Mika Pov.
"Nawala lang ako ng isang araw, tapos marami na pala ang nangyari sa inyong dalawa." Ani ko sa dalawa kong kaibigan. Pagkauwi namin ni Jaden ay agad na pumunta sa bahay sina Trisha at Kayla. Sinabi saakin ni Kayla na wala nang trabaho si Trisha at sinabi niya rin ang dahilan kung bakit. Si Trisha naman ay sinabi saakin na Nambabae ang Boyfriend ni Kayla.
"Hay naku, ayoko narin naman sa Company nayon noh. Sana ma bankrupt siya." Ani ni Trisha. Nalaman ko rin na ang Company pala namin ang tumutulong sa Company na iyon kasi palugi na. Kaya nakatindig parin ang Company na iyon ay dahil yon saamin.
"I'll tell my dad about this. Aalamin rin natin kung ano rin ang ginagawa niya sa ibang employee niya." Ani ko.
"Okay lang naman saakin kung matagalan naman ulit akong makahanap ng trabaho. Ang iniisip ko ay itong si Kayla." Ani niya.
"Wag niyo na akong isipin, okay lang talaga ako." Ani ni Kayla.
"Ano na ang plano mo?" Tanong ko.
"Makikipag break ako sa kanya, Matagal ko narin naman nahahalata na parang may iba na siya. Gusto ko lang talaga na mahuli siya at makita ang Babae niya." Hinawakan ko ang kamay niya at tiningnan siya. Alam ko rin naman na magiging okay rin siya. Matatag si Kayla, si Trisha naman ay madeskarte at matapang. Pero kahit ganito ang mga kaibigan ko ay hindi ko parin mapigilan na mag alala sa kanila.
Napatigil kami ng marinig namin na may bumababa sa Hagdanan. Lumingon ako at nakita ko si Jaden na inaayos ang Neck Tie niya.
"Aalis kana ba?" Tanong ko.
"Oo, Marami na kasi papeles na kailangan kong asikasuhin sa Office. Susubukan kong umuwi ng maaga. Ikaw? Hindi kaba papasok sa Trabaho mo?" ani niya. Umupo siya sa Tabi ko.
"Bukas nalang siguro, plano ko sanang matulog. Napagod ata ako sa byahe kanina." Pinagpag ko ang Dumi sa balikat niya at inayos ang collar niya. Napatingin naman ako sa mga kaibigan ko na kanina pa tahimik. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila na nagkaayos na kami ni Jaden.
"Hello, You're Mika's Friends right? I'm Jaden, by the way" pakilala niya sa mga kaibigan ko.
"O-Oh, I'm Trisha and this is Kayla" gulat na ani nila. Parang ito rin kasi ang unang pagkakataon na kinausap sila ni Jaden.
"Ay oo nga pala. May Bakante ba na position sa Company niyo?" Tanong ko sa kanya.
"Bakit?"
"Itong kasi Trisha nag hahanap ng pagtratrabaho an. May experience narin naman siya sa pagtratrabaho sa Office. Dati siyang Assistant Secretary." Ani ko. Tiningnan pa ako ni Trisa na ' Nakakahiya' look.
"Well, Actually. I'm looking for a new Secretary."
"Secretary? Bakit? Anong nangyari kay Secretary Chen?" Tanong ko.
"Gagawin ko sanang Bodyguard si Mr. Chen. I've been receiving threats by anonymous messages lately. That's why i need a bodyguard."
"Sabihin mo kaya sa Daddy mo para mahanap yan."
"Ayoko rin naman na magbigay pa ng problema kay Daddy. Don't worry i can handle this on my own. Miss Trisha, you just need to pass you resume. I need to go, Bye Mika" ani niya at tumayo.
"Take care" ani ko at kumaway. Kinuha niya na ang bag niya at Lumabas na ng bahay.
"Take care~" napatingin naman ako kay Kayla. Nakangiti ito at panay ang tukso saakin.
"Akala koba hindi kayo close ng 'Asawa' mo?" Tukso ni Trisha.
"Well, nagkaayos na kami kahapon. Sabi niya subukan naming mag kasundo eh wala naman na kaming magagawa, Mag asawa na kami kaya yon." Lalong napangiti ang dalawa.
"Atleast, may isa saatin na maganda ang araw kahapon." Ani ni Kayla.
Pagkaalis nila ay umakyat na agad ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Ilang minuto pa ay nakatulog na ako.
.
.
.
Jaden Pov.
"Goodafternoon, Sir" bati ni Mr. Chen nang nakapasok na ako sa Office.
"Goodmorning" ani ko. Nilagay ko sa mesa ang Bag ko at umupo. Binigay niya saakin ang list ng Schedule ko ngayon. Magsisimula ng 2pm at sunod sunod na iyon hanggang 8pm ng gabi. Kailangan ko rin kasing bumawi sa Isa at kalahating araw na nawala ako dito.
"Inuna kopo pala muna ang mga important meetings niyo at yung mga hindi pa naman minamadali ay pinabukas ko muna." Ani niya. Gusto ko talaga kung papaano mag trabaho si Mr. Chen. Simula noong nag uumpisa palang ako ay palagi na siyang nakaalalay sakin kaya alam na alam niya ang trabaho niya.
"Thank you, Secretary Chen. By the way, may mag a-apply para sa bago kong secretary. I think pupunta siya bukas para i hatid ang resume niya. Okay lang ba kung ikaw ang magasikaso sa kanya bukas? Depende rin sayo kung tatanggapin ko siya o hindi"
"A-Ako po?" Gulat na ani niya.
"Oo, ikaw rin naman ang ilang taon ko nang secretary. Tiwala naman ako sa pagkilatis mo. Pero wag ka masyadong mahigpit ha, kaibigan kasi siya ni Mikaela"
"Ah, sige po sir. Ako ang bahala sa kanya."
"Okay, you may leave. Tataposin ko munang permahan ang mga to at pupunta na ako kung saan ang meeting area." Ani ko.
"Okay sir" hindi na ako tumingin at nag focus nalang sa trabaho.