas na gawa sa yelo at may nakakabit na tali na hawak-hawak niya. OMG! Napatayo ako agad. “Uhm teka, sandali lang po! Naging mabait na bata po ako nung nabubuhay pa ako. Maawa kayo sa akin! Huwag niyo akong parusahan!” Tinignan niya ako ng malamig na may halong pagtataka. “Anong pinagsasabi mo?” tanong niya. “Hindi ba ikaw si Satanas? Nasa impyerno ako di ba? Kasi pinatay ako ni—” “Hindi ka pa patay,” singit niya. Hah? Ano? Buhay pa ako? “Talaga? Hindi ikaw si Satanas?” “Tss,” sabay iniwasan niya ako ng tingin. Hinawakan ko ang mukha at dibdib ko. May nararamdaman pa akong tumitibok na puso. Buhay pa nga ako. Napabuntong hininga ako. Akala ko pa naman kung ano na pero teka... “Bakit ako may posas?” nagtataka kong tanong sa kanya. “Para hindi ka makatakas,” malamig niyang sagot. “Ahh” habang tumatango ako. Wow, nagawa ko pang tumango. Tumalikod siya at hinila ako bigla. Aray hah. Hindi nga ako namatay pero mukhang may masamang mangyayari sa akin. Para akong biktima ng isang torture. Huhu. Ay sandali. May kapangyarihan pala ako. Buti na lang may gamit din ito ngayon. Gumawa ako ng maliit na bola gawa sa apoy at tinapon sa likod niya pero agad niya itong iniwasan nang hindi man lang tumitingin na kinagulat ko. Shacks may mata talaga siya sa likod! Pero besides that, liningon niya ako. Uh-oh. Another trouble. “Hi-hindi ako yun,” sabay tingin sa kabilang direksyon. Tinignan niya muna ako saglit bago niya ako hinila palapit sa kanya hanggang sa ilang pulgada na lang ang layo ng mukha ko sa mukha niya na may nakaukit na makamandag na tingin sa mga mata niya. “Minsan ko lang ito sasabihin” seryoso niyang saad. “Wala akong binabalak na masama sa iyo kaya pwede bang kumalma ka? Maiintindihan mo rin kung bakit dinala ka namin rito kaya umayos ka.” Dahil sa ginawa niya, napatango ako ng di oras. Lumayo rin siya sa akin at muli nagsimulang maglakad na hila-hila ako. Napatahimik ako at hinayaan siya na hilahin ako. Nakakatakot talaga siya pero pansin ko nga masyado nga akong makulit. Sige. Kakalma na ako. Gayahin mo kasi siya Yani kung paano siya kakalma na kahit nagpapanic na ako rito, ang lamig pa ring magsalita na hindi man lang gumawa ng paraan PARA KUMBENSIHIN AKO NA KUMALMA LANG! BWISET! Napabuntong hininga na lang ako para kumalma nga. Pinagmasdan ko na lang ang aking paligid. Ngayon ko lang napansin na ang lalaki pala ng mga bintana sa lugar na ito. Para akong nakatira sa isang mansyon. Napatingin ako sa labas. Wow may snow. Teka may snow? So imposibleng nasa Pilipinas ako kasi may snow? Baka ibang nasyon... bigla akong napaisip. May nabanggit siya bago kami naglaban. Lugar kung saan ako nabibilang... ito ba tinutukoy niya? Syempre ah Yani. Dadalhin ka ba niya rito kung hindi nga ito yun? Pero kasi parang hindi kapani-paniwala. Pakiramdam ko nanaginip pa rin ako. At saka hindi ko akalaing tatayo rin ako sa ganitong lugar. Oops. Sandali lang Yani. Baka mamaya isang criminal pala itong kasama mo... o baka naman member pala siya ng isang mafia?! Hala tapos itong lugar na ito pala ay kung saan nila dinadala ang mga biktima nila! Baka kamatayan ko lang pala ang naghihintay sa akin sa pinupuntahan namin! Iniling ko agad ang ulo ko. Kalma nga lang kasi Yani. May kapangyarihan ka naman eh. Ay tangek may kapangyarihan din pala itong kasama ko ngayon kaya malamang may mga kapangyarihan din yung mga kasama niya. Ang lakas pa naman niya nung nakalaban ko siya. Huhu. Hopeless talaga ako. Tumigil siya sa harap ng isang malaking pinto kaya napatigil ako. Wait sandali, ito na ba yung kwarto kung saan nila ako papahirapan at kung saan nakatago ang mga torturing device nila?! Waah! Katapusan ko na ba talaga?! “Nakakaintindi ka ba ng ibang lengwahe?” malamig niyang tanong nang hindi ako tinitignan. “Hah?” ang dami kong iniisip kaya yun lang nasabi ko. “May makakausap ka na mga tao na iba’t iba ang wika,” sabay tinignan niya ako. “Hah? Hindi. I-I mean English lang at Filipino,” nauutal kong sagot. Tinignan niya muna ako mula ulo hanggang paa bago humarap sa pinto. Biglang naglaho ang posas at tali sa kamay ko na parang snow na kinagulat ko pero kasabay nun ay bumukas ang pintong kaharap namin. Ito na talaga. Pagkakataon ko na ito na makatakas pero pagkabukas ng pinto at nakita kung anong laman nito... Napatigil ako sa binabalak ko. Mukhang tama ata ang iniisip ko. “Oh Jethro, you are here and so as our lovely visitor,” sabi ng isang guy na medyo matanda sa kanila na sa mga banda 40 ang edad na nakangiti sa akin. Shacks. Nanigas ang katawan ko. Ang daming tao sa kwarto at puros sila lalaki na nakatingin sa akin ng seryoso. Shacks. Shacks talaga. Isa-isa ata silang may mga torturing device na nakatago sa mga likod nila! Napalunok ako. Saka, paano kung yung old guy na yun ang leader nila?! “Please come in young lady,” alok niya. Waahh! Kinakausap niya ako! What to do?! What to do?! Biglang nagtaka ang matanda. “Uhm are you alright, dear?” tanong niya sa akin. Hindi pa rin ako umimik at iniiwasan siya ng tingin. Shacks, pinapawisan na ang mukha ko. “Jethro, can she understand me?” tanong niya kay white haired dude. Hindi rin umimik si white haired dude at tinignan ako. “Uhm so uhh nine haha nine kayong lahat haha,” puno ng kaba na sabi ko. Nababaliw na ako. Baliw na talaga ako sa lahat ng nakikita ko ngayon. Sino naman kasi ang hindi mababaliw na pagkabukas ng pinto biglang bubulaga sa harap mo may mga taong hindi mo kilala tapos ang mas malala, Englishero pa sila?! Paano kung masama pa ang intensyon nila?! Napansin ko pa naman na ang iba sa kanila ay yung kasama ni white-haired dude kanina sa pagkidnap sa akin. “Jethro, what’s wrong with her?” “She must be nervous to see us” sabi ng isa sa kanila at hindi ko alam kung sino. Lumapit si Jethro sa akin na diretsong nakatingin sa mata ko. Hindi ko inaasahan ang susunod niyang gagawin dahil bigla niyang pinitik ang noo ko. “Aray!” angal ko sabay pinahid ko ang noo ko. “Para saan yun?” Binalikan niya lang ako ng tingin at naglakad din paalis. Nilapitan ako ng matanda. “Are you feeling better?” tanong niya sa akin na puno ng pagkabalisa. “Uhm…” sandali. Parang biglang nawala ang kaba ko. Dahil ba yun sa pitik niya? Weird. “Are you okay?” tanong niya muli na may halong pagkukumbaba at tinapik ako sa balikat. “Uhm yes… I think,” nag-aalinlangan kong sagot. “That’s good. Come then. Don’t be afraid” at sabay kaming naglakad papasok ng kwarto. “I cannot blame you for being nervous because this is your first time here but don’t worry because my eight sons won’t hurt you. They are friendly anyways,” sabi ng matanda. Tumango na lang ako at kahit papaano napakalma niya nga ako. O yan Yani, wala silang masamang balak, okay? “Okay looks like she’s okay now. Let’s proceed to our introduction. So what’s your name young lady?” What’s my name? “Uhm uhh ako po si Yani Elcarte—” “Erhmm excuse me dear…” singit niya bigla. “…but kindly speak english?” Ay oo nga pala. Englishero sila. “Uhm I mean, my name is Yani Elcarte and I’m 17 and I live in the Philippines specifically in a forest near a river in the uhh province of—” “Uhm that will do dear” singit niya muli. “So nice to meet you, Yani. My name is Gabriel but you can call me Gabi and I want you to meet my eight princes.” “Wait princes? Sila?” sabay turo pa sa kanila. “Tapos sabi mo anak mo sila? Kung ganun ibig sabihin King ka?” “Uhm to answer all your questions, yes dear,” sagot niya. “Wow,” mangha kong sagot. “Ang galing pero bakit wala kayong mga korona?” Napatigil ako saglit dahil naririnig kong nagbubulungan ang mga lalaking nakapaligid sa akin este mga prinsipe pala. O bakit? May nasabi ba akong mali? “My dear Yani, again please speak in english because they can’t understand you.” Nagulat na lang ako. Oh kaya pala. “Right. Sorry. I didn’t notice.” Pero sandali lang. “Uhm I actually asked you in filipino and you answered me right?” He smiled to me, the King I mean. “Yes.” “Hah? Wait naintindihan mo ako?” “Yep. Jethro always talk to me in Filipino that’s why I have to study his language just only to understand him.” Napatingin naman ako sa kanya na nakasandal sa pader. “Uhm can’t he speak in English?” nagtataka kong tanong. “I mean, that was when he was young,” sagot ni matanda, ay este King Gabi pala. “Ah okay.” “So let’s move on. Yani, I want you to meet my first son,” sabay biglang tumayo si blue haired guy at naglakad palapit sa akin. Bigla akong napaatras ng di oras dahil sa ginawa niya and it’s because I remember this guy clearly. Hindi ko man alam ang pangalan niya pero… “Ay!” Boogsh. Sa kakaatras, nahulog ako sa sahig. “Oh no. Are you okay?” tanong niya. Hindi ko siya sinagot at nakatingin lang sa kanya na puno ng kaba ang mga mata. Kung tama ang pagkaalala ko kanina, dumating siya pagkatapos matamaan ang braso ko ng tubig. “Looks like she’s scared of you Eaux,” sabi ng Hari. “But I didn’t do anything,” sagot naman niya. “You did, Eaux. Remember, you shot her by her arm?” sabi naman ng isa sa kanila. Ano? Siya ang gumawa ng tubig na yun? “Oh that,” sabi niya naman. Binalikan niya ako ng tingin that startled me but he sat on his knees para makalevel ako and looked at me. “About what happened back at the Philippines, please forgive me,” paghingi niya ng paumanhin. “I didn’t mean to hurt you.” After he said that, somehow, kumalma ako. He stretched out his hand na para bang nag-aalok. “Je m’appelle Eaux. Je suis désolé à ce sujet,” sabi niya pero natulala lang ako. “Hah?” sabi ko na lang that made him chuckle. Oh shacks. Namula ako pagkatapos niyang gawin yun. “Please stand up” ngiti niyang alok. Wala ako sa mundo na kinuha na lang ang kamay niya para makatayo ako. “By the way, what I said awhile ago is that ‘My name is Eaux. I’m sorry about that’” Hawak-hawak niya pa ang kamay ko kaya hinalikan niya pa ang likod nito. Sa hindi ko alam na kadahilanan, binawi ko agad kamay ko. Ano bang ginagawa niya? “Okay uhm nice to meet you uhm prince…” “Eaux, spelled as E-A-U-X but pronounced as ‘Lou’.” (A/N: Ito ang pronounciation niya sa French dahil ito pagkakarinig ko pero kung hindi ganyan, bear with it na lang) “Right, Eaux,” sabi ko. Ang weird ng name niya. “My arm is fine, in case you need to know.” “Oh good,” ngiti niyang sagot. Napaiwas ako muli ng tingin. God, nakakaakit itong lalaking to. Paalis na sana siya nang, “Wait.” pigil ko kaya napalingon siya sa akin pabalik. “Uhm I have a question.” “Yes, what is it?” “Your hair and eyes. Why is it blue?” Curious lang. “Oh so you noticed,” sabi niya naman. “Well it’s actually because I can control water.” “Oh okay so uhm...” sabay napatingin ako sa buhok ng iba. “...does that mean that in this place, the color of your hair will tell what element you can control?” “Oui. (‘Yes’ pronounced as “wee”) Very clever.” “Oui? That means you’re French?” tanong ko. “Oui. I grew up in France.” “Ah okay,” at tuluyan siyang naglakad paalis. Next, may lumapit sa akin na gray-haired guy. So ibig sabihin, hangin nakokontrol nito… o iba? Bigla siyang nag-bow sa harap ko na ikinagulat ko. “Ohayōgozaimasu!  Watashinonamaeha Turuki des.” Isa pa ito. Hindi po ako multi-language dictionary. Saka bakit siya nagbobow eh isa lang naman akong hamak na babae na kinidnap lang nila hindi tulad niya na isang prinsipe. “Uhm you don’t need to bow,” pagpigil ko sa kanya. Tumayo naman siya agad ng matuwid. “I bowed because that’s how we respect in Japan,” sagot niya. Ah okay. Hapon ang isang to. “By the way, what I said is ‘Good morning! My name is Turuki’” “Ah Turuki uhm nice to meet you,” bati ko pabalik. “So uhm you can control the air?” “Hai! (Yes) I’m Japanese.” “Yes, you are” sabay alis habang nakangiti. Next naman si brown-haired guy. Tumayo lang siya sa harap ko and smiled. “Buongiorno mi chiamo Edmondo,” and lend his hand. Kulit naman nila. Sabing Pilipino po ako, Kuya. Alam niyo ba ibig sabihin nun? Pero anong magagawa ko. Go with the flow ka na lang Yani. Naki-shake hands ako. “So uhm you are an earth controller?” tanong ko na lang while shaking his hand. “Si! (Yes) I’m Italian. By the way, what I said is ‘Good morning, my name is Edmondo’” “Yes, uhm good morning too. Nice to meet you uhm Prince Edmondo.” Pagkabitaw niya ng kamay ko, tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. “So do you like your clothes?” tanong niya sa akin na ikinabigla ko. “Oh uhm it’s uhh warm. Why did you ask?” sagot ko naman. “Good thing because I made those. I’m glad you liked it.” Nagulat ako. “You made them?!” “Si. I like making clothes” at ngumiti muna siya bago umalis sa harapan ko. Like wow. Fashion designer dude na hindi bakla. Oops. Ang sama ko. Sorry po. Puros bakla lang kasi ang alam ko na lalaking mahilig sa fashion. Ang sumunod ay red-haired guy. Hmm apoy ata nakokontrol niya. “Hola!” sabay inabot niya ang kanyang kamay for a hand shake. Ah ito, alam ko ang ‘hola’. Hello yan sa Spanish. Syempre naman. Natutunan ko yan sa school. Agad ko namang hinawakan ang kamay niya. Shacks. Ang init! “Aray!” sabay alis agad ng kamay. “Oh lo siento! (‘Oh I’m sorry!’) I didn’t mean to hurt you.” “Talaga bang ganun ka init kamay mo?” tanong ko naman sa kanya. “Pardon?” Oops. Nag-filipino ako. “Ah uhm it’s nothing.” “She’s asking if your hand is really that hot,” sabi ni Gabi, este again King Gabi. Thank you, your highness. “Oh yes. This is my normal body temperature. 40 degrees.” Nanlaki mga mata ko. 40?! You’re kidding me bro. May sakit ka ata. “Suddenly shocked?” tanong niya na nakangiti pa. Shocked? Like hello kuya, normal body temperature is 40 degrees?! Hindi po yun normal. Tara, tanungin pa natin sa mga doctor yan. “Oh uhm no. No I’m not. So what’s your name?” tanong ko na lang. “Mi nombre es Fuego. Como estas?” sabi niya. “Uhm translate?” Sorry. Ang alam ko lang na Spanish word ay yung Hola! “My name is Fuego. How are you?” “Uhh I’m fine,” sagot ko. “So uhm you can control the element fire?” “Yeah. Sorry about your hand. Does it still hurt?” “Uhm it’s okay now. So you’re Spanish?” “Si. I came from Spain” “Okay. Uhm it’s really nice to meet you,” sabi ko. Bigla siyang ngumiti, yung tipong killer smile kaya nagulat ako sabay namang uminit ang cheeks ko. Oh Gahd. Akala ko hindi ako makakakita ng mga ganitong kakaakit na lalaki pero eto na mismo sa harap ko. Totoo ngang nakakatunaw ang mga ngiti  nila. Heh! Nababaliw ka na naman Yani. Continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD