chapter 10 resignation

2506 Words
PAGDATING ni mea sa bahay ng mga magulang ni red, agad siyang sinalubong ng yakap ng Tita Claudine niya, ang ina ni red. May malapad itong ngiti sa mga labi ng pakawalan siya nito. Parang galak na galak ito ng nakita siyang muli. Well, it's been two years since they last saw each other. Huli niyang nakita ang mga ito nuong umalis si red patungo sa ibang bansa para gawin ang matagal na nitong hilig, ang kumuha ng mga litrato sa iba't-ibang panig ng mundo. National Geographic Channel asked Creed to be their photographer and that's the reason why she haven't seen Creed for more than a year. "Oh my god, mea . Look at you!" Tita Claudine exclaimed. Hinagod siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. "Napakaganda mo na. Ang tagal din nating hindi nagkita. Naging busy kasi kami ng Tito Claudine mo sa negosyo namin." mea smiled at the woman she considered her second mother. "Kayo rin naman po, Tita Claudine . Parang hindi kayo tumanda. At saka ayos lang po 'yon, naging abala rin naman po ako sa trabaho ko. Pasensiya na at hindi ko man lang kayo nabisita." Natatawang ipinalibot nito ang mga mata. "That's okay. And please, don't flatter me, mea . I can already see my white hairs." Mahina siyang natawa at napailing-iling. "Tita, maganda ka pa rin naman kahit may uban ka na. I swear." "Oo na." Bumungisngis ito. "Come on. Pasok ka." Anito at marahan siyang hinila papasok sa loob ng kabahayan. "Sa loob mo nalang hintayin si red. Malapit na iyon bumalik mula sa apartment mo. Kinuha yata ang mga gamit mo. Pagpasensiyahan mo na ha? Magulo pa ang bahay dahil sa party kagabi. Bakit pala hindi ka pumunta?" "Nasira po kasi ang cell phone ko, kaya hindi ko nalaman na bumalik na si red." "Ah, kaya naman pala." Hinayaan niyang hilain siya ng butihing ginang papasok sa loob ng bahay. Natutuwa siya at hindi pa rin nagbabago si Tita Cluaden . Kahit mahigit isang taon silang hindi nagkita, hindi pa rin nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Naiingit siya kay red kasi kahit minsan lang ito magpakita sa pamilya nito, makikita namang mahal na mahal ito ng mga magulang. Samantalang siya, namatay ang mga magulang niya nuong college siya. Buti nalang at scholar siya sa unibersidad na pinapasukan niya kaya naman nakapagtapos siya ng pag-aaral. At siyempre pa, palaging nasa tabi niya si red at ang mga magulang nito para alalayan siya sa mga miscellaneous fees ng unibersidad at sa mga iba pa niyang gastusin. Matalik na magkaibigan ang mga magulang niya at magulang ni red Kaya naman hindi nakapagtataka na matalik din silang magkaibigan ng binata. "Anong gusto mong inumin? Juice? Cola? Water?" Anang boses ni Tita Cluaden na pumukaw sa pag-iisip niya. Umupo siya sa mahabang sofa. "Juice nalang po, Tita. Medyo nauuhaw po ako." Nginitian siya nito. "Okay. Ikukuha lang kita. Maiwan muna kita rito ha?" Tumango siya at sumandal sa likod ng magabang sofa. Ilang minuto na siyang ganoon ang posisyon ng biglang may kamay na tumakip sa mga mata niya. Hindi siya gumalaw sa kinauupuan niya. "Hulaan mo kung sino?" Anang baritonong boses mula sa likuran niya. Tumaas ang gilid ng labi niya. "dud, mula elementary kaibigan na kita kaya naman kilalang-kilala ko na ang boses mo." Tumawa ng mahina si red at tinanggal ang kamay na nakatakip sa mga mata niya. "I miss you, Babe." Anito at niyakap siya mula sa likuran. Napangiti siya at niyapos ang braso nito na nakapalibot sa leeg niya. "Na-miss din kita, dud" Mas humigpit pa lalo ang yakap sa kanya ni red. "Bakit naman kasi hindi mo tinanggap ang offer kong maging sekretarya ka? E di sana hindi natin na-miss ang isa't-isa." Pabirong kinurot niya ang braso nito. dud, alam mo na ang rason ko kung bakit hindi ko tinanggap ang alok mo. At nasisiguro kong madi-distract ka lang kapag kasama mo ako kasi masyado kang overprotective sa'kin. Baka hindi mo magawa ang trabaho mo ng maayos. Ayoko namang mangyari 'yon. At saka hindi kita ma-contact kasi hindi ko alam kung nasaang lumpalop la na ng mundo." Sumimangot ito. "My parents are here in the Philippines. You could have ask them where I am. Alam naman nila palagi kung nasaan ako. Hindi mo man lang ako sinubukang kontakin sa pamamagitan nila Mommy at Daddy." Sumimangot din siya. "Kasi naman e... akala ko nakalimutan mo na ako." He scoffed. "Para namang mangyayari 'yon." Magsasalita sana siya ng pumasok sa sala si Tita Cluaden na may dalang isang basong pineapple Juice at ilang pirasong cookies na nakalagay sa platito. "Oh, red, anak, narito ka na pala." Wika ni Tita Cluaden at inilapag ang dala nitong tray sa ibabaw ng round table. "Mag-meryenda ka muna, mea." Nginitian siya nito ng pilya. "Maiwan ko muna kayo rito sa sala." Napailing-iling nalang siya sa inakto ng ina ni red. Mula pa noon, palagi siya nitong tinutudyo kay red. Hindi nalang niya iyon pinapansin. Napalingon siya ng pakawalan siya ni red sa pagkakayakap at sinundan ito ng mga mata niya ng pumalibot ito sa mahabang sofa at umupo sa tabi niya. Inakbayan siya ng kaibigan. "So, ready ka nang makasama ako ng isang linggo?" Anito na ang tinutukoy ay ang pagbabakasyon nila. Humilig siya sa balikat nito at humugot ng isang malalim na hininga. "Yep. Ready na ako." "Talaga?" Nasa-boses nito ang pagkagulat. "Akala ko ba hindi dahil sa trabaho mo?" Nakaramdam na naman siya ng inis ng maalala ang trabaho niya at si vick . Her lips thinned. "Magri-resign na ako sa pinagta-trabahuan ko. Ayoko na roon. Napagdesisyunan kong tanggapin ang inaalok mong trabaho." Inilapit nito ang mukha sa mukha niya. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. "Babe, I would be really happy if you work for me but I want to know the reason why you are resigning. Naalala mo pa ba na iyang trabaho mo ang isa sa mga rason kung bakit hindi mo tinanggap ang alok ko? You love your job very much. So why resign? Did something happen that did not suit your liking?" Natahimik siya sa tanong nito. Pumasok kaagad sa isip niya si vick at ang mga sinabi nito. Kinagat niya ang pang-ibabang labi ng maramdaman niyang nanubig ang mga mata niya. Mabilis siyang kumurap-kurap at nag-iwas ng tingin. "Wala naman. Naisip ko lang na mag-iba naman ng trabaho. Medyo nabu-burn out na kasi ako roon e." Matagal siya nitong tinitigan bago nagsalita. "You know how much I hate liars, mra. So please, don't lie to me." Mas lalong bumaon ang ngipin niya sa kanyang mga labi. Kapag tinawag na siya nito sa pangalan niya, alam niyang seryoso ito. "Ano ba talaga ang nangyari, Babe?" Malumanay ang boses nito ng muling magsalita. Ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. She can see in his eyes that he's really worried about her. Parang may sariling isip na bumuka ang bibig niya at nagumpisang mag-kwento. MULA ng bumalik si vick sa opisina niya at hindi roon naabutan si mea uminit kaagad ang ulo niya. Gusto niyang manuntok pero sino naman ang susuntukin niya? Ang sarili niya? wala namang ibang sisisihin kung hindi ang sarili niya. Nakasandal siya sa likod ng swivel chair na kinauupuan at nag-iisip ng paraan kung paano susuyuin si mea ng marinig niyang may kumatok sa pinto ng opisina niya. Umayos siya ng upo. "Pasok." Bumukas ang pinto at pumasok doon si Dan ang head ng Administrative department. Kumunot ang nuo niya. Ano naman ang kailangan nito? "Good morning, Sir." Bati nito sa kanya. Umasim ang mukha niya. "Good morning din sa'yo. Anong kailangan mo?" Lumapit ito sa mesa niya at may inilapag na isang puting papel sa ibabaw ng mesa. "mea faxed this to me thirty minutes ago. Pinapabigay sa'yo." Kinuha niya ang papel at binasa ang nakasulat doon. His jaw tightened when he read the word resigning. Hindi na niya tinapos ang pagbabasa, tinupi niya iyon at muling inilapag sa ibabaw ng mesa. He's controlling the anger he's feeling. Inilabas niya mula sa bulsa ng pantalon niya ang bagong cell phone na binili at tinawagan ang cell phone niya na nakay mea ngayon. After two rings, narinig niya ang busy tone. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa screen ng cell phone niya. "Pinatayan niya ako?" Hindi maipinta ang mukha niya sa isiping pinatayan siya nito ng tawag. "Sino ba siya sa tingin niya? She's just a freaking secretary." He mumbled under his breath. Kumukulo ang dugo niya at mas lalo pang uminit ang ulo niya ng marinig niyang nagsalita si Dan. Akala niya ay umalis na ito. "Sir, pinapasabi pala sa'yo ni mea na huwag mo na raw siyang guluhin mula ngayon." Wika ni Dan at umalis pagkatapos yumuko. Nanggigigil na ikinuyom niya ang kamao. His jaw tightened as he think of mea and her resignation letter. Ang babaeng 'yon. Ano naman kaya ang pumasok sa utak nito at naisipan nitong mag-resign? Nagagalit siya sa ginawa nito pero alam naman niyang babalik din ang dalaga sa vellanueva Corporation. Mahirap maghanap ng trabaho sa panahon ngayon. Naningkit ang mata niya habang nakatingin sa resignation letter ni mea. "The moment you entered my office again, you will be punished." And that's a promise. HUMINGA ng malalim si mea habang nakasakay sa Audi ni red. Nagmamaneho ang kaibigan patungo sa Baguio kung saan napagdesisyunan nilang magbakasyon. May vacation house doon ang pamilya ng binata at doon sila mamamalagi ng isang linggo. Pagkatapos niyang i-kuwento lahat ng nangyari sa kanila ni vick , halos lumuwa ang mga mata nito. Wala siyang itinago sa kaibigan. Alam naman kasi niyang hindi siya nito huhusgahan. Bumuntong hininga siya at tumingin sa dinadaanan nila. Binigay na kaya ni Dan ang resignation niya? Ano naman kaya ang naging reaksiyon ni vick Napaigtad siya ng mabasag ng pag-iingay ng cell phone niya ang katahimikan sa loob ng kotse. She pulled out her phone from her purse and looked whose calling. vick calling... Bumilis ang t***k ng puso niya ng makitang si vick ang tumatawag. Akmang sasagutin niya ang tawag ng agawin sa kanya ni red ang cell phone at ng makitang si vick ang tumatawag, mabilis nitong pinatay ang tawag. Ibinalik nito sa kanya ang cell phone. "I-off mo 'yan. Ayokong makita o marinig kang nakikipag-usap sa lalaking 'yon. He doesn't deserve you, Babe. He doesn't. Maghanap ka nalang ng ibang lalaki na magmamahal sa'yo. Yung lalaking mamahalin ka at hindi ka paglalaruan." Tumungo siya ng nanubig na naman ang mga mata niya. "Ang tanga ko kasi e." Suminghot-singhot siya at kinusot ang mga mata. "Alam ko naman mula simula na hindi niya ako se-seryusohin pero sige pa rin ako ng sige. Naiinis ako sa sarili ko." Inabot ni red ang kamay niya at pinisil iyon. "Nandito lang ako. Hindi kita iiwan o lolokohin kaya tahan na. Naalala mo ba ang pangako ko sa'yo noon?" A small smile appeared on her lips. "Yes, I remember. Nangako ka na kapag lampas na ako sa kalendaryo at wala pa rin akong asawa, at ikaw ay single pa rin, nangako ka na papakasalan mo ako." She chuckled. "Alam mo bang kabaliwan ang pangako mong 'yon?" Tumawa ng mahina si red . "Kaya ikaw, kung ayaw mong ako ang pakasalan mo, maghanap ka ng matinong lalaki na magmamahal sa'yo." She smiled at him through review mirror. "Baliw ka na. Hindi mangyayari 'yon." "Okay. Sabi mo e." Napailing-iling siya at tumingin sa labas ng kotse. Alam niyang hindi mangyayari ang kabaliwan na pangako sa kanya ni red . Imposibling wala itong maging asawa. Maihahanay ang kaguwapuhan nito kay vick. Hindi rin naman pahuhuli ang kaibigan kung pera ang paguusapan. Medyo lamang lang ng kaunti si vick Sumandal siya sa kinauupuan at napatitig sa cell phone ni vick na hawak-hawak niya. Biglang pumasok sa isip niya ang sinabi ni vick na talagang nanakit sa puso niya. 'Oh, and that woman in the bathroom, that's Odette. She's a model. Yes, I screwed her too. And screwing Odette was much better than f*****g you.' Mariin siyang napapikit. Nang magmulat siya ng mga mata, mabilis niyang tinanggal ang battery ng cell phone ni vick inilagay ang cell phone nito sa mini-compartment ng kotse ni red. Huminga siya ng malalim. I believe that I will forget you, Vick . Sino ka ba para pagharian ang puso ko? You're nothing but an asshole. MULA sa vellanueva Corporation, pumunta si vick sa ALVH Financial. Agad siyang sinalubong ng sandamakmak na mga papeles na dapat niyang permahan. Hinilot niya ang sintido at mahinang napamura. Masyado kasi siyang nag-focus sa vellanueva Corporation dahil kay mea , natambak tuloy ang trabaho niya sa sariling kompanya. Pinaghirapan niyang itayo ang ALVH Financial. Pagod at pawis ang puhunan niya rito. After college, he worked for two years under his father's company. After that, nakuha niya ang mana na inilaan ng lolo niya para sa kanya, iyon ang ginawa niyang puhunan sa ALVH Financial. Kilala ang pamilya nila sa business world kaya hindi siya nahirapan kumuha ng investors. Kaya naman ginagawa niya ang lahat para mas lumago pa ang kompanya niya. At naiinis siya sa sarili na napabayaan niya ang kompanya dahil kay mea . Hindi pa siya nakaka-upo sa swivel chair niya ng pumasok ang sekretarya niya. "Sir vick , mabuti naman at narito ka na." Wika ni jesa. Isa ito sa pinagkakatiwalaan niyang empleyado. Mula ng itayo niya ang ALVH Financial, ito na ang sekretarya niya. What's good about jesa? Hindi ito katulad ng ibang babae. She actually doesn't like him and the feeling is mutual. May fiancé na rin ito at malapit nang ikasal kaya naman nanganganib siyang mawalan ng mahusay na sekretarya. "Yes, jesa? What do you want?" Humarap siya rito. "May papepermahan ka pa ba sa'kin?" Iminuwestra niya ang kamay sa naka tambak ng mga papeles sa mesa niya. "Hindi pa ba sapat ang mga 'yan?" Inungusan siya nito. "Kasalanan mo 'yan kasi ilang linggo kang hindi pumasok. Akala ko ba bibisita ka lang sa kompanya ng daddy mo. Anong nangyari at namalagi ka roon ng matagal? Hayan tuloy, natambak ang trabaho mo. Kaya huwag kang umangal kasi kasalanan mo naman 'yon." Huminga siya ng malalim at umupos sa swivel chair niya. "Something happened but it wasn't that important. Anyway, kumusta naman habang wala ako?" Nagkibit-balikat ito. "Nothing much. Marami pa rin ang kababaehan na naghahanap sa'yo, no shock there. Panay pa rin ang tawag nila rito sa opisina, nothing's new. Panay ang kulit nila sa akin kung nasaan ka, as usual." He puffed a breath. "Paano nakalusot si Odette sa'yo? Nalaman niya kung nasaan ako." Umiling-iling ito. "Hay, naku, Sir vick Kung ako sa'yo, get rid of her. masyado siyang obsess sayo." He chuckled. "Tell me about it. Anyway, may appointment ba ako for today?" Tumango ang sekretarya niya at ipinakita ang memo pad sa kanya. "You have a meeting after lunch and remember Mr. Hurukushi?" Tumango siya. "Yes, I do. Bakit?" "He wanted to talk to you. I'm not sure why but he said that he wanted to invest in ALVH Financial." Malapad ang ngiti na kumawala sa mga labi niya. "Thanks god. Akala ko pipiliin niya ang competitor natin." "Yes, thanks god but not really." Kumunot ang nuo niya. "Bakit not really? Is there something wrong?" "No, not at all." Nginitian siya ng pagkatamis-tamis ni jesa at alam niyang hindi magiging maganda sa pandinig niya ang sasabihin nito. "He's in Baguio right now because he's on vacation with his family and he wanted you to go there to talk to him about ALVH Financial. Kung ayaw mo raw, makakaasa ka na sa competitor natin siya mag-i-invest. And we're talking millions, Sir vick Millions. Isipin niyo nalang ang profit na makukuha ng ALVH Financial." Mariin niyang ipinikit ang mga mata at napailing-iling. Kapagkuwan ay inumpisahan na niyang permahan ang nakatambak sa papeles sa ibabaw ng mesa niya. "jesa?" Tawag niya sa pangalan ng sekretarya niya na nakatayo pa rin sa harapan ng mesa niya at hinihintay ang desisyon niya. "Yes, Sir vick ?" "Book me a flight to Baguio." Aniya habang abala pa rin sa pagperma. Ayaw niyang pumunta kasi marami pa siyang trabaho pero wala siyang ibang pagpipilian. Ika pa nga ni Tessa. Millions. Hinding-hindi niya palalampasin 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD