Mika Pov.
"Evris Raul Castro?" Ani ni Doc Wayne habang tinitingnan ang ID na binigay ko sa kanya.
"Bakit? Kilala mo?" Ani ko. Base kasi sa reaksyon niya parang kilala niya kasi.
"Ano ba Mika! Ofcourse kilala ko ito, Nag iisang anak siya ng may ari ng Castro Group of Company!" Ani niya.
"Talaga?!" Binawi ko sa kanya ang ID at nakita ang label sa upper part nito. Nakalagay ang Panglan ng Kompanya nila.
Malaki ang Kompanyang iyon pero mas hamak na kilala ang Kompanya nina Jaden.
"Pero, bakit kaya ikaw anb ni request niya na maging doctor niya? May gusto ata siya sayo" ani ni Doc Wayne.
"Ano ba Wayne! May Asawa na ako noh" ani ko at pinakita pa sa kanya ang wedding ring ko.
"Gusto lang ang sinabi ko. Hindi ko sinabing ipapalit mo siya sa Asawa mo noh" ani niya.
Mas gwapo pa kaya si Jaden sa Evris na 'yon. Pipiliin ko parin ang Asawa ko noh.
Bumalik na ako sa trabaho. Tulog pa naman ang bagong pasyente ko kaya bumalik nalang muna ako sa ER.
.
.
.
Jaden Pov.
Busy ako sa pagbabasa ng mga Files na nakatambak sa Mesa ko. Saglit lang ako nawala, natambakan na ako ng gawain. Napatigil ako sa ginagawa ko. Kanina pa ako hindi mapakali sa Office ko. Pakiramdam ko kasi may nakatingin saakin.
Nilapag ko ang Ballpen at napatingin sa gilid na part ng Shelves ko. May nakita akong maliit na umiilaw na kulay pula. Pinindot ko ang button na nasa mesa ko na komukonekta kay Mr. Chen.
"Call the Security Team.." i said.
"Po? May nangyari ba Sir?" Rinig ko pa na inutusan niya si Miss Reyes na tawagan ang Security Team.
"There's Something wrong in my office.."
"Papunta na po ako dyan, Sir"
*Toot*
Tumingin ulit ako sa kulang pula na umiilaw. So, You're watching me now huh? Ilang minuto pa ay dumating na si Mr. Chen kasabay ang mga Security. Lumabas muna kami ng Office at hinayaan ang Security na I check ang buong office ko. May gamit sila na makaka hanap ng Spy Camera o ano paman.
Habang naghihintay ay pumunta muna kami sa Monitor Room para tingnan ang Cctv. Pinindot nila ang Screen kung saan makikita ang labas ng Office ko pero hindi siya nakatuon talaga sa pinto kundi sa hallway lang papunta sa Office ko. Nakita naming pumasok si Miss Reyes sa Office. Sinabi saakin ni Mr. Chen na sinabihan niya si Miss Reyes na ayusin ang Office ko bago umuwi.
Ilang minuto pa ay lumabas na siya at nakasalubong niya si Christian. Pagka alis nila ay wala na kaming nakita na pumasok sa office ko. Ni rewind namin ulit ang video simula ng umaga at lima lang ang pumasok sa office. Kasama doon sina Mr. Chen, Miss Reyes, Mr. Valdez at ang dalawa pang Employee.
Bumalik ulit kami sa Office ko kasi natapos na ng mga Security na i check ang Office. Pag dating namin doon ay binigay nila saakin ang isang Spy Camera at isang listening device. Bale may tauhan sila dito sa mga employee ko. Mukhang madadagdagan ata ang trabaho ko ngayon.
Mabilis na kumalat sa Kompanya ang nangyari ngayon. Naging usap usap rin iyon at may haka haka kung sino ang naglagay. Ayoko sana na kumalat pa to sa labas kasi baka maging problema pa.
Kinukulit rin ako ni Mommy lately kasi Birthday ko na next week at gusto niyang mag paparty ganon narin si Daddy. Sa totoo lang, ayoko sana kasi marami rin ang gawain dito sa Kompanya pero nag hahanda na daw kasi si mama. Nakapag reserved narin siya ng mga pagkain at nakabili na siya ng mga gamit para sa party.
Kaya ano paba ang magagawa ko kung sumunod nalang. Formal ang magiging theme ng party ko kasi darating rin ang mga ka partners ni Dad sa trabaho.
.
.
.
Mika Pov.
Papunta ako ngayon sa VIP room ni Sir Evris. Lilinisan ko kasi ang sugat niya at papalitan ang Bandage. Kumatok muna ako sa Pinto.
"Pasok" rinig ko na sabi sa loob.
Binuksan ko ang pinto at nakita ko si Sir na nakahiga at tumitingin sa Bintana.
"Hello po Sir, i checheck ko lang po ang sugat mo" ani ko.
Tinulungan ko siyang umupo sa pagkakahiga at inayos ang kama niya. Tinaas niya ng kaunti ang damit niya. Tama lang na makita ko ang sugat niya. Dahan dahan kong inalis ang bandage at kumuha ng malinis na Gauze. Pinahiran ko ang mga dugo at nilagyan muna ito ng gamot bago lagyan ng malinis na bandage.
"I'm done, Sir." Ani ko. Niligpit ko ang mga ginamit ko. Nilagay ko rin sa isang lalagyan ang mga nagamit na bandage at Gauze. Aalis na sana ako ng nagsalita siya.
"Excuse me.." ani niya.
"Yes, Sir?" Nilagay ko ang tray na hawak ko sa mesa na nasa tabi ko at lumapit sa pasyente ko.
"Are you related to Mr. Jaden Oliveros?" Tanong niya.
"Yes, Sir. He is my Husband" nakangiting ani ko.
.
.
.
Evris Pov.
"Yes, Sir. He is my Husband" nakangiting ani niya.
"Oh, Really?" I said. Dahil sa nakikita ko na siya ng maayos ay alam ko na na siya ang asawa ni Jaden. Pinakita kasi saakin ni Dad ang Picture niya bago ipadala sa Kompanya nina Jaden kaya alam ko ang mukha niya.
Hindi ko rin matatanggi na ang ganda niya sa personal. Hindi ko namalayan na matagal na pala akong nakatingin sa kanya kaya medyo nailang siya.
"S-Sir? Okay lang po ba kayo?" Ani niya.
"I'm Fine, Doc. Thank you" nag paalam na muna siya saakin at lumabas ng Room ko. Pagkalabas niya ay agad na pumasok ang Personal na Bodyguard ko.