OWEN POV HALOS MADUROG ang puso ko habang pinagmamasdang nakaratay si Hera sa hospital bed na may sari-saring nakakabit sa kanyang katawan . Hawak-hawak ang kanyang kamay sabay-sabay na pumatak ang aking mga luha. Hindi ko maatim na pagmasdan siyang halos walang buhay, parang kalian lang naririnig ko pa ang malambing niyang boses. Tinitigan ko ang maamo niyang mukha at hinaplos ito. Kung hindi lamang sa isang maliit na heartbeat monitor na nakakabit sa kanyang kamay ay parang mawawalan na ako ng pag-asa, sabi nila hindi dapat humagolgol sa pag-iyak ang mga tunay na lalaki pero wala akong pakialam. Dahil sa ngayon ang sakit-sakit pagmasdan ang kanyang kalagayan, napakasakit sa akin na ang tanging babaing aking minahal ay walang parin ulirat hanggang ngayo After two days, Dumating ang

