chapter 13

2020 Words
ANG isang linggo na sana bakasyon nila ni red sa Baguio ay naputol at naging apat na araw nalang. Bigla kasing may importanteng gagawin ang binata. Napahinga siya ng malalim ng mapansing nasa Manila na sila. It's time to face the reality. Maghahanap muna ako ng trabaho, kapag nakahanap na ako, isusunod ko naman ang paghahanap ng apartment. Hindi niya hahayaang buhayin siya ng ibang tao. Oo nga at si Tita Claudine ay parang ina na niya pero may hiya naman siya. Kailangan siya ang matanggap na secretary sa ALVH Financial para matustusan ang sariling pangangailangan. "Narito na tayo." Imporma sa kanya ni red ng tumigil ang sasakyan nila sa harap ng bahay ng mga magulang nito. Tumingin siya kay red. "Ayos lang ba talaga na dito muna ako manatili sa bahay niyo pansamantala?" He nodded and smiled. "Oo naman." She gave him a warm smile. "Thank you so much, dude ." red leaned in and embraced her. "Basta kahit anong manyari, palagi mong iisipin na narito ako para sa'yo. I'm just one call away. Kapag may nanakit sayo, tawagan mo kaagad ako at ilalayo kita sa taong nanakit sa'yo." Napuno ng pagmamahal para kay red ang puso niya. She's so lucky to have a best friend like him. Natatangi si red sa mundo at masaya siya na ito ang ibinigay ng diyos na maging kaibigan niya. "Salamat, dude ." Kumawala siya sa pagkakayakap nito at hinalikan ito sa pisngi. "Maraming-maraming salamat. I love you so much, dude." Napatitig sa kanya si red kapagkuwan ay napangiti. "I love you too, Babe." She grinned then pinched his cheek. "Ikaw talaga! Napaka-sweet mo. Kaya palagi tayong pinagkakamalan e." Mahina itong tumawa at lumabas ng sasakyan. Pinagbuksan siya nito ng pintuan at tinulungan siyang makalabas ng sasakyan. Magkasabay silang pumasok sa loob ng bahay at naabutan nilang nasa sala si Tita Cluaden at mukhang hinihintay sila. "mea !" Excited itong nilapitan siya at niyakap ng mahigpit. "I'm so glad you will be with us for the meantime. I'm so excited to have a daughter." Napabungisngis siya. "Ako rin po. Tita Cluaden . Excited din po akong makasama kayo." Pinanggigilan ng Tita Claudine niya ang pisngi niya. "Ang ganda-ganda mo talaga!" Napatawa siya ng mahina at minasahe ang medyo nananakit pang pisngi. Naputol ang pag-uusap nila ni Tita Cluaden ng sumingit sa usapan nila si red "I have to go." Anito. "Ihatid na kita sa Airport, gusto mo?" Alok niya sa kaibigan. red shook his head. "No need. Stay here in the house. Rest well then ready your requirements for tomorrow." "Okay." She said with a shrugged. "Whatever you say." Nagmamadaling lumabas ng bahay si red. Nagkatinginan sila ni Tita Cluaden Sabay silang napangiti ng mapansing pareho sila ng iniisip. "Let's bake!" Sabay nilang tili na dalawa at parang mga bata na nag-uunahan sila patungong kusina. AFTER they bake a two layered chocolate cake, she went to her room and rest. Laking pasasalamat niya ng makitang may damit siya roon. Mukhang pinaghandaan talaga ni Tita Cluaden ang pagtira niya sa bahay ng mga ito. Pagkatapos maligo at magbihis, nahiga siya sa malambot na kama at tumitig sa kisame. Ilang minuto na siyang nakahiga pero hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. Tumagilid siya ng higa at nag-isip ng kung ano-ano para malibang siya. Nalukot ang mukha niya ng biglang pumasok sa isip niya si vick . Bakit ba hindi nito tinatantanan ang isip niya? Pinilit niya ang sarili na makatulog. Ayaw niyang isipin ang lalaking 'yon. KINABUKASAN, nine A.M. na siya dumating sa ALVH Financial. Agad siyang pumasok at hinanap ang HR Department. Nang mahanap niya iyon, Kumatok siya at pumasok. "Good morning, I'm looking for Mr. Allan Colusa." Sabi niya ng makapasok sa loob ng opisina. "That would be me." Wika ng isang lalaki na nasa sulok ang mesa at medyo tago mula sa kinatatayuan niya. Lumapit siya sa pinanggalingan ng boses. "Good morning, Sir. I am mea Mary Grace revira . I'm applying for the position of Secretary-" "You're hired." Putol nito sa iba pa niyang sasabihin. She gaped at him. "Ho?" "Why are you shock? Ayaw mo ba?" Umiling siya. "No. I want the job, Sir." Mr. Colusa smiled and gave her a piece of paper. Nang basahin niya kung ano iyon, it's her appointment as Secretary of the President of ALVH Financial. When she looked at the validity period of the appointment, muntik ng lumuwa ang mga mata niya. The appointment is valid up to ten years! Napapantastikuhan siyang tumingin kay Mr. Colusa. "Sir? Ten years?" The man nodded. "Yes. Sign it and you'll start today. May mga kailangan ka lang malaman bago mo permahan iyan." Kumunot ang nuo niya. "Ano ho 'yon?" May ibinigay itong folder sa kanya. "Basahin mo nalang para maliwanagan ka." Sa halip na basahin, itinabi niya ang folder at pinermahan ang appointment niya. Nasa harap na niya ang trabaho, tatanggihan pa ba niya? Sampong taon! Sampong taon siyang hindi magugutom. Ibinigay niya ang appointment na pinermahan niya. "Heto na po, Sir." "Thank you." Tinanggap nito ang appointment at may kinuhang susi mula sa maliit na cabinet na nasa tabi nito. "Here's the key to your apartment." He gave her another set of key. "And this is the key of your new Toyota, owned by the company, don't worry. Gusto ni Sir Xander na may sarili kang sasakyan dahil kahit saan ka man niya utusan wala kang reklamo pagdating sa transportasyon. Gusto rin ni Sir Xander na malapit lang sa kanya ang sekretarya niya para madali niya itong ma-contact kapag may mga importanting ipapagawa sayo, kaya naman ang apartment mo ay ilang block lang ang layo sa bahay ni Sir Xander. Istrikto siya pagdating sa pagta-trabaho. Ayaw niya sa sinungaling at hindi mapagkakatiwalaan. Kung ayaw mong makulong, advice ko lang sayo, kung anong makita at mabasa mo sa mga papeles, zip your mouth. It's all confidential, okay?" "Okay po. Is that all? Baka may nakalimutan pa kayo." Ngumiti ang lalaki. "Wala na. You may go to President's office. It's in the thirtieth floor. Sa kanya lang ang buong floor na iyon kaya hindi ka mawawala." Tumango siya at lumabas ng HR na gulong-gulong parin ang isip niya. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyari sa loob ng HR Department. At may napansin siya. Siya lang ang nag-a-apply? At hired kaagad siya? Wala man lang interview? How weird is that? Magpasalamat ka nalang na may-trabaho ka na. Ani ng munting tinig sa isip niya. Tama. Dapat magpasalamat siya na natanggap siya kaaagad. Sa halip na kung ano-ano ang iniisip niya, dapat magpasalamat siya dahil may trabaho na siya may apartment at kotse pa. Siya na ang masuwerte. Sumakay siya sa elevator at pinindot ang thirtieth floor. Nang marinig niya ang bell na nagpapaalam na dumating na siya sa desitinasyon niya, inayos niya ang damit at lumabas ng elevator. "What take you so long? Kanina pa ako naghihintay sa'yo. Ang dami nating trabahong gagawin. I still have to orient you. Bakit ba ang tagal mo?" mea froze on her step when she heard that very familiar voice. Kilalang-kilala niya ang boses na iyon. Dahan-dahan siyang tumingin sa pinanggalingan ng boses. mea knew it's vick but her eyes nearly popped out from its socket when she saw him. "vi-vicktor..." Nauutal na sambit niya sa pangalan ng binata. Nalukot ang mukha ng lalaki. "It's Sir vick for you. We are in the office. You are not allowed to call me by my name. Always call me Sir, understood?" Wala sa sariling tumango siya. vick gave her a fake smiled. "Good. Now, see those folders behind you?" Lumingon siya at may nakita siyang napakaraming folder na nagkalat sa sahig. Ibinalik niya ang tingin sa binata. "Oo, nakikita ko. Bakit?" "Scan each folder and segregate it by year. Then, see those stacks of papers?" She nodded again. "Great. I want you to make a balance sheet for the last six months of 2014. Lahat ng data na kailangan mo ay nasa mga papel na iyan na nasa mesa mo. Tessa, my previous secretary did not make a Balance Sheet, so ikaw nalang. Can you do it?" She nodded again. "Great." Vick smiled then winked at her. "Let's work." PARANG may sampong tao na bumugbog sa katawan niya ng matapos niya lahat ng pinapagaw ni vick sa kanya. Pagkatapos ng utos nito, iba na naman ang ipapagawa nito. Kung mahina lang ang katawan niya, baka kanina pa siya natumba sa sobrang pagod. Nakapagpahinga lang siya nuong pinababa siya ni vick para mag-lunch. Pagbalik niya sa opisina, trabaho na naman ang inatupag niya. Wala siyang pahinga hanggang sumapit ang ika-lima ng hapon. Sa wakas. Uuwi na rin siya. Gusto na niyang matulog! "mea" Mabilis siyang umayos ng upo. "Yes, Sir." "Halika rito." Mabilis siyang tumayo at lumapit sa mesa ng binata. Mukhang may ipapagawa na naman ito sa kanya. Hmp! Hindi ba nito alam na uwian na? Balak ba siya nitong patayin sa pagod? Slave driver! "Ano po ang kailangan niyo, Sir?" Tanong niya kay vick Tumayo ito at lumapit sa kanya. Halata sa mukha nito ang pagod pero hindi niya ito narinig na nag-reklamo. Hindi ito tumigil sa paglapit sa kanya hanggang isang dangkal nalang ang layo ng mga katawan nila. Nararamdaman niya ang init ng katawan nito at lihim siyang napalunok. "A-Ano ho ang kailangan niyo, Sir?" Napaigtad siya ng ipalibot nito ang braso sa bewang niya at siniil siya ng mainit na halik sa mga labi. Bago pa siya makapag-react sa ginawa nito, pinakawalan na nito ang labi niya at tinalikuran siya. "Sige, puwede ka ng umuwi." Anito. Napamaang siya sa nakatalikod na binata. What the hell? "Umalis? Pagktapos mong mang-halik, paalisin mo ako? Ayoko nga. Explain to me why you did that? Halos buong araw inalila mo ako." Humarap muli sa kanya ang binata. "You're my secretary, mea . Hindi pang-aalila ang tawag sa pagta-trabaho mo. It's part of your job. And if the kiss bothered you so much, then forget about it. Pretend like it never happened." Pagak siyang tumawa. "Gago ka rin e, Vick -" "You're in my office and I am your boss." vick cut her off with an authorative tone. "Huwag mo akong tawaging gago at palagi mong lagyan ng Sir ang pangalan ko-" "Bullshit ka! Gago ka! Bwesit ka!" Nanggagalaiti siya sa sobrang inis na nararamdaman. "Ngayon naisip ko na pakana mo ang lahat ng ito. I should have know na walang kompanya ang basta-basta tatanggap ng empleyado na hindi man lang ini-interview. Ginagawa mo ba ito para makapag-higanti dahil hindi mo matanggap na nagbabago ka dahil sa'kin? Sir vick. huwag mo akong idamay sa mga nangyayari sa buhay mo dahil hindi ko sinabing magbago ka para sa'kin. Sarili mo ang dapat mong sisihin, kasi nanahimik ako, ikaw itong lapit ng lapit sa'kin. Nakakainis kang gago ka-" vick rougly crashed his lips on her, cutting of her words. She tried to push him away but to no avail. Napatigil siya sa pagpupumiglas ng maging banayad ang paghalik nito sa kanya. He kissed her like she matters to him. Naramdaman niya ang pag-iinit ng katawan niya. Namalayan nalang niya na tinutugon na niya ang bawat paggalaw ng mga labi ni vick sa mga labi niya. Isang mahinang daing ang lumabas sa bibig niya ng pakawalan nito iyon at pinagapang ang labi nito pababa sa leeg niya. Nararamdaman na niya ang pagkabuhay ng bahaging iyon ng katawan niya ng biglang tumigil si vick Nagtaas ito ng tingin sa kanya at hinawakan ang pisngi niya. "I already broke two of my rules. Now, I just broke my third rule. So I suggest you go home before I lose myself and screw you here in my office. Umalis ka na, hangga't kaya ko pang pigilan ang sarili ko." Walang imik na naglakad siya pabalik sa mesa niya at kinuha ang shoulder bad niya. Wala pa rin siyang imik na sumakay sa elevator. Bago sumara ang elevator na sinasakyan, nagtama ang mga mata nila ni vick at nginitian siya nito. Biglang bumilis ang t***k ng puso niya. Anong mayroon sa lalaking 'yon na ngiti lang, naghaharakiri na ang puso ko? Nakakainis!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD