CHAPTER 2

2605 Words
Nakakalapag lang eroplanong sinakyan niya sa MIA terminal 3. Masigla siyang lumabas ng eroplano at agad na nagtungo sa baggage area kung saan kinukuha ang mga luggage ng mga pasahero. Nakatayo siya kasama ng mga iba pang pasahero habang hinintay ang paglabas ng kanyang bagahe sa isang maliit na bintana. Nang makita niya na ang kanyang bagahe agad niyang dinampot ang mga ito. Isang maliit na maleta lang iyon at isang ice bucket na naglalaman ng pinaluto niyang sugpo, alimango at king crab kay Mang Pedring. Nasaan na kaya si Owen tanong niya sa sarili, mabilis niyang kinuha ang phone niya sa kanyang bulsa ng jeans niya at nag text kaagad sa binata. To Big Bro: where are you? palabas na ako sa arrival area. Hinintay niya ang sagot ni Owen pero imbis na magreply ito sa kanya, isang tawag an natanggap niya. Big Bro calling.......... Natawa siya kahit kailan talaga tamad Itong mag reply sa text, she answer the call but before she can utter a word, nagsalita na ito. "Baby doon ka dumaan sa VIP area, ipakita mo iyong ID mo sa guard, wait kita doon" "Ok see you". Pinatay na agad ang binata ang cell nito, karaykaray ang isang trolley kung saan nakalagay ang isang maliit na maleta at isang ice bucket, tumahak na siya papunta VIP area. Nakita niya agad ang guard, nilapitan niya ito at ipinakita niya ang ID niya dito. "This way madam" sabi ng guard habang iginigiya siya sa isang pasilyo. Nakita niya kaagad si Owen nakaupo sa isang chair. Ngumiti ito habang papunta sa kanya direksiyon. Kinuha nito sa ang kanyang mga dala- dala mula nasa trolley. "Hi baby" sabi nito at kinausap ang guard. Nagpasalamat ito sa guard at isang "no problem po Sir" ang tugon ng guard sa binata. "Let's go baby, tayo na sa car" anyaya ng binata sa kanya. "Okey" lumakad na sila patungo sa sasakyan ng binata. Isang black hammer ang dala ng binata. Binuksan ni Owen ang pinto ng passenger seat. "sakay kana baby, ilalagay ko lang itong bagahe mo sa likod" sabi ng binata habang inaalayan siyang pumasok sa kotse. Nakaupo na siya sa passenger seat nang sumakay na din si Owen. Binuhay ng binata ang makina ng kotse, saka kinabit ang seatbelt niya. "Thank you" anas na sabi niya "So How your vacation?" tanong nito sa kanya habang kinakabit ang seatbelt nito sa sarili. Nagsimula na ito sa pagmamaneho palabas ng airport. "okay naman. Sulit and fulfilling"nakangiting sagot niya. "looks that your happy, happened to meeting someone there?" he asked her as he glance at her. "Remember Avria Araneta?" "Yes, I do remember her, di ba classmate mo siya nang high school?" paniniguradong tanong nito kanya ng binata. "Yes, akalain mong after 5 years muli kaming magkikita at sa Bacolod pa. Who would have thought na isa siyang may ari ng sikat na jewelry shop" "really, so how is she? Is she married?" "She's okay Kinakamusta ka nga niya. Wala pa din siyang asawa. Alam mo bang she is still waiting for Sky to comeback." masiglang kwento niya dito. "oh really, I pitty her then, hindi na babalik si Sky dito sa Pilipinas, last time we saw each other sa Canada, engaged na ito ." he said as he glance at her. "Kawawa naman pala siya, wala na siyang hinihintay kung ganun. Nakakalungkot akala ko pa naman magkakatuloyan sila. Sky had a big crush on her so is Avria." wika niya. Huminga siya ng malalim at bigla nakaramdam ng kalungkotan. "Baby ganun talaga, they weren't mean for each other. Saan mo pala gustong kumain?" he asked her but his eyes is on the road. Buti nalang at hindi ma traffic. "Sa condo mo nalang may dala akong paborito mong sugpo, alimango at king crab, may rice ka ba doon?" "sa condo it is, magsasaing nalang tayo" wika nito. Lumingon ito sa kanya at hinawi ang buhok na nakaharang sa mukha niya. "There much better" binalik ng binata ang mata nito sa daan, medyo hindi na ma traffic kaya mabilis na umusad na ang sasakyan nila. Mayamaya lang natagpuan niya na nasa harap na sila nang building kung saan natatagpuan condo ng binata. Ipinarada ni Owen ang kanyang hammer sa basement ng naturang building. Inihinto ang sasakyan. "We're here" tinanggal ng binata ang kanyang seatbelt at maging ang seatbelt niya. Bumaba na sila sa sasakyan. Nanitili siyang nakatayo sa gilid ng sasakyan habang kinuha ng binata ang mga bagahe niya sa likod ng kotse. Buhat buhat ito ng binata hanggang sa narating nila ang elevator. Nakasarado pa ang pinto ng elevator nang dumating sila doon, pero base sa parisukat na screen nasa gilid nito, pababa na din ito. ilang minuto ang lumipas bumaba na din ang elevator sa basement, tinangka niyang kunin sa binata ang ice bucket, magaan lang ito kaya okay lang sa kanya na buhatin ito. "No baby ako na, magaan lang ito" tumango nalang siya sa binata. As soon as elevator reached the basement, its door opened, she step in and press the hold button para makapasok si Owen ng maayos dala ang mga bagahe. Nag nasa loob na ang binata, she press 20 for 20th floor. Nasa twenty floor ang unit ng binata. Nanatiling sila lang ang tao sa loob ng elevator hanggang tumigil ito 20 floor. At katulad kanina ganun din ang ginawa niya she press the hold button ang pagkakaiba nga lang naunang lumabas si Owen sa kanya. Nang dumating na sila sa pintuan ng condo ng binata, isi-swipe nito ang blue card na kinuha ng binata sa kanyang bulsa. Pumasok na sila ni Owen. Inilapag ng binata ang gamit niya sa salas. She was about to sit down on the couch when two strong arms wrapped around her. Nagulat siya sa biglaang pagyakap ng binata sa kanya. He hugged her tight na para bang miss na miss siya nito, tinugon niya naman nang yakap ang yakap ng binata. Na miss niya din ito kaya. "I miss you so much baby" he whispered to her ear and kiss her on her forehead. Biglang siyang kinabahan at same time she felt happy. Bakit nga ba her heart beats fast na para itong makakawala sa kanyang ribcage. Why is she so affected eh normal lang sa kanila ni Owen ang magyakapan. They been hugging each other ever since they were children. "And I miss you too" pag aamin niya sa binata. He hold her tightly. Then her stomach make a strange sound. Owen chuckled as he hear it. "Gutom ka na baby. Maligo ka muna kaya at magpalit ng damit, magsasaing lang ako. Dito kana pala muna matulog, gabi na bukas na kita hinahatid sa condo mo" nakangiting wika ng binata. Tumango nalang siya sa binata at pumunta sa kwarto nito. Agad siyang pumasok sa banyo. Binuhay ang shower at agad naligo. Sinabon niyang maigi ang kanyang katawan at buhok gamit ang sabon at shampoo ng binata. Naisip niyang hindi naman masama na gamitin niya ang sabon at shampoo nito, saka tamad na siyang lumabas ng kwarto upang kunin ang sabon sa bagahe niya. Pinilupot niya ng towel ni Owen sa kanyang katawan. Lumabas na siya ng banyo. Binuksan niya ang closet ng binata at nagulat siyang may pambabae mga bra at undies doon. Sinuri niya ang mga ito at natanto niyang sa kanya ang mga iyon. Nagtataka man kung bakit may bra at panty siya sa condo ng binata ay pinag sawalang bahala na niya. Kumuha siya ng isang bra at panty doon, humugot siya ang isang over sizes white shirt at isang boxer. She smile as she look at her reflection in the mirror, bagay sa kanya ang damit ni Owen. She looked seductively sexy with her legs showing. Bahala na sabi niya sa sarili hindi naman magagalit sa kanya si Owen kung isuot niya ang damit nito. Lumabas siya sa kwarto at pumunta ng kitchen, natagpuan niya ang binata na nilalagay ang mga dala niyang pagkain sa plastic container. Naramdaman ata ng binata ang kanyang presensiya. Itinaaas nito ang ulo at tinignan siya mula ulo hanggang paa. Nakaramdam siya ng hiya sa paraan ng pagtingin ng binata. Ngumiti si Owen ng makita siyang namumula, lumabas ang mga biloy nito sa pisngi. "Your blushing baby and look good on my shirt. Nice legs, but don't you ever show that legs in front of any man!" kinindatan siya nito dahilan na mamula lalo ang kanyang pisngi. "Hey your blushing!" puna ng uli ng binata kaya mas lalong namula ang kanyang pisngi. "Will you stop giving me complimentary remarks! Hindi ako sanay eh." Saway niya dito. "And why wouldn't I? You look more beautiful when your blushing!" he laugh. Lumapit ito sa kinaroonan niya at hinawakan ang kanyang kamay habang siya naman pinisil ito sa ilong. "stop teasing me hero!" she told him stills blushing. He smirked at her. "fine, now sit" utos nito at hinila ang upoan sa harapan niya, malapit ito sa kitchen counter. Umupo na din ang binata sa katabing upuan. Hinawakan ng binata ang kamay niya at may kinuha itong isang maliit na violet box mula sa bulsa ng jeans nito, he open the box at nakita niyang isang very expensive ring ang laman. "wear this and don't you take it off" Isinuot ito sa kanyang daliri ang singsing, and it perfectly fits. "Oh my God, its so beautiful" paos na sabi niya, hindi niya maalis na humanga habang pinagmasdan niyang itong mabuti. It's an eternity ring na pinalilibotan ito ng maliliit na black diamond. "Why Hero? Bakit mo ako binigyan nito, it's quite expensive." Maang na tanong niya "its my gift to you, siguro naman baby you will forgive me sa hindi ko sayo pagpaparamdam sa loob ng isang buwan, so am I forgiven?". He kissed her hand and look at her with so much emotions she couldn't read. Her heart is full of joy that she kissed him on his cheek "Ano ka ba Hero, you don't have to, alam mo naman when its come to you I can't stay mad, nagtatampo lang ako hindi ako galit"nakangiting sabi niya "but I want to give you this ring, do like it baby?" he said huskily "No I don't like it, I love it" she stated full of joy "Gutom kana baby?" masuyong tanong ng binata sa kanya. Ang mga mata nito ay titig na titig sa kanya. Hindi niya natagalan ang pagtitig nito sa kanya kaya napayuko siya. "Oo, luto na ba ang kanin" sabi niya habang nanatiling nakayuko. Isang kamay ang humawak sa kanyang baba at inangat ang kanyang ulo. Nagtama ang kanilang mata. Kinabahan siya bigla. Ang lakas ng t***k ng puso niya. "Bakit? Kanina lang your blushing and now your shy.. Nagdadalaga na ba ang baby ko" nakangiting sabi nito sa kanya dahilan na lalong lumakas ang t***k ng puso niya. "Naiilang lang ako sa mga kinikilos at sinasabi mo. Tigilan mo na kasi ang katatawag sa akin ng baby" pag aming sabi niya "no I won't stop calling you baby. Tell me Hera, ayaw mo bang tawagin kita na baby or baka may tumatawag na sayo ng ganyan kaya gusto mo itigil ko ang pagtawag ko sayo. May boyfriend kana ba?" usisa nito sa kanya. "No! No... wala akong boyfriend at hindi sa ayaw ko, ang totoo I like it when your calling me baby, kaya lang.....eh basta..ewan ko, basta naiilang ako." nahihiyang sabi niya. Huminga ito ng malalim. "akala ko may boyfriend kana! Mabuti at wala pa" parang wala sa sariling sagot ng binata kasi bigla itong natigilan. "Kain na tayo" sabi niya sa binata. Tumayo siya at nagsandok ng kanin sa rice cooker. Nilagyan niya ng kanin ang dalawang pinggan. Kumuha siya ng sugpo at alimango sa inilagay sa isang pinggan. Umupo siya uli sa tabi ng binata. sinimulan niyang ipinaghimay ng alimango at pinagbalat ng sugpo si Owen. Ngumiti ito sa kanya showing his two dimples. "Salamat at hindi mo nakalimotan pasalubongan ako ng alimango at sugpo, malakas talaga ako sayo baby." "Hmp., ako lang naman ang mahina sayo eh. Asan na ang moon cake ko?" Reklamo niya sa binata. "Pwede ko bang makalimotan iyon. Syempre may dala ako nasa ref. Alam mo naman I do everything to make you smile and happy" sabay tayo nito at kinuha ang isang box ng moon cake sa ref, Nilagay ito sa mesa. "Talaga? Anything?"malambing na tanong niya "Yes anything baby, just say it" "So pwede akong mag apply na PA mo? Sige na, i want to learned about business, please, lately kasi napapansin kong madalas na mapagod si dad" she smiled at him with matching puppy eyes pa. "I think it's not a good idea, you're going to distract me baby. saka may PA na ako remember? kaya please asked anything wag lang yan". Nawala ang ngiti sa mga labi niya as soon as he said that, akala niya pa naman he will do anything, drawing lang pala. Paasa! Oo nga pala, sino ba siya sa binata. Naalala niya ang hariparot nitong personal assistant na si Jesa, na kulang nalang maghubad ito dahil ang iksi ng damit, nagtitipid ata sa tela. Ibinuhos niya ang inis niya sa pagkain, oo nga naman pag naging PA siya nito magiging istorbo lang siya sa pambabae nito. Napansin ata ng binata na banas siya dito. "Galit ka?" "No, why should I?" Nawalan siya bigla ng ganang kumain. "Hindi galit ka ata baby, please try to understand" "Look Owen its okay, I won't force you. Hindi ako galit dahil wala akong karapatang magalit. tama ka magiging pabigat at istorbo lang ako sayo." "Hindi iyan ang ibig kong sabihin" "Whatever! Can I go to sleep now?,.I'm tired" itinirik niya ang kanyang mata "Galit ka nga, hindi sa ayaw kitang maging PA baby, I've got reasons that you won't understand" "Dropped the subject Owen! Fine! I'm not angry I'm hurt!" Tatayo na siya sana nang biglang siyang pinigilan ni Owen. "Don't stand, umupo ka lang ang finish your food baby!, please" She don't know kung bakit hindi niya magawang salungatin si Owen. She resume eating her food..Ewan niya ba kung bakit lagi siyang tumatalima sa mga sinasabi ni Owen. He has the ability and the power to make her happy, sad, irrated, confused and bewildered. "There, pwede na ba akong pumunta sa kwarto at magpahinga" pabalang na sabi niya "sige ako na bahala dito magpahinga ka na" sambit ng binata. Tumayo siya sa pagkakaupo at nilisan ang kusina na hindi tinitignan ang mukha ni Owen. Mabilis niyang tinungo ang kwarto ng binata, inis na humiga siya sa kama nito. huminga siya ng malalim at napakunot ang noo niya. Kinapa niya ang kanyang puso,ang lakas ng pagtibok nito. Abnormal na ata ang pagtibok ng puso niya. This pass few days ay halos tumatambol ito sa pag t***k. She raised her right hand and stared at the ring on her finger. She can't believe na regaluhan siya ni Owen ng ganito karanyang singsing, at it was really a coincidence na black diamond din ang design na nakalagay dito the same black diamond na naka design sa watch na binili niya para sa binata. A wicked smile appeared on her lips as the idea crosses her mind. Sa ngayon hindi niya muna iimikin si Owen, paparusahan niya muna ito pansamantala, and then later she will give him her surprised gift With that she fall into sleep
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD