Chapter- 17

1106 Words
Mika Pov. Mabilis akong naghahanda ngayon kasi Late na akong nagising. Pagkatapos kong magbihis ay sinuot ko na ang Shoes ko at Lumabas na ng Kwarto. Paglabas ko ay napatingin ako sa kwarto ni Jaden. Nasa labas ang pinto ang isa naming kasambahay na nagaalinlangan pa kung kakatok ba siya o hindi. "Bakit? May problema ba?" Tanong ko. "Goodmorning po Ma'am. Si Sir Jaden po kasi hindi parin lumalabas ng kwarto niya..." nagtaka ako kasi Late na siya sa Trabaho niya. Binigay ko sa kasambahay namin ang Bag ko at Kumatok sa pinto ni Jaden. "Jaden? Hindi kaba papasok ngayon? Late kana sa trabaho mo" ani ko. Hindi ko rin mabuksan ang pinto kasi Lock. "Hindi muna ako papasok ngayon..." ani niya sa loob. Nag alala ako kasi parang may mali sa boses niya. "Jaden, Please Open the Door. Kapag di mo to binuksan, Sisirain ko to" ani ko. May naririnig ako na yabag na sa loob at ilang sigundo pa ay bumukas na ang Pinto. "Bakit andito kapa? Late kana sa work mo.." mahinang ani niya. Una kong napansin sa kanya na namumutla siya. Pangalawa na yung ang gwapo niyang tingnan. "Okay kalang ba? Bakit namumutla ka?" "I'm Fine.." Nilagay ko ang palad ko sa Noo niya. "Anong I'm Fine ka dyan. Nilalagnat ka oh!" Ani ko. Tinulak ko siya papasok sa kwarto niya at sinara ang pinto. "Okay lang talaga ako, Mika." Ani niya. Tinulak ko siya pa upo sa kama at Hinila ang upuan na malapit lang saamin. "Nakakain kana ba?" Tanong ko sa kanya. "Wala akong ganang kumain. Pero seryoso, Okay lang talaga ako. Ipapahinga ko lang to tapos magiging okay narin ako mamaya" Hindi na ako nakinig sa kanya at pinahiga siya sa kama niya. Inayos ko rin ang kumot at Hininaan ang Aircon. "Dyan kalang, Ipagluluto kita para makakain ka" ani ko at naglakad papalabas ng kwarto niya. Rinig ko pa ang pagtutol niya pag labas ko. Pinabalik ko nalang sa kasambahay namin ang bag ko sa kwarto ko at Pumunta ng Kusina. Nagtaka pa si Yaya Rita kasi hindi pa ako umaalis. Sinabi ko nalang sa kanya na hindi muna ako papasok ngayon kasi may lagnat si Jaden. Tinulungan ako ni Yaya para ihanda ang sangkap para sa Soup na lulutoin ko. Habang hinihintay ko na kumulo ang sabaw ay tumawag muna ako sa Hospital. Sinabi ko na hindi muna ako papasok at babawi nalang ako pagka balik ko. Pagkabalik ko sa Kwarto ni Jaden ay naabutan ko pa siya na kinakalikot ang phone niya. Nilapag ko sa mini table ang Tray na dala ko kung saan naroon ang Bowl laman ng Soup na niluto ko, Gamot, Thermometer at Tubig. Kinuha ko ang phone sa kamay niya at tinulongan siyang bumangon. "Hindi kaba papasok sa work mo?" Ani niya. "Hindi na. Ikaw? Tumawag ka na ba sa Office mo?" Kinuha ko ang Bowl at hinipan para lumamig. "Tapos na kanina.." Dahan dahan kong sinubo sa kanya ang Spoon na hawak ko. "How is it? Masarap ba?" Tanong ko. "Yeah, Mashawrap" ani niya habang ngumunguya. Napangiti naman ako. "After this, you need to drink you medicine ha." I said at sinubo ulit sakanya ang ikalawang spoon. "Thank you, Mika" ani niya habang nakatingin saakin. Nag iinit tuloy ang cheeks ko sa tingin niya. Lalagnatin ata ako. "No, problem. I'm a Doctor After all?" I said. Kinuhanan ko rin siya ng Temperature. Pagkatapos niyang kumain ay pinainom ko na siya ng gamot at tinulungan siyang makahiga ulit. . . . Jaden Pov. Nang nagising ako ay naramdaman ko ang basang towel sa Noo ko. Tinanggal ko ito at Umupo. Sumandal ako sa headboard ng kama ko at napatingin sa paanan ng paa ko. Nakita ko si Mika na natutulog. Honestly, nagulat ako ng hindi siya pumasok sa trabaho niya para lang alagaan ako. Maybe it's part of our deal? Na part ng pagkakasundo namin na alagaan ang isa't isa? Pero aaminin ko na natuwa ako sa ginawa niya. Dahil doon ay naramdaman ko na nag aalala rin pala siya saakin. Babangon sana ako pero bigla siyang nagising. "Oh? What is it? San ka pupunta?" Ani niya at kinusot kusot ang mata niya. "Bubuhatin sana kita papunta sa Room mo. Mangangalay ka diyan sa Ginagawa mo eh.." ani ko. "I'm Fine, pahinga kana ulit.." wala talagang makakatalo sa katigasan ng ulo niya. Dahil sa takot akong ma sermonan ni Misis ay bumalik nalang ako sa kama. "Dito ka nalang kaya sa Tabi ko, Ayaw mo rin namang Matulog sa kwarto mo" Hindi ko alam kung saan ko na hugot ang linyahang iyon. May sariling buhay ata tong bibig ko. "Talaga?" Ani niya. "Yeah?" Lumapit siya saakin at tumabi. Nilagyan niya ng isang unan ang gitna namin. "Para saan 'to?" Ani ko at turo sa unan. "Wala lang, Behave ka Jaden ah" ani niya. Napangiti ako ng ma gets kung ano ang Pinupunto niya. "Hoy, wag ka ngang mag isip ng ganyan. May sakit ako noh.." ani ko. "Wala naman akong iniisip ah, sabi ko lang behave ka lang.." ani niya at ngumisi. "Baliw kang babae ka" ani ko. Hindi na siya Sumagot at umayos na ng pagkakahiga. Hindi pa naman ako sanay na walang niyayakap na unan kapag natutulog kaya itong unan nalang na nasa gitna namin ang niyakap ko. . . . Trisha Pov. Andito ako ngayon sa Office ni Sir Jaden. Inaayos ko kasi ang Table niya. Sinabi saakin ni Mr. Chen na Absent ngayon si Sir kasi May lagnat daw. Kaya inutusan niya akong Linisin ko nalang ang Table ni Sir. Kung tutuusin pwede nang umuwi si Mr. Chen kasi wala naman dito si Sir Jaden wala siyang babantayan. Ewan ko ba dito at ako ang pinagtritripan niyang utos utosan dito ngayon. Pagkatapos kong maglinis ay pinatay ko ang Aircon at lumabas ng Office. Pagkalabas ko ay nakasalubong ko si Christian na papunta sa Office ni Sir. "Pupunta kaba sa Office ni Sir?" Ani ko. "Ahh oo, may ihahatid lang ako na Files sa Loob." Ani niya at pinakita saakin ang mga Files na dala niya. Nakakapagtaka lang kasi may Binigay naman na Files ang Department nila kanina. Para saan kaya yong bitbit niya ngayon? "Lagay mo nalang sa mesa niya, Wala kasi si Sir ngayon.." ani ko. "Sige, Lagay ko lang doon" ani niya at naglakad na ulit. Nakita ko pa siyang pumasok sa office. Hinintay ko siyang lumabas pero ang tagal naman niya. Ilalapag niya lang naman ang Papers. Ilang minuto pa ay lumabas na siya pero bitbit niya parin ang mga Files na dapat iiwan niya sa office. Napakunot ang noo ko sa ginawa niya ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD